Iniabot ng Head namin na si Mrs. Meddleton ang cellphone kay Phoebus,"Mukhang iba yata ang network ng magulang niya, hindi ko macontact. Kukunin ko lang ang cellphone ko sa bag para matawagan ko na."

Wala na talaga.

"Huwag na kayong mag abala Mrs. Meddleton. Isasabay ko nalang siya pauwi, madadanan ko rin naman ang bahay nila. Ako na rin ang bahalang magpaliwanag sa magulang niya."

"Sigurado ka ba Prof. Acosta? Hindi ba makakaistorbo sa 'yo?"

"Yes, Ma'am. May emergency rin kasi sa bahay kaya kailangan ko na rin na umuwi ngayon."

"Pero babae si Ms. Asuncion-"

"Ma'am, ayos lang po. Kilala naman po siya nila Mommy at malaki po ang tiwala ko sa adviser namin." sumabat ako sa usapan nila. Wala ng nagawa si Mrs. Meddleton kundi hayaan nalang kami kahit may pagtutol pa sa tingin niya.

Gaya nga ng sinabi ni Phoebus ay sumabay na ako sa kaniya at sumakay sa luma niyang sasakyan.

"Thank you, Sir. Akala ko talaga hahayaan mo na ako..."

"Ihahatid kita sa inyo."

"Sir, hindi puwede!" napalakas ang pagpalo ko sa dashboard. Nalaglag tuloy 'yong parang body ng stereo nitong sasakyan niya.

Nagpakawala siya ng isang puluntong hininga at umiling-iling, "Sisirain mo pa itong sasakyan ko."

"Sorry na, huwag mo muna akong ihatid sa bahay. Please? Pagkatapos nito hindi na kita guguluhin, promise."

"Hindi, ayoko."

Napaiyak nalang ulit ako, hindi ko alam kung gaano na kapangit ang hitsura ko ngayon. 'Yong makeup ko kanina ay hinilamos ko na doon sa resort at kitang-kita ko doon sa salamin ang pamamaga ng mata ko. Sana naman maawa sa 'kin itong si Phoebus kahit kaunti.

"Tumigil ka na," aniya.

Tumigil na rin ang pag-andar ng sasakyan niya. Siguro'y nandito na kami sa may parlor, tumango ako at ipinahid sa gown ang luha ko.

"Sige na, kausapin mo na si Mommy," nakayuko at nanlulumong sabi ko bago lumabas ng kotse. Isang singhap ang ginawa ko at nagmulat na ako ng mata.

Tangina.

"Akala ko ba ihahatid mo na ako sa amin?" Sinisinok-sinok parin ako dahil sa paghagulgol ko kanina.

"Napakakulit mo kasing bata ka." Nagkibit balikat siya at umismid.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Narito kami ngayon sa isang bakanteng space na may mga puno at mga damo sa gilid, mukha itong tuktok ng isang maliit na bundok. Kitang-kita rin mula rito ang mga bituin at 'yong bilog na bilog na buwan na siyang nagpapaliwanag sa lugar na ito. Malamig ang hangin at napakatahimik dito.

Nakakagaan sa pakiramdam ang lugar na ito.

"Puwede mong isigaw ang mga problema mo rito, pagkatapos uuwi na tayo..." Hinubad niya ang coat niya at ipinatong iyon sa balikat ko.

Napanguso ako at pinanood siyang umupo roon sa hood ng kotse niya, tumingala siya at sinalubong ng maamo niyang mukha ang liwanag na nanggagaling sa napakaganda at bilog na bilog na buwan.

"Hindi ko naman kailangang isigaw ang problema ko." I sighed.

Kailangan ko lang ng kahit isang tao na handang makinig.

"Bakit ba kasi ayaw mong umuwi sa inyo? Natatakot kang mapagalitan? Papaluin ka ba ng Mommy mo?" He asked with a playful smirk on his face.

Natigilan ako saglit. Medyo nagulat ako sa inasal niya dahil parang nawala 'yong pagiging strikto niya, ngunit napangiti rin ako dahil ibig sabihin lang noon ay baka nagiging komportable na rin siya sa akin.

Bumuntong hininga ako at umupo rin sa hood noong sasakyan niya para tumabi sa kaniya na pagmasdan ang kalangitan.

    "Hindi naman ako natatakot na mapagalitan," saad ko sa mahinang boses.

Tumitig siya sa akin, "Kung gano'n bakit ayaw mong umuwi?"

"Natatakot akong makitang ma-disappoint sa 'kin si Mommy." Napalabi ako habang nakatingin parin sa buwan. Tangina. Nanggigilid na naman itong mga luha ko at naninikip ang dibdib ko.

"Iiyak ka na naman? May panyo d'yan sa bulsa ng coat ko."

     "Alam mo kasi... ginagawa ko lahat para maging isang mabuti at perpektong anak. Tumutulong ako sa kanila, sumusunod sa utos nila at pinagbubutihan ko ang pag-aaral ko."

Siya na ang nagkusang kumuha noong panyo sa bulsa nitong coat at iniabot 'yon sa akin. Pagkatapos ay tumitig na rin ako sa kaniya at nagpatuloy sa paglalabas ng hinanakit ko.

   "Palagi akong active sa klase, gusto kong maging achiever kasi alam kong matutuwa sa akin si Mommy Jomar kapag ganoon. Wala akong pakialam kahit pa sabihan ako ng mga kaklase ko na 'Jollibee' o 'bida-bida', kahit i-bully pa nila ako sa harap ng maraming tao. Okay lang, kasi hindi naman nila naiintindihan 'tong nararamdaman ko."

Pinahid ko sa panyo ang luha ko at pinilit na ngumiti sa harapan niya, "Ginagawa ko lahat para maging mabuting anak, para naman hindi magsisi si Mommy Jomar na inampon niya ako 'di ba? Kaya nga natatakot ako na mabigo ko siya. Nakakainis, bakit ba kasi ako naging ampon?"

"Jeanne walang masama sa pagiging ampon, hindi do'n nasusukat ang pagkatao mo."

Nakangiti pa rin ako ng mapait, "Oo nga naman, alam mo ba? Ang nagpapasaya na lang sa akin, 'yung pangarap ko. 'Yung paniniwala na maabot ko 'yon balang araw. Kasi iyon ang magpapaalala sa akin na hindi ako isang failure."

"Naniniwala rin ako sa 'yo," ani Phoebus.

Idinantay niya ang ulo ko sa balikat niya at sabay kaming tumingala sa kalangitan. Binalot kami ng liwanag at katahimikan sa ilalim ng buwan at mga bituin. Pinakalma akong ng posisyon naming ito.

It was the kind of quiet and peace I haven't experience before, it was the thing I was yearning for.

Sir, Can I Be Yours?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ