Chapter 2

4.9K 125 5
                                    

Excited akong gumising kaninang umaga at maaga akong pumasok sa eskwelahan, alas syete pa ang time ko pero alas sais ay nakaalis na ako sa bahay. Nagtataka pa nga sila ate Joeanne at Mommy Jomar dahil first time ko daw yatang maging "early bird" sa aming lahat.

Ang hindi nila alam ay inspired lang talaga akong pumasok dahil makikita ko na naman ang future bebe ko.

     Ang sarap talagang mag-aral kung ganito palagi.

Umupo kaagad ako sa armchair at tinanaw ang pinto para hintayin ang future boyfriend kong si Phoebus. Inaasahan ko talagang darating nang maaga 'yon kasi alam kong masipag at maaga siyang pumasok. Ang swerte ko nga kasi feeling ko stable na ang magiging future ko kapag siya talaga ang napangasawa ko.

Agad akong nag-ayos ng upo noong maramdaman kong may paparating, ngumiti ako ng malawak at naghandang bumati dahil sa pag-aakalang si Pheobus na 'yong naglalakad.
 
    “Oy, ang aga natin ah!” Sabi noong kaklase kong kapapasok pa lang sa eskwelahan ay haggard na.

Inirapan ko siya at muling tumingin sa pinto upang maghintay muli ng suwerte. Sana naman ay dumating 'yon nang maaga kasi sayang ang pagpapaganda ko at pagiging early bird.

Ilang minuto pa ang hinintay ko at sumulpot na halos lahat ng kaklase ko pero walang Phoebus Acosta na dumating. Heto tuloy ay nawalan na ako ng pag-asa na darating pa siya, nanlulumo akong sumubsob sa desk at pumikit ng mariin.

Feeling ko na reject na naman niya ako kahit wala naman siyang ginawa!

    “Anong oras na? Bakit wala pa si Sir?” Narinig kong tanong ng isa kong kaklase.

“Late na si Sir Acosta ng thirty minutes, dadating pa kaya iyon?”

Tumingin ulit ako sa may pintuan at umasa. Hindi naman siguro kami bibiguin ni Phoebus? Pangalawang araw pa lang naman ng klase, imposible naman sigurong hindi niya kami pagtutuunan ng pansin 'di ba?

    “Wah–la pa ba si Sir?” Natahimik ang lahat noong dumating si Den, 'yong bugok kong seatmate na muntik pa akong ilaglag kay Pheobus.

Hapong-hapo ito at sumandal pa sa may pintuan. Sa fourth floor pa kasi ang room namin kaya maiintindihan ko kung bakit ganiyan siya kapagod.

    “Akala ko late na ako.” Sabi niya pa at ngumiti sa akin bago naglakad papunta rito.

Kakilabot 'te!

Umikot ang mata ko at yumuko ulit sa desk, gusto ko pa nga sanang umiyak dahil parang hindi na talaga darating 'yong lalaking hinihintay ko. Nasayang na naman ang efforts kong ginawa!

      “Good morning Jeanne!” Dinali ako ng bahagya ni Den pero tinalikuran ko lang siya.

“Ang suplada mo naman, sabi mo kahapon crush mo ako.”

Ang yabang talaga nitong bugok na ito, konti nalang masasapak ko na siya, e. “Joke nga lang sabi 'yon!”

Paglabas ni Phoebus kahapon rito sa room ay nilinaw ko na kaagad sa Den na ito na biro lang iyon. Tapos kahit noong nagturo na ang mga sunod na teacher kahapon ay nililinaw ko parin sa kaniya ang lahat. Ewan ko kung ano pa ang pinuputok ng butse ng isang ito!

     “Good morning class.”

Automatic na nagsalubong ang kilay ko noong pumasok si Ms. Gaston dito sa loob ng classroom. Mamaya pa kasi ang subject niya, pagkatapos pa ng kay Phoebus! Wag niyang sabihin na hindi na talaga darating si Phoebus?!

“Ma'am wala si Sir?” Si Den ang nagtanong noon.

   Tumango si Ma'am Gaston. “Oo, pero may iniwan siyang gawain at ako muna ang magbabantay sa inyo.”

Gusto kong umangal nang sabihin niya iyon. Humalukipkip ako at sumandal habang pinipigilan ang sarili kong magmaktol sa harapan ng mga classmates ko. Nakakainis naman kasi si Phoebus e, nagliptint pa naman ako ngayon para sa kaniya! Pagkatapos hindi niya pala kami sisiputin?!

     “Baka sumayad na sa lupa 'yang nguso mo.” Si Bugok ulit iyon.

Wala akong gana pero perfect ko pa rin ang pa-activity ni Phoebus, alam ko kasi na siya ang magrerecord noon. Nakakahiya naman kung mababa ang magiging score ko doon, syempre dapat makita niya rin na masipag itong future girlfriend niya kahit nagtatampo ako sa kaniya ngayon.

     “Sa'n ka kakain?” Tanong ni Bugok.

Nginitian ko siya ng malawak pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko sa aking bag. “Saan ka ba kakain?”

       “D'yan lang sa cafeteria.” Masiglang sagot nito, akala niya yata sasabayan ko siya e.

“Ahh gano'n ba? Edi hindi ako doon kakain.” Saad ko at isinakbit ang bag ko bago nagmamadaling naglakad palayo sa kaniya.

   “Jeanne sabay na tayo!”

Kanina pa akong nagpipigil na manapak dahil napaka kulit ng isang ito. Hindi niya ba maintindihan na ayaw ko sa presensiya niya?

  “Teka akala ko ba ay hindi ka kakain dito. Hindi mo ba ako matiis?”

Totoong hindi na ako kakain sa canteen noong nalaman kong kakain dito si Bugok, pero may nakita akong nakapagpabago ng isip ko. Si Phoebus Acosta lang naman iyon na hindi ak– kami sinipot kanina!

Maraming estudyante ang nakatingin sa kaniya ngayon at halatang nagagwapuhan, nagbubulungan pa nga ang iba't ang lalandi. As usual, suot niya ang uniporme na maganda ang fit sa katawan niya.

Agad akong umorder ng pagkain, pagkatapos ay lumapit ako sa table nito. Marahan kong ibinagsak iyong tray ko sa table bago umupo sa kaharap ng puwesto niya.

   I inhaled a lot of breath. “Bakit hindi ka pumasok kanina?”

Nag-angat ng tingin sa akin ang kulay asul na mata ni Pheobus at bahagyang nangunot ang noo niya.

“Ms. Asuncion, it's none of your business.”

   “N-naghintay kaming mga estudyante mo doon tapos idadaan mo lang kami sa pa-activity?” Medyo mahinang sabi ko dahil ayoko namang marinig iyon ng ibang mga estudyante, baka kasi mainis lang sa akin itong si Phoebus.

    “Jeanne nakakahiya ka.” Sumulpot si Den sa may kaliwa ko at hinawakan ang braso ko, pilit niya akong pinatatayo doon palayo sa table ni Phoebus, e kinakausap ko pa nga ito.

Napatitig si Phoebus sa kamay ni Den na mahigpit na kumakapit sa akin. “Hayaan mo siya.” Mariin na utos niya kay bugok kaya napabitaw ito sa akin.

   “Ms. Asuncion, nasira ang kotse ko kanina kaya hindi ako nakapasok.” Aniya bago sumimsim ng kape.

Napalunok ako at napangiti dahil nagpaliwanag siya sa akin pero nag-alala rin ako dahil sa sinabi niya nasiraan siya ng sasakyan kaya hindi siya nakapunta kanina.

“A-Ayos ka lang ba?”

Bumaling muli ang mata niya sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

   “Ayos na ako, salamat.” Tumayo si Phoebus at kinuha na ang tray niya, naiwan akong nakatunganga doon.

    “Aray ko!” angal ni Den.

Nang tuluyan nang makalayo ang future bibi ko ay pinalo ko kasi nang malakas ang braso ni Den. Hindi kasi ako makapaniwala sa nangyari ngayon.

Umupo si Bugok sa upuan ni Pheobus kanina, inayos rin niya ang pagkain niya doon bago bumulong.

“Crush mo talaga iyon 'no?”

    “Hindi ah, ako ang crush niya.” Sagot ko sa tanong ni Bugok at sinumulan ng kumain.

“Feeling ka, ghorl?” ani bugok.

Pero hindi na ako nainis dahil wala nang makakasira ng araw ko ngayon. Bawing-bawi ang inis na nararamdaman ko kanina, partida at isang ngiti lang 'yon ni Phoebus! Paano pa kaya kung kinindatan pa ako noon? Baka mabuo na ang isang taon ko.

Sir, Can I Be Yours?Where stories live. Discover now