CHAPTER 5

669 29 1
                                    

“SAM NAMAN, mamansin ka na kasi.” But of course, ganun pa rin. One of the things talaga yung ganito, e. Kahit na alam kong marupok siya when it comes to me, mahirap pa rin ang ganito. Hay, paano ko nga uli siya natitiis kahit ganito siya?

Kasi mahal mo.

Yeah, right. Kasi mahal ko siya.

“Sam, isa, ‘pag hindi ka pa talaga namansin… uh, ‘pag hindi mo pa ako pinansin… h-hindi na kita pakakasalan!” Of course, we all know it’s a big joke. Alam ko sa kaloob-looban na matagal ko nang tumanda kasama siya. Titignan ko lang talaga kung effective. Ehehe!

Nakita kong tumigil siya sa paglalakad. Lihim akong napalakpak. Effective! Wushoo!

Magtutuloy pa sana ang pag-sasaya nang hindi ko inaasahan ang isasagot niya. “Para makapag-pakasal na kayo nung bwisit na Qen na iyon?” lingon niya sa akin. “E di dun ka. Magsama kayo,” saad niya bago ako tinalikuran at naglakad palayo sa akin. Naiwan naman akong nakanganga. Anong… anong sabi niya? Magsama raw kami ni Qen? Anak ng tupa! Mukhang mas napalala ko pa yata ang topak niya!

“Sam! Teka! Anak ng tipaklong, hindi iyon ang ibig kong sabihin!” Tulad kanina, hindi niya ako pinakinggan. Nagpatuloy ako sa paghabol ng mga hakbang niya at pagtawag sa kanya nang bigla akong nadapa.

Aray!” daing ko at napa-upo sa sahig.

Bumalik man sa akin ang nakaraan ng aking pagkabata, hindi ko iyon magawang maintindi dahil sa labis na sakit na tumama sa sistema ko. Kainis! Sino ba kasing may sabi na hindi ako tumingin sa dinaraanan ko at basta na lang tumakbo? Ano, bata lang?

Spell clumsy at tanga: L-A-U-R-A.

Feeling ko maiiyak ako sa sakit dahil sa natamong sugat nang makita si Sam na tumatakbo papalapit sa akin nang may naka-ukit sa kanyang mukha ang pinaghalo-halong inis, galit at pag-alala.

Kagat labing tiningala ko siya. “S-Sam—”

Tinignan niya ang sugat ko. “Katangahan, Laura. Katangahan!”

“S-Sam—” Nagulat ako nang buhatin niya ako.

“We’re going to get that wound cleaned. We’re going to the Hospital.”

Nanlaki ang mata ko roon. “A-Ano?! Hospital agad? Ang OA mo naman—”

“Just shut up and let me!”

Tuluyan na akong nanahimik sa mga braso niya. Hanggang sa makarating kami sa Hospital, galit pa rin ang ekspresyon niya. Ako naman at hindi alam ang gagawin dahil feeling ko mas napalala ko ang sitwasyon. Paano na nito? Anak ng tokwa, Laura, bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?!

At ayun nga, hanggang sa makapunta kami sa bahay nina Papa, tahimik lang siya. Napabuntong-hininga na lang ako nang ihinto na niya ang kotse. Naging tropa namin ang katahimikan nang mahabang minuto. Walang nagtangkang mag-salita. Walang nagtangka na magpa-alis sa nakakabinging katahimikan.

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now