CHAPTER 12

1.2K 40 0
                                    

TUESDAY.

And yes, this is really the day. Kinakabahan ako na ewan. Yung pakiramdam, parang hinahalukay yung tiyan ko. Grabe rin ang panlalamig ng mga palad ko. Tila ay pwede na akong makapag palabas ng ice powers ni Elsa dahil sa sobrang panlalamig ng mga iyon. May karapatan akong kabahan dahil first, napilitan lang ako. Pangalawa, natatakot ako sa feelings na raragasa sa sistema ko when I finally saw him. Natatakot akong kapag nagtagal kaming magkasama, baka yung pinaghirapan kong rules sa sarili ko ay mabalewala na lang.

Hay... paano nga ba ako napunta sa sitwastong ito?

Pero basta, sasaglit lang ako doon tutal susukatin ko lang ang dapat sukatin sa kanya. Then syempre diretso uwi na. Siguro naman sa saglit na interaction sa kanya ay hindi makakaguho sa na set kong rules. Sadyang gagawin ko lang 'to para sa Costume niya. Nothing more, nothing less.

"Sam?" pagtawag pansin ko sa kanya pagkapasok namin sa bahay.

"Oh?" Nilingon niya ako pero inalis din ang tingin agad dahil tinatanggal niya pa ang kanyang medyas at sapatos. Napakagat labi naman ako at humingang malalim. Kaya mo 'yan, Laura. Magpapa alam ka lang naman na aalis ka for a project-again. Hindi mo naman sasabihin na kay Qen ka pupunta. At saka... hindi naman 'yan makakahalatang nagsisinungaling ka... kung hindi mo ipapahalata. At magaling kang umarte.

"Aalis pala ako mayamaya." Doon siya biglang napalingon sa akin.

Kunot ang noo niya. "Bakit ka naman aalis?"

"Pupunta ako sa friend ko. A-Ano, may gagawin kami ulit."

"Na Project?" Tumango lang ako. "You know... I'm a bit suspicious about that "so-called" friend of yours. Ni hindi ko manlang 'yan kilala. Arlyn is the only one I know you've been friends with kaya nagtataka ako."

"K-Kaklase ko. Hindi ko pa siya napapakilala sayo kaya hindi mo kilala."

"Boy or girl?"

"Syempre naman b—girl, 'no! Mukha ba akong nagkakaibigan ng lalaki?!"

He shrugged his shoulders. “Naninigurado lang. Mamaya pala kung sino-sino 'yang kinakaibigan mo.”

“At kapag lalaki, mag-seselos ka, ganon?”

Tinaasan niya lang ako ng kilay. “Masama?”

Umiling na lang ako at baka pag-awayan pa namin. "So... uh, paano na? Ayos lang ba sayo or— ano pala, hindi ko sure kung makakauwi ako nang maaga pero try ko yung best ko na matapos agad kami. Ayos lang?"

"Sige." Nakahinga naman ako nang maluwag. "Pero sasama ako."

Doon na nanlaki ang mata ko. Hala, ano raw?! "H-Hindi pwede!"

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman hindi?"

"Kasi... kasi ano, basta! Hindi pwede!"

"Give me one specific answer for that, Ms. Quinto."

"Eh, kasi! Hindi talaga pwede. Gusto mo 'yon? Lalakad ka nang napakalayo!"

"At paano nangyaring napunta sa distansya ng lalakaran ang hinihingi kong sagot?"

Isip, Laura. Isip! Ayan lang ba ang kaya mo?! Nanlaki ang mata ko nang may alas pa ako.

"Payag ka, 'di ba? Tapos hindi ka sasama, 'di ba? Hindi mo ako susundan, 'di ba?"

"Oo." Nanlaki ang mata niya nang ma realize kung anong sinabi niya. Pagkuwan naman ay masamang tingin ang ginanti niya sa akin. "How dare you—"

"Yie! Final na 'yan, ha? Payag ka at hindi ka sasama! Yey!"

"Hindi iyon kasama! Ano ba, Laura? Kinontrol mo ako! And it's unfair—"

"Pero galing pa rin sayo!" sabi ko at dumila. Mas sumama naman ang kanyang masamang tingin. Kung kanina masama, ngayon masamang-masama.

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now