PROLOGUE

16.2K 212 12
                                    

WAIT, shooting star ba yun?

I looked closely at it and nanlaki ang mata ko nang makumpirmang isa nga iyong shooting star. Pero bakit ganon? Hindi siya ganun kabagal. Hindi rin siya ganun kabilis. Kasi ganun naman ang isang shooting star, 'di ba? Yung isang pikit mo lang, mawawala na. Eh nakakailang pikit na ako, hindi pa rin ito naglalaho sa aking paningin.

But no matter what its pace, hindi ba at shooting star pa rin yun?

My hands unconsciously intertwined with each other as I closed my eyes shut. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa mga shooting stars, wishing wells... Maski ang 11:11 na sinasabi nila, hindi ko pinapaniwalaan.

I once wished at any of those but none of them granted my wish.

Pero iba kasi ang sitwasyon ngayon. Iba na dahil halos wala na rin akong mapagkapitan. Ngayon ang huling pagkakataon na maniniwala ako sa mga ganito. Ngayon uli ako aasang magkakatotoo 'to. Sobra na kasi 'tong nararanasan ko, hindi ko na kaya. At kapag hindi pa natupad, iisipin ko na lang na walang shooting stars at mga 11:11 kuno na nag-e-exist.

Ngayon lang 'to. Last na talaga.

"I hope for my pain to go away," sabi ko saka nagpakawala ng malalim na hininga. "I can't bear the pain anymore. Pinipilit kong maging okay pero hindi ko yata kaya." Napababa ako ng tingin nang ang luha ay lumabas na sa aking mata. "It's been a week when it happened-pero as day after day comes by, mas bumibigat ang pakiramdam ko. Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa puso ko. At iyon ang gusto kong matanggal. Hindi ko na kasi talaga kaya... ang hirap na.

"Kaya kung pwede... kung pwede sana pagbigyan niyo na ako maging masaya. Pagbigyan niyo nang mawala ang lungkot at palitan na ng saya." Iniangat ko ang ulo. "Please at least give me someone that can take away this pain," mahabang litanya ko habang nakatitig nang mariin sa weird na shooting star. Nagsimula na rin akong lumuha pero hindi ko na iyon pinigil pa.

"Please...?" Sinubukan kong muli na mag-salita pero tila ay wala nang lumabas kakahagulgol ko kaya pinili ko na lamang umiyak nang umiyak.

Hanggang sa makatulog ako.



NAGISING ang aking diwa sa pag-tama ng sikat ng araw sa aking mukha. Ramdam ko ang pagmamanhid ng mata nang sinubukan ko itong buksan. Marahil ay dahil na rin siguro sa labis na pag-iyak ko kagabi.

Inihilamos ko ang kamay sa mukha. Pilit na ginigising ang sarili dahil anong oras pa ay magsisimula na ang klase. Ininat ko ang katawan nang maisandal ang sarili sa headboard. Napahikab pa nga ako bago tuluyang binuksan ang mata. Napakurap-kurap pa ako nang makitang ang lahat ng gamit lo sa kwarto ay malinis. Maski ang sahig na dating palaging may nakakalat na papel, nawala. Nailagay sa basurahan ang lahat.

Magtataka pa sana ako nang makarinig ng isang boses.

"Good Morning, Laura."

"Good Morning din-sino ka?!" Kamuntikan pa akong mahulog sa kama. Buti na lang at nasalo niya ako. Magkalapit tuloy ang mukha namin. At doon ko na siya namukhaan. Nanlaki pa ang mata ko nang ma realize na nasa kwarto ko siya. "Q-Qen? Paanong-bakit-anong ginagawa mo rito?"

Hindi naman talaga ako magugulat kahit na sino pang bumungad sa umaga ko eh. O kahit pa na malaman kong may pumasok sa kwarto ko. Kahit Pulubi, accepted 'yan! Eh ang kaso si Qen 'to! Si Qen! Imposibleng mapadpad ang isang katulad niya sa kwarto ko- maski sa bahay!

I saw how his lips curve into a smile. I used to see him smile but this one is different. Hindi ko alam kung anong pinagkaiba basta parang hindi siya ganon ngumiti. Parang familiar din sa akin ang ngiti niya. "Sorry to burst your bubble but... I'm not Qen and will never be."

Nagtaka naman ako. "A-Ano?"

"Magkamukha lang kami because that's what I supposed to be. Ewan ko ba kung bakit ginawa mo akong kamukha niya eh pwede namang kahit mukha na lang ng iba. Tss."

"Ha? Weyt. Hindi ako makasunod. Ano bang pinagsasasabi mo, Qen?"

"Hindi nga ako si Qen."

"Anong hindi ikaw si Qen? Ikaw kaya si Qen! Kung hindi ikaw e di sino-" I stopped when he placed his finger at my lips. Kumalabog tuloy nang tuloy-tuloy ang aking puso.

"I'm not Qen because I'm Sam. The man of your imagination." Tuluyan nang nahulog ang aking panga. "It's nice to finally meet you in your reality, Laura."

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now