"So that's it?" tanong nito.







"Yes."








"You can drive, right?" biglang tanong nito. Napaisip ako. Alam ba niyang nagdadrive ako—— Ay syet, oo nga pala. Noong hinabol niya ako sa Parking Area para singilin sa Payment ni Oli sa kanya.



"Oo."




"Okay. Ipagdrive mo ako." sabi nito sabay talikod tsaka siya naglakad papunta sa pinto ng backseat.




"Hey! Wait lang. Ako ang magda-drive???!!"




"Oo. May reklamo ka?"





"Hoy Arman! Road Manager mo ako. Hindi mo ako personal alalay! Mas lalong hindi mo ako driver!!! Mahiya ka naman sa akin!"




"Wala akong hiya eh." pang iinis nito sabay bukas ng backseat ng Jeep Gladiator at pumasok ito doon. Akmang isasarado na niya ang pinto ng pigilan ko siya.




"Bumaba ka dito! Mag uusap pa tayo!!!"



"Alam mo Gia, ang aga-aga naririndi ako sa boses mo. Ipagmamaneho mo lang naman ako, parang niyanig ko na yung araw mo ah. Hindi ka ba pwedeng kumalma? Tirik na tirik yung araw. Baka ma-highblood ka diyan!"




Ah. Talagang iniinis niya ako ah.








"Talaga bang ipagkakatiwala mo sa akin itong Jeep mo?" makahulugang tanong ko dito. Alam kong tila gusto na niyang bawiin ang inutos niya kanina pero hindi parin siya nagpatinag.





"Gia, damage mo, bayad mo." masungit na sabi nito. Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya para hingiin ang carkeys.






"Ano yan? Namamalimos ka? Wala akong barya." pang iinis muli nito kaya nasapak ko na yung braso niya—— pero light lang. Di naman kasi kami close para hampasin ko siya ng malakas.





"Yung susi mo! Paano ko mapapaandar to? Ano ba tong sasakyan mo? De-padyak?!! Tss..." inis na kinuha ni Arman ang carkeys sa bulsa niya tsaka niya ibinigay sa akin. Pagkakuha ko ng susi ay sumakay na ako sa driver's seat—-
























"Utang na loob Gia!!! Kapag nagasgasan lang tong sasakyan ko——— kulang pa buhay mo sa pagpapagawa nito!!!!" Mabilis kong pinreno ang sasakyan niya sa gilid. Kung hindi lang naka-seatbelt si Arman ay siguradong masusubsob ito sa harapan.




"Anong sabi mo??? Pakiulit???!" inis na tanong ko dito. Napansin kong tinanggal ni Arman ang seatbelt niya tsaka siya nag attempt na lumipat sa gilid ko..




"Hep! Diyan ka lang!!!"




"Hindi! Lumipat ka dito ! Mamamatay ako ng maaga dahil sayo eh!"




"OA naman nito! Namatay ka ba hah?? Tsaka hindi ko nagustuhan yung narinig ko eh. Pakiulit nga yung huling sinabi mo kanina habang nangmamaneho ako! Pakiulit!"



"Sino ka para utusan akong ulitin ang sinabi ko?!"




"Road Manager mo!!"





"Umalis ka na diyan! Ako ng magmamaneho!"






"Ang sabi mo kulang pa ang buhay ko para sa pagpapagawa ng sasakyan mo—— anong tingin mo sa buhay ko??? Kasing halaga ng piso kontra dolyar?? Napakababa??? Tss..."



WANDA For YouWhere stories live. Discover now