Panimula ng Ikalawang Arko- Mangangatok

Magsimula sa umpisa
                                    

Ilang minuto lamang silang nagka-usap ng kanyang mga abuelo bago tumalikod ito at muling hinarap ang kanyang ama. Naroon na rin ang kanyang mga pinsan dahil tungkol sa pasalubong na ang usapan. Mayamaya ay bigla siyang may narinig na kakaibang tinig. Tila ba galing iyon sa kailaliman ng lupa at tunog iyon ng nababaling mga buto. "Rip, trik, trik,"

Lumingon siya upang tingnan ang pinagggalingan ng kakaibang tunog. Laking gulat niya nang makita niyang may tatlong pitong piyeng lalaking nakasuot ng balabal hari na kulay itim na ang mga mukha lamang nito ang nakalabas. Ang mga mata nila ay parang isang mahabang gitling at maputlang-maputla ang balat. Kulay ube ang mga labi na nagbibitak-bitak na sa sobrang katuyuan.

Sa bawat galaw nila ay lumilikha sila ng makapanindig balahibong tunog. Tila ba nagkakalasan ang mga buto ng mga ito.

"Calix, papasok na." nagulat si Calix sa tawag ng ina at sandaling nawala ang atensyon niya sa tatlong lalaki. Nang muli niyang lingunin ang mga ito ay wala na ito sa paligid.

Pagpasok nila sa loob ay hindi mawala sa kanyang isipan ang mga nakitang mga mukha. Tinanong niya ang isa sa mga pinsan niyang mas bata sa kanya. "Gano'n ba nagdiriwang ng pasko sa lugar niyo? May mga costume na nakaitim?"

"Ha?" maikling tugon nito

"May tatlong lalaki sa daan kanina. Nakabalabal sila tapos may ginagawa silang tunog," napalakas ang sabi ni Calix at narinig iyon ng ibang tao sa loob. Kitang-kita niya kung paano nagbago ang ekspresyon sa mukha ng lahat na para bang may kinakatakutan.

"Tiningnan mo ba ang mga mukha?" tanong ng matanda

"Sigurado ka bang nakita mo sila?" tanong pa ng isa

Isa-isa nang nag-iyakan ang bata sa loob. Kita sa kanilang mga mata ang takot. Siya namang ay yakap-yakap na ng kanyang ina na parang alalang-alala sa kanya. Nagdatingan na rin ang iba niyang mga tita at tito ay lahat sila ay parehong may tinig ng pag-aalala.

"Nakakita siya ng mangangatok?" wika ng isa niyang tiyahin

"Mamamatay ba siya? Bakit ba ngayon pa nagpakita ang mga mukha," sa unang pagkakataon ay narining ni Calix ang boses ng ama na puno ng takot, "ilang araw ko pa lang nakakasama ang anak ko."

"Walang mangyayari sa kanya kung mapipigilan natin ang mangangatok mamayang gabi," anang kanyang lolo.

Sumapit ang gabi at ang naiwan na lamang sa bahay ng kanyang abuelo ay ang dalawang matanda at ang pamilya nila. Pinainom siya ng tubig na hinaluan ng asin. Sinabi sa kanila na kahit anong mangyari ay walang magbubukas ng pintuan, kung hindi ay mamamatay si Calix.

Dis-oras ng gabi nang marinig ni Calix ang katok sa pintuan. Mahibing na ang tulog ng lahat maliban sa kanya. Sinubukan niyang gisingin ang kanyang ina, ngunit hindi ito magising. Sa takot ni Calix ay nagtalakbong siya ng kumot at tinakpan ang kanyang mga tainga.

"Calix, apo, ang lolo mo 'to. Pakibukas ang pintuan"

Nawala ang takot ni Calix nang marinig niya ang boses ng kanyang lolo. Dali-dali siyang tumayo at binuksan ang pintuan. Huli na nang marinig niyang muli ang mga kakaibang tinig. Napagtanto niyang sadyang nilinlang siya ng nilalang para buksan niya ang pinto. Narinig niyang muli ang tunog nga mga nababaling buto.

"Rip, Rik, Trik,"

Hinawakan si Calix nang isa sa mga ito. Para siyang nawalan ng sariling desisyon at kusang sumama sa mga ito. Paalis na sana sila nang may humablot sa mga kamay ni Calix. Nakita niyang hawak-hawak ng kanyang ama ang isa niyang mga kamay at umiiyak.

"H'wag ang anak ko. Ako na lang,"

Nagtinginan ang tatlong nilalang na nakabalabal hari na animoy animoy nagsisipag-usap ang mga mukha. Patuloy pa rin ang paglikha nila ng nakakakilabot na tunog.

Makalipas ang ilang minuto ay pinakawalan ng mga mangangatok ang kanyang kamay at kinuha ang kanyang ama. Tila naubos ang lakas ni Calix para man lamang kumilos at pigilan ang unti-unting paglayo ng kanyang ama.

"Papa!" sigaw niya

Lumingon ang kanyang ama nang nakangiti. Sa mga huling oras nilang magkasama ay natawag niya itong Papa. Unti-unting lumabo ang imahe ng kanyang ama. Sa huli ay nawalan siya ng ulirat at nang magising siya ay nagulat siyang nasa kanyang higaan pa rin siya.

Tila panaginip lamang ang lahat. Naliwanagan lamang siya nang nakita niyang umiiyak ang kanyang ina habang yakap-yakap ang walang buhay na katawan ng kanyang ama. Napagtanto niyang totoo ang lahat nang nangyari at nagsakripisyo ang kanyang ama para sa kanya.

#

Ilang taon ang lumipas at hindi na rin sila muli pang naligaw sa probinsya ng kanyang ama. Isang araw ay nagulat siya sa tawag ng kanyang lolo na inaanyayahan silang magbakasyon sa probinsya nila. Sumang-ayon naman siya ngunit bago niya maibaba ang telepono ay may narinig siyang pamilyar na tunog. Iyon ang mga ingay na nagkakalasang mga buto na huli niyang narinig bago namaalam ang kanyang ama.

"Rip, Rik, Trik, Rip, Rik, Trik"

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon