Chapter 18

3.3K 76 30
                                    


Chapter 18
***

Suot ang madalas kong style ng damit tuwing practice na long sleeve top, leggings and doll shoes habang nakatali sa low ponytail ang buhok ko kaya may mga tumatakas na buhok ko sa tali, ay pumasok na ako ng village.

Tinanggap ko ang trabaho na inalok ni Gianne kung saan pupuntahan ko na ngayon. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba pero may nararamdaman din akong excite.

Maliit akong napangiti. Kaya mo yan, Riona! Ito ang unang beses kong mag turo ng ballet sa bata bilang trabaho. Magiging private instructor ako kaya dumagdag sa kaba ko na sa bahay nila ako mag tuturo.

Siguradong may ibang manunuod din samin at iniisip ko palang na may nanunuod saking mag turo ay nakakaramdam na ako ng hiya.

Napailing nalang ako at tinapangan ang sarili bago napahinto sa address na pupuntahan ko. Napaangat ako ng tingin sa magandang malaking bahay sa harap ko na puno ng mga halaman at bulaklak.

Sobrang ganda ng mansion. Ang tanging nasabi ko sa sarili.

Nalipat ang tingin ko sa gate ng mansion kung saan may guard at ngayon lang naalala na hindi ko natanong ang pangalan ng nag hire sakin.

Napakuyom ako at nag dadalawang isip na lumapit sa gate kung saan agad kong nakuha ang atensyon ng guard at nilapitan ako.

"Good morning, ako ang kinuhang ballet instructor. Riona Grace Aquino." Pakilala ko sakanya mula sa gate na namamagitan samin.

"Ikaw pala ang kinuhang teacher!" Masaya nyang aniya at pinag buksan ako ng gate. "Pasok ka!" Aniya at maliit akong napangiti ng makapasok na ako ng gate.

Giniya nya sakin ang daan. "Diretso ka nalang sa mansion. Tatawag ako para salubungin ka ng mga katulong."

"Salamat po." Nakangiti kong pasalamat sakanya.

"Turuan nyo po ma'am si kulit ng mga sayaw sayaw po na yan, huh?" Masaya nyang sabi kaya natuwa ako.

"Opo, makaka asa po kayo." Pag sisigurado ko sakanya at tumuloy na sa paglakad.

Mukhang close ang tuturuan ko sa mga tauhan nila dito. Sigurado na agad ako na mabait ang tuturuan ko... Wag lang siguro masyadong makulit gaya ng sabi ni manong guard.

Maliit nalang akong napangiti habang naglalakad at mas nadagdagan ang excite para mag turo.

Hindi ko maiwasan na tumingin tingin sa paligid habang nag lalakad dahil sa ganda ng maberdeng kapaligiran dahil sa mga halaman at bulaklak.

Kaya naman hindi ko namalayan na nasa harap na ako ng mismong mansion at napahinto nalang ng mamataan ang may katandaan na na ginang na nakasuot ng pang maid na uniform ang sumalubong sakin gaya ng sinabi ni Manong guard na itatawag nya sa mansion.

Hindi nag salita nya lang akong tinignan habang nakatayo sa taas ng hagdan ng mansion sa harap. Wala akong gaanong mabasang emosyon sakanya at kahit hindi nya ako sinusungitan ay feeling ko nasusungitan nya ako dahil sa masungit nyang namamahingang  mukha.

Hindi ko alam kung nasabi na ba ni Manong ang pinunta ko pero nag pakilala ulit ako. "Magandang umaga po, Ako po ang kinuhang dance instructor. Riona Grace Aquino." Nahihiya at maliit na nakangiti kong pakilala sakanya.

Isang beses lang nya akong tinanguan at may nilingon sa likod nya ng may lumabas.

Tumigil sa pag tibok ang puso ko at nanigas sa kinatatayuan ng makita ko ang maganda at maamong mukha na yun.

Bigla akong hindi makahinga at walang maramdaman dahil sa nag halo halo ng emosyon. Tumigil sa pag iisip ang utak ko.

I know, I ended that kind of relationship with Jax. But is there such word as ex-mistress? Or once a mistress always a mistress?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GREEDWhere stories live. Discover now