CHAPTER 06

22.9K 677 20
                                    

Hi! Good morning, favor naman, pa follow ng fb account ko, Mabel atenta ang name. Thank you!







Phoenix gently kissed her, he knew that when if he kiss this girl his unettarable visions to her perishable breath will ask for more. Beside he waited this day so he never think twice, Avyanna don't know how to kiss so he feel freat knowing he's the first one who kissed her like this. "Luscious lips as ever."sabi niya matapos halikan ito. Sandali lang 'yon pero sinigurado niyang matikman talaga ang mamula-mulang labi nito.

"P-Phoenix.." naitulak ko siya at napaalis na ako sa ibabaw niya. He kissed me! Phoenix really kissed me!

"Goodnight wife.." may ngiti sa mga labi na sabi ni Phoenix bago ipinikit ang mga mata. Naiwan namang naka-tanga si Avyanna habang hawak pa din ang kanyang mga labi.

Paano na ako ngayon makakatulog?





Phoenix woke up on the next morning with a smile on his face. Hindi naman talaga siya agad natulog kagabi at pinakiramdaman lang si Avyanna akala niya pa nga
ay aalis ito ng kuwarto at hindi matutulog sa tabi niya pero laki ng pasalamat niya ng humiga din ito sa kama makalipas ng ilang minuto.
She's still sleeping, hindi naman malikot matulog si Avyanna at sa katunayan nga ilang beses niyang naramdaman na nakayakap ito sa kanya kagabi pero nagtaka siya kung bakit parang pinagpapawisan ito kahit nakabukas naman ang aircon sa loob ng kwarto.



"H-hey, Avyanna? What's happening to you?"
Maingat niya itong ginising at inalog-alog ang braso.
Pero mumunting ungol lamang ang narinig niya mula sa katabi. He felt worried, anong nangyayari sa kanya?




"Sir Phoenix.." Napahawak ako sa may puson ko ng maramdaman ko na naman ang sakit doon, ito ang pinaka-ayaw ko buwan buwan dahil mero'n na naman akong dysmenorrhea.
At bakit ba ngayon pa ito nangyari kung kailan naman magkasama na kami ni Phoenix sa kuwarto.


"Are you okay? namumutla ka." may pag-aalala sa boses na sabi ni Phoenix.


"A-ayos lang ako, sige na mag-ayos ka na kung papasok ka matutulog lang ako ulit." mahina kong sabi sa kanya habang pinipigilan ko huwag mapa-aray dahil magkaharap kaming dalawa. Nagtalukbong na lang din ako para hindi niya makita.




Parang ayaw pang umalis ni Phoenix sa kama pero anong oras na din kase at nakita niyang mag-aalas syete na pala ng umaga. May flight siya ngayon papuntang Dubai at kailangan niyang makarating sa airport ng alas dyis ng umaga mero'n naman siyang sariling eroplano kaya walang problema kahit mahuli pa siya pero syempre dahil nasa Pilipinas siya dapat lagi ka pa din maaga umalis dahil na rin sa traffic. "Magpapadala nalang ako dito ng pagkain sa kuwarto mamaya." sabi niya bago tuluyang bumangon sa kama, wala naman na siyang narinig na sagot mula pa kay Avyanna at marahil nga ay nakatulog na ito ulit.

☆☆☆☆☆☆☆☆

Nasa kahabaan na ng C5 road si Phoenix ng maisipan niyang tumawag sa bahay niya. Hindi na niya nagawang
makapag-paalam kay Avyanna kanina pagkaalis niya dahil nagmamadali na rin siya matapos tawagan ng kanyang secretary na nauna na pala sa airport. He's worried, feeling niya may
may sakit ito pero hindi sa kanya nag sabi kanina.



"Nadalhan niyo na ba ng pagkain si Avyanna sa kuwarto?" tanong ni Phoenix matapos sagutin ng kasambahay niya ang kanyang tawag.


"Naku Sir kayo po pala, opo Sir nadalhan na po ng pagkain si Ma'am Avyanna sa kuwarto niyo pero nagpapabili po siya ng gamot." sagot ng kasambahay kay Phoenix.


"Gamot? bakit kailangan niya ng gamot? May sakit ba siya?" Nag-aaalala ang boses na tanong ni Phoenix sa kabilang linya. Sa pagkakatanda niya wala naman itong lagnat kanina ng hawakan niya maliban sa pamumutla nito ng mag-usap sila.


"May dysmenorrhea po si
Ma'am Avyanna, may pinapabili lang naman po siyang pain reliever kaya nag-utos na lang din po ako sa driver."

"D-dysmenorrhea? Ano 'yon?"
Nagtatakang tanong ni Phoenix.



"Dysmenorrhea Sir, 'yon
bang pananakit ng puson kapag may buwanang dalaw."




"Oh I see." Tatango-tangong sabi niya. "Pero kamusta naman siya? nilalagnat ba siya?" come on tell me pag-uurirat pa ni Phoenix sa kasambahay.



"Konti lang po 'yong kinain niya kasi namimilipit po si Ma'am Avyanna kanina sa sakit pero wala naman po siyang lagnat. Tsaka pabalik naman na po siguro ang driver kaya makakainom na po siya ng gamot. Wag na po kayong mag-alala Sir, kami na po ang bahala sa kanya."




"Sige na tatawag na lang ako ulit mamaya bago umalis ang eroplano." at tsaka pinatay ni Phoenix ang tawag.




Napabuntong-hininga
na lang si Phoenix habang ang kanyang tingin ay nasa labas ng sasakyan. Masyado talagang malihim ang babaeng 'yon, hindi man lang talaga sinabi sa akin na may masakit sa kanya. Mag-aalas nuwebe pasado ng umaga siya dumating sa airport at nando'n na nga talaga ang kanyang secretary. May mga bagay silang pinag-uusapan at may mga'binilin rin siya dito. He can't go to Dubai thinking about Avyanna, so he decided not to leave today and canceled his trip. Ang secretary niya na lang ang papapuntahin niya doon.

Kastilyo Montecristo..

Pinikit ko ulit ang aking mata
dahil baka namamalikmata lang ako. Phoenix is sitting beside me, he's really here. diba umalis na siya kanina dahil may lakad siya ngayon at pupunta siya ng Dubai for three days trip kaya bakit siya nandito?


"Nandito na 'yong gamot mo kumain ka muna bago ka uminom nito." Sabi ni Phoenix na tinuro ang gamot na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Inalalayan naman niya si Avyanna ng bumangon ito sa kama pasado alas dose na rin ng tanghali at maging siya hindi pa din nagta-tanghalian dahil hinihintay niya itong magising.


"Ano yan bakit ang daming pagkain sa lamesa tsaka bakit nandito ka? diba may flight ka ngayon papuntang Dubai."



"I canceled my trip hindi mo sa akin sinabi kanina na masama pala ang pakiramdam mo.
Kaya mo bang bumangon o dito ka na lang kakain? bumili ako kanina ng pagkain bago ako umuwi. Sabi kase may dysmenorrhea ka daw."
Ani ni Phoenix na ginawang takbuhan ang google para malaman kung ano bang ibig sabihin ng dysmenorrhea. And now he finally knew what it means, it's a throbbing pain on lower abdomen of woman during her monthly period, kaya siguro namumutla ito kanina pag gising niya.





"May regla lang ako Phoenix at buwan-buwan naman
itong nangyayari sa akin kaya bakit ang dami mong pagkain na binili? Ang dami dami niyan at sigurado akong hindi nating dalawa 'yan mauubos."



"Pero 'yon kase ang nakita ko sa google sabi kasi doon kapag may monthly period daw ang babae ay nagke-crave ito sa mga matatamis na pagkain at sa mga pagkaing may carbohydrates kaya 'yan ang binili ko." Alanganing sabi ni Phoenix. Sa totoo lang ang dami nga nilang fast food chain at restaurant na dinaanan kanina bago umuwi. He ordered different kinds of food meroong pizza, french fries at burger. Mero'n din fried chicken na iba-ibang flavor. Bumili din siya ng iba't-ibang klase ng pasta dahil iniisip niya na may pagpipilian si Avyanna na pagkain. Hindi din nawala ang limang klase ng flavor ng cake na binili niya at apat na tub ng ice cream.



Nag-google siya tungkol sa dysmenorrhea tapos ganito ang nakita niya doon?
I swear we cannot eat this food napaka dami talaga nito.
Pero ang isipin na kinancel niya ang business trip niya para sa akin ay parang nakakapanibago. "S-salamat."
Mahina at nahihiya kong sabi sa kanya medyo tama rin talaga 'yong mga pinagbibili niya dahil gusto ko rin naman talaga kumain ng pizza at pasta ngayon pero napaka-dami lang talaga nito.



"Pinahanda ko rin pala 'yong bathtub tsaka mero'n din akong hot compress na ilalagay mo mamaya sa puson mo, but for now kumain ka muna para makainom ka ng gamot."


"P-pero bakit mo ginagawa ito? I mean, nakakapanibago lang kase."


"Dahil nag-aalala ako sa 'yo, isa pa wala naman sigurong masama na gawin ko ito dahil asawa kita."



My god, tabi! Baka maapakan mo ang buhok ko. Ang haba ng hair ko! Umpisa na ba 'to? Nang pangbobola ng higanteng ito sa akin? Dahil kung oo, willing naman akong magpabola!



#maribelatentastories

Married to a TycoonWhere stories live. Discover now