CHAPTER 02

32.5K 820 100
                                    


Good evening! Sa mga nag-ppm at hindi ko narereplayan pero same lang ng tanong. Yes po, this coming November ang release ng The governor under PSICOM. And yes din po, pupunta ako sa event nila sa Nov. 6 sa Valenzuela dahil doon irerelease ang book ni Eros. 'Yong final book cover and price, waiting na lang ako sa post nila pero nakita ko naman na syempre at alam ko na😅
Yon lang sana bumili kayo!


At hindi ko din ito ililipat sa vip at patreon apps, i-cocomplete ko ito dito sa wattpad.


Present..

"Can you please stop Avyanna? You're so annoying!" Sabi ni Phoenix habang inaalala ang pag gaya ng ungol na narinig daw nito sa opisina niya. He shouldn't marry her, sakit lang yata sa ulo ang gagawin nito sa kanya. At isa pa, nasa harap sila ng hapag-kainan ngayon.


"Para ginagaya lang eh, totoo naman ah. Gano'n naman talaga ang narinig ko." Sabi ko sa kanya, buti na lang talaga tapos na akong kumain ng dumating siya dahil malamang mawawalan ako ng gana kung sasabay siya sa akin. Para ngang naririnig ko pa sa tenga ko ang mga ungol na narinig ko kanina eh.




"Hindi ko alam ang sinasabi mo okay? So please stop." Sinenyasan ni Phoenix ang kasambahay na dalhan siya ng tubig. Para tuloy siyang nawalan ng ganang kumain kahit masarap naman ang nakahain na pagkain sa lamesa.



"So ano 'yon? Guni-guni ko lang gano'n?" Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa lamesa at tsaka inilapit ang mukha ko sa gawi niya, tiningnan ko ang kanyang mga mata na kulay brown, hayyy ang pogi sana ni Phoenix kung hindi lang may pagka-salbahe. Matangos ang ilong, parang laging nangungusap ang mga mata, mahaba ang pilik mata, at may mumunting balbas na parang maghahatid ng kiliti kapag hinalikan ka. Hinalikan? Ano ba 'tong naiisip ko? Eh huli nga siya sa akto kanina, tsaka kahit kasal naman kami wala pa namang namamagitan sa amin no! At hindi ko ma-imagine na mangyayari 'yon!




Pinikit ko ang aking mga mata at muling ginaya ang narinig ko. "Ooohh ahh, ahhh shit! This is so good! Fuck! Ang sarap!" Ulit ko uli sa narinig ko kanina sa opisina niya at syempre para complete package ang pang-aasar ko ay sinamahan ko pa ito ng pagkagat ng labi ko. Galing ako sa Montecristo oil and industry kanina at ang walanghiya kakakasal lang namin noong isang linggo tapos maririnig ko na ang gago na may ka-sex pala na iba!

Alam ko naman dahil lang sa letseng papel na pinirmihan ko 3 years ago kaya ako nakasal sa kanya pero sana kahit pakitang tao man lang ay mero'n siya sa akin. Ako nga na twenty years old alam ang salitang delicadesa eh, siya pa kaya na di hamak na mas matanda sa akin. And duhhh, siya lang naman itong biglang sumulpot pagkalipas ng tatlong taon sa buhay ko tapos pinaalala 'yong lintek na kasal na 'yon, malay ko bang mapapasubo ako at idedemanda niya daw ako kapag hindi ko tinupad ang pinirmahan ko noon. "Your a business tycoon, a millionaire but you can't even afford to make your office soundproof Sir Phoenix." Nakangising sabi ko sa kanya sabay alis sa harap niya. Kadiri talaga! Yuck! Ewwww ka talaga Montecristo, napaka dugyot mo!



Naibaba ni Phoenix ang hawak na kutsara at tinidor sa gilid ng kanyang plato, tuluyan na siyang nawalan ng gana kumain. "Get out!" Sigaw niya sa tatlong bodyguard na nasa harapan niya. Avyanna really knew how to make him pissed! And for the record, hindi naman siya kase ang nasa opisina niya kanina kung hindi ang kaibigan niya!




Mag aalas dyis na ng gabi umakyat si Phoenix sa pangalawang palapag ng kanyang kastilyo. His house is not a typical house because of it's architectural design that he got when he went on a trip in Europe. At ang tawag nga dito ng mga nakaka-kilala sa kanya ay kastilyo Montecristo. It's a modern castle design which the internal design was also his idea. Why he choose this kind of house? Because castle have a powerful and profound impact on the landscape. It show as well the social status of the owner and power. Pero may isa siyang kinakatuwa tungkol dito sa kastilyo niya na siya lang ang nakakaalam at 'yon ang pasikot-sikot at mga lagusan dito na pinasadya niya mg ginagawa pa lang ito kung saan maaaring dumaan ang tao sa likod ng aparador o kaya sa ilalim ng kama kapag tinaas ito.



But Phoenix cussed so hard when he saw a woman wearing a color white sleep wear that reach the floor. "Avyanna!" Singhal niya dito, akala niya ay multo na dahil puting-puti ang suot na damit nito tapos hanggang talampakan pa. Madilim pa man din sa itaas at ewan niya kung bakit patay ang ilaw. Nakatayo ito sa harap ng kuwarto at nakatingin sa kanya ng walang reaksyon. Tangina, siya pa yata ang magiging dahilan kung bakit ako magkakasakit sa puso.



"Natakot ka no?" Tatawa-tawa kong sabi sa kanyang reaksyon, ito 'yong literal na sayang kase hindi na-videohan!




"You look like a white a lady, ano ba 'yang suot mo? Bakit nakaganyan ka?" Magka-salubong ang kilay na tanong ni Phoenix, Avyanna is living here with him for almost a week, but this is the second time he went home after their wedding. Nasa ibang bansa kase siya ng mga nakaraang araw para sa negosyo.

"Damit ano pa ba, tsaka anong white lady? Hello ang ganda ko namang multo. Ganda ng pantulog ko Sir ano? nabili ko lang sa UK 'to ng 10 pesos."


"UK? You mean United Kingdom? Kailangan ka pa nagpunta doon? Eh ni wala ka ngang passport at pamasahe sa eroplano."




Aray ko po! Walang pamasahe pa nga! "Galing 'tong UK pero hindi United Kingdom, UK means ukay-ukay." Paliwanag ko sa kanya.




Mas lalo namang naguluhan si Phoenix sa sinabi ng kaharap. "U-ukay-ukay? Ano naman 'yon? Shop? If that is a shop ang panget naman ng mga tinda nila."



Luhhh mapang-lait talaga eh no? "Nevermind pang lowkey lang kase 'yon, sige na matulog ka na Sir!" Itinaas ko pa ang kamay ko at kumaway sa kanya, kasal kami pero magkaiba kaming dalawa ng kuwarto at kami nga lang siguro ang ganito.



"Stop calling me Sir Avyanna, hindi mo ako boss at lalong hindi kita empleyado. Your my wife.." biglang seryoso na sabi ni Phoenix.



Ngumiti naman ako ng ubod ng tamis at naglakad ng tatlong hakbang hanggang magkatapat kami. Phoenix Montecristo is so tall, kahit magsuot pa siguro ako ng six inches na sapatos ay hindi pa din kami magkakapantay. His height is 6'5 and mine is only 4'9. Minsan nga naiisip ko kaya siguro hindi ako tumangkad ay dahil madalas akong tumatakas noon kapag pinapatulog ako sa hapon ni nanay. Wala eh, hindi man lang talaga umabot kahit five flat! Kaya pag nagtabi kami nitong si Phoenix literal na nangliliit talaga ako.



"Wife? Naks, sana all. Naiisip ko tuloy kaya mo ko hinanap after three years dahil gusto mo talaga ako." Sabi ko sa kanyang tinangala ko siya.



"In your dreams Avyanna, ayoko lang ng hindi tumutupad sa usapan." Prenteng sagot ni Phoenix, gusto sana niya minsan tawagin ito ng duwende kaso siguradong aawayin siya nito.



"Maka in your dreams ka naman diyan Montecristo akala mo kung sino ka." Napataas na ang kilay na sabi ko. "Baka kapag natikman mo ako hanap-hanapin mo na 'ko." Pang-aasar ko, minsan kase ang hirap bumanat sa kanya, may pagka-slow kase eh. Oh dahil isa siyang alta?



"How can you be sure na hahanap-hanapin nga kita ha? Baka nga kahit humalik hindi ka marunong eh." Hindi din papatalo na sabi ni Phoenix.


Avyanna smiled to him sweetly, ano pang silbi ng pangalan niya na ang ibig sabihin ay strong, powerful and beautiful woman kung magpapatalo siya kay Montecristo?



"Paano ko nasabi? Dahil alam ko." Sabi ko sa kanya at basta na lang dinakma ang ari niya.



"A-Avyanna!" Ang boses ni Phoenix na halatadong nabigla ang pumailanlang sa buong second floor ng kastilyo.




#dakmainmona
#maribelatentastories

Married to a TycoonWhere stories live. Discover now