C h a p t e r 11

57 3 0
                                        

V's POV

"Si..."

Nakatingin pa rin kami kay Sam habang inaantay ang sagot niya. Sa wakas, malalaman ko na rin kung sinong bias niya

*Ringggg*

Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya dahil biglang nagring ang bell. Nakaramdam ako ng konting inis. Bakit ngayon pa? Kung kailan malalaman ko na kung sinong bias niya, saka naman nagring yung bell.

"Aish! Wrong timing naman oh." Sabi ni Jimin.

"Oh akala ko ba wala tayong klase ngayon?" Tanong ni Jungkook.

Napilitan na lang kami na ayusin ang gamit namin at pumasok sa room. Sasabayan ko sana si Sam pero sabi niya na magccr pa daw siya kaya mauna na daw kami. Hindi tuloy namin siya nakasabay.

Pumasok kami ng bts sa classroom at nakarinig na naman ng tilian. Nasanay na ako sa ganito. Parati naman silang tumitili kapag nakikita kami. Pumunta na lang ako sa upuan at hinintay si Sam.

Nakapasok na ang subject teacher namin pero wala pa rin siya. Nag-aalala na talaga ako.

Akala ko hindi siya aabot pero laking gulat ko nang pumasok siya. Pero may kakaiba sa kanya. Kung kanina, masaya lang siya, ngayon may halong lungkot ang mukha niya. Napansin ko rin na may bahid ng luha sa mata niya. Teka, umiiyak ba siya?

"Sorry, I'm late." Sabi niya sa teacher habang nakayuko. Tinanguan na lang siya nito at bumalik na siya sa upuan niya. Pinagmasdan ko lang siya habang papunta siya sa upuan niya. Meron talagang kakaiba sa kanya na ngayon ko lang nakita.

Kanina pa nag-umpisa ang lecture pero hindi pa rin ako nakikinig. Nakatingin lang ako kay Sam. Pinagmamasdan kung anong ginagawa niya. Kagaya kanina, matamlay pa rin siya. Ano ba talagang nangyari?

Gaille's POV

Pinilit kong makinig sa lecture at hindi magpa-apekto sa nangyari kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sa akin ito. Hindi naman ako basta-basta naaapektuhan dati pero bakit ganito?

Natapos ang lecture nang wala akong naintindihan. Wala pa rin talaga ako sa sarili ko hanggang ngayon.

Nagpasya akong umalis ng hindi nagpapaalam kay Andrea. Ayoko munang magpakita sa kanya ngayon. Itetext ko na lang siguro siya. Baka kasi mahalata niya ang pisngi ko na namaga dahil sa pagsampal sa'kin ng mga fangirls ni V sa cr kanina.

*flashback*

Naghuhugas lang ako ng kamay sa cr nang may biglang pumasok na dalawang babae. Ang sama-sama ng tingin nila sa'kin.

"Hoy ikaw! Tigil-tigilan mo si V!" Sigaw sa'kin nung isang babae.

"Wag mo siyang malapit-lapitan ulit! Kung ayaw mong kalbuhin ka namin." Sabi naman nung isa pang babae. Pinagtaasan ko lang sila ng kilay.

"Hindi ako naghahanap ng away." Sabi ko at iniwasan sila. Pero hinila ng isang babae yung kamay ko at sinampal ako. Halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasampal niya sa'kin. Ang hapdi. Gusto ko nang maiyak sa sakit pero hindi ako pwedeg magpa-apekto sa harap nila. Ayoko na may nakakakita sa'kin na umiiyak.

"Wag mo nang lalapitan si V dahil kung hindi... hindi lang yan ang aabutin mo." Sabi nung babae sa'kin at tinulak ako. Dahilan para mauntog ako sa pader. Umiyak lang ako pagkaalis nila.

-end of flashback-

Kaya ito ako ngayon. Piniligilang umiyak. Hanggang ngayon kasi, mahapdi pa rin yung pisngi ko. Feeling ko nga ang pula-pula na ng pisngi ko dahil sa lakas ng sampal sa'kin. Sa ngayon, isa lang ang nasa isip ko. Ang umiwas muna.

V's POV

Nandito kaming bts sa loob ng van. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Sam kanina.

"Sa tingin niyo," biglang sumulpot ang ulo ni Hobi hyung sa likuran ko. Nasa likuran kasi siya katabi ni Suga hyung. "Sino kayang bias ni Gaille?" Tanong niya.

"Tinatanong pa ba yan? Syempre ako!" Sabi agad ni Jimin. Binatukan ko naman siya kaagad. "Aray! Ano ba hyung?"

"Bakit ba interesado kayong malaman? Ano naman kung sino sa'tin ang bias niya?" Naiiritang tanong ko.

"Eh bakit iritang-irita ka?" Tanong ni Jin hyung

"Oo nga. Tsaka hindi ka rin ba interesadong malaman kung sinong bias niya? Akala ko ba pinopormahan mo yung tao?" Tanong naman ni Hobi hyung. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Nagpeace-sign naman sa'kin si Hobi hyung. "Hehe. Akala ko kasi type mo siya eh." Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang sa bintana ng van.

"Bakit ang seryoso mo yata ngayon, Taehyung?" Tanong ni Suga hyung. Bakit? Hindi ba ako seryosong tao?

"Oo nga, hyung. Bakit ba pag dating kay noona Gaille nagiging seryoso ka na lang bigla?" Sabat naman ni Jungkook. Bakit nga ba? Bakit nga na pagdating kay Sam nawawala ako sa sarili ko? Bakit ba kapag dating sa kanya, sobra-sobra kung mag-alala ako?

"Hyung! Nagugutom na ako. Bilisan mo ngang magdrive!" Pangungulit ni J-hope kay Jin hyung.

"Tumigil ka diyan kung ayaw mong ihulog kita sa kalsada." Sabi naman sa kanya ni Jin hyung.

"Nagjojoke lang naman ako hyung eh. Hehe."

Pinikit ko na lang ang mata ko. Pinilit na kalimutan yung sinasabi ni Sam kanina. Pero hindi pa rin ako mapakali dahil pilit pa ring pumapasok sa isip ko kung sino ba talagang bias ni Sam. Bakit ba hindi ko maalis sa isip ko yun? Aish. Sino ba kasing bias mo, Gaille?

--------

AN: hello hello! Sorry sa panget na update. Whee! Curious si bwi.

PS. Sino kayang bias ni Gaille?

More Than A Fan (BTS fanfic)Where stories live. Discover now