CHAPTER 75: HER NEW BEGINNING

Start from the beginning
                                    

Alam niya kung gaano siya kaswerte dahil siya ang nakauna sa kanyang asawa.

At hindi niya alam kung matatawag nga ba na swerte ang pag-aangkin niya dito ng pwersahan. Gayunpaman wala siyang makapang pagsisisi sa nagawa.

Haharapin na lamang niya ang galit ng asawa kinabukasan.
And he would fix everything between the two of them. He will be sure of it.

**************

Marahang nilagok ni Eloise ang kopitang hawak. Habang walang tigil ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata.

Sa sandaling iyon gusto niyang lunurin ang sarili sa alak para makalimot nang tuluyan.

Hindi lang pagkapahiya ang nangyari sa kanya kanina sa engagement party nila ni Daniel kundi durog na durog din ang puso niya.

Alam niya sa kanyang sarili na wala ng kasalang magaganap!
Paano niya haharapin ang mga mapanghusgang lipunan?

Alam niyang madi-disappoint niya din ang mommy Beatrice niya.

Muli't-muling napahagulhol siya.

Niloko siya ni Daniel! Bakit ang galing nitong magpanggap na mahal siya nito? At iyong mga araw na magkasama sila isa lang palang pagpapanggap ang lahat ng mga iyon?

Ilang beses na niyang gustong isuko ang sarili kay Daniel pero hindi siya nito pinatulan! And she thought he just respected her! Iyon pala wala talaga itong interes sa kanya.

Hindi lang si Daniel ang taong pinagkatiwalaan niya maging si Haven na ang buong akala niya totoo ito! Niloko din siya nito at ngayon nga may relasyon sila ni Daniel.

Kung sana nakinig siya kay Aries noong una pa lang. Hindi na sana siya nasasaktan ng ganoon.

Kaninang inihatid siya ni Aries sa bahay niya sa Quezon City ay umalis agad ito. Siya naman ay diretso agad siya sa mini bar at kumuha ng wine at ininom iyon.

Naka isang bote na yata siya ng wine.

At ngayon nga nararamdaman na niya ang kanyang pagkahilo.
Ang dami ding tumatawag sa kanyang cellphone ni isa doon hindi niya sinagot! Gusto niyang mapag-isa!

"Daniel...Please come back to me....!" hagulhol na sabi niya.

Nagkalat na din sa sahig ang ilang bote na hinulog niya dahil sa pagwawala niya kanina.
Nawala ang agam-agam niya nang tumunog ang doorbell.

Mabilis niyang iniangat ang ulo at tumingin sa pintuan.

It must be Daniel.

"Babe...I-I'm coming!" sabi niya at mabilis na tumayo.

Pasuray-suray siyang naglakad sa pinto at binuksan iyon. Nawala ang pagkakangiti niya nang mapagsino iyon.
"Aries...bumalik ka?" bulong niya.

"How are you, Eloisa?" he said and grinned.
Eloisa?

Parang ilang alaalala ang pumasok sa kanyang utak sa mga sandaling iyon.

Isa lamang ang tumatawag sa kanya ng Eloisa walang iba kundi si Augustus Leon o mas tinawag niyang AL 'nung bata sila.

"B-bakit ka nandito? Hindi ba't sinabi ko na sayo kanina na gusto kong mapag-isa!" mahinang bulyaw niya dito.

Alam niyang mahal siya ni Aries pero hindi niya talaga ito mahal!
"You'd grown-up into a beautiful woman..." sabi nito.

Nanginig siya sa sinabi nito na parang may something iyon.

"A-anong sinasabi mo diyan...please, umalis ka na gusto kong mapag-isa . Hindi ko kailangan ng kasama ngayon. Just lock the door when you got out." sabi niya at tinalikuran ito at muling tinungo ang mini bar.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now