CHAPTER 57: HE MADE HER PREGNANT

2.7K 37 0
                                    

"Goodmorning po. Pinapasabi po ni sir na pumunta daw po agad kayo sa water fall house." sabi ng katulong kay Haven nang pababa na siya ng hagdanan.

It was already ten in the morning. Nakaligo na siya at nakabihis ng kulay berdeng floral jumpsuit. Iyon lang kasi ang nagustuhan niyang isuot.

"Ganun ba, sige salamat."
   

Ano ba kasi ang meron doon?

Hindi pa siya nakapag-almusal.

Tinungo na lamang niya ang waterfall house dahil doon naman niya malalaman ang kasagutan.

   
Naalala na naman niya 'yung time na nag-propose sa kanya si Aries. And he wasn't sincere that time. Galit na galit pa ito sa kanya.

   
Pero bakit ngayon parang kaybilis ng panahon at pakiramdam niya nagbabago na ito.

   
Nang malapit na siya sa waterfall house nakarinig siya ng boses babae. Habang papalapit siya ng papalapit doon nagiging pamilyar na sa kanya ang boses nito.
   

She was right it was Eloise. Nagtatampisaw ito sa pool. Napakasexy ang slim na katawan nito. She was wearing a two piece bikini.
   

Hindi na siya magtataka kung bakit ito nandoon. And it was Sunday.
   

"Good morning!" bati agad nito sa kanya nang makita siya.
   

"Good morning too." nakangiting balik din niya. Nakakahawa talaga ang mga ngiti nito."Mabuti naman at nakapasyal ka ulit dito," sabi niya.
   

"Uh-uh, Aries called me last night and he told me to come over and knowing that he brought you here." she said happily while sipping on the juice she was holding.

   
Grabe nakapa-genuine niyang tao.
   

She really likes Eloise's personality.
   

"How was your visit to Iceland? My cousin might have taken you there to beautiful places."

Kung alam lang nito kung saan siya nito dinala. Siguro ibibigay din ni Aries ang souvenir na inukitan ng pangalan nito at malamang sa tamang panahon.
   

"Napakaganda nga ng lugar. Actually, it's my first time na makapunta 'dun."
   

"Really? Alam mo ba ang first time sa buhay ng tao is napaka-memorable."

Tumango-tango siya hindi na siya magkukuwento dito dahil ayaw na niyang makapagbitaw ng kasinungalingan.
   

"Nasaan si Ari—ang asawa ko?" muntik na siyang madulas at least kahit papaano maging sweet siya sa salita.
   

"Nasa loob kasama niya si Danie,"
   

"Ano ang ginagawa nila?" tanong niya at sumilip-silip sa glass wall. Pero hindi niya maaninag masyado ang tao sa loob.
   

"Nagluluto sila. Biruin mo ang akala ko hindi na magkasundo ang dalawa lalo na 'yang pinsan ko hindi talaga palakaibigan 'yan."
   

Nahahalata din pala nito ang ganung ugali ni Aries. Nangunot noo din siya sa sinabi nito. Kailan pa nagkasundo ang dalawa? Knowing Aries kung maaari ayaw na ayaw nitong makita ang mukha ni Daniel.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now