10. The Dangerous Bromance

2K 94 22
                                    

[ALEX]


HINDI KO ALAM kung bakit at mabibilang ko lang ang palitan namin ng usapan ni boss. May nangyari ba kagabi? May ginawa ba ako? Tinanong ko ito kung masama ba ang pakiramdam nito pero hindi naman daw.

Hanggang sa opisina ay hindi nito ako kinakausap kung hindi ko rin lang ito tatanungin. Magpahanggang sa loob ng sasakyan ay tahimik ito. Lumabas kami ng opisina no'ng tanghali upang dalawin si Angeline dahil may sakit ito. Ito ang nagmamaneho at may dadaanan daw ito sa Eastwood.

"Anong meron dito sa Eastwood, boss?" binasag ko ang mahabang katahimikan ng tanong na iyon mula sa passenger seat.

"May paboritong bakeshop dito ang girlfriend ko. Bibilhan ko ng pasalubong."

Sadyang natawa ako. "May girlfriend ka nga pala. Parang kagabi wala, e."

Nilingon ako nito sandali. "And what do you mean about that?"

"Bakit kailangan mo pang mag-effort, boss? E, niloloko mo lang naman ang girlfriend mo," I said matter-of-factly.

Hindi ko alam kung pagkasamid ang narinig ko rito o maikling tawa na nang-uuyam. "Lalaki tayo pareho, bata. O baka naman talagang bading-"

"Sandali nga. Ano ba'ng sukatan mo sa pagiging isang tunay na lalaki, ha, boss?" I challenged him. Nakita ko sa mukha nito ang pagkabigla. "Nasa bilang ba 'yan ng babaeng nakaka-sex mo?"

Hindi ito nakasagot. Nakita ko ang pagtiim ng bagang nito. Bahagyang bumilis ang pagmamaneho nito.

"Ang tunay na lalaki hindi magagawang lokohin ang taong mahal nito."

Hindi muling sumagot si boss. Tuwid ang tingin nito sa kalsada. Ngunit nang magsalita ito matapos ang ilang sandaling katahimikan ay labis na ikinagulat ko ang narinig ko.

"Hindi ko mahal si Angeline."

Napalingon ako rito. Ako naman ang hindi nakapagsalita.

"I don't love her. I never loved anyone," mahinang sabi ni boss ngunit malinaw na narinig ko iyon. Mahigpit ang pagkakawak nito sa manibela na halos maglabasan ang mga ugat nito sa kamay. "I don't have a heart that can love. My mother left me and my dad for another man when I was six. Mahal? Love? There's no such thing, bata. " Kulang na lang ay malasahan ko ang pait sa boses nito. Muling nagtagis ang mga bagang ni boss.

Bigla kong pinagsisihan ang pagiging intrimitida ko. Nakaramdaman ako ng guilt na naungkat ang personal na buhay ni boss.

"Ya!" Matalim ang sulyap na binigay nito sa akin. I've hit an open wound. "Hindi kita binigyan ng pahintulot at binabayaran para panghimasukan ang buhay ko," mariing sabi nito. "Bodyguard lang kita."

Para akong sinapak sa mukha sa huling sinabi nito. I drew a deep breath, sank down into my seat. Hindi ko alam kung paano ako magso-sorry.

Inihinto ni boss ang kotse; pinatay ang makina at walang salitang bumaba. Sumunod akong bumaba ngunit nanatili lang ako sa gilid ng kotse, sinundan lamang ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob ng bakeshop.

Ramdam ko pa rin ang bigat ng mga salitang binitiwan ni boss.

Doon ko napagtanto na ano nga naman ba ang pakialam ko sa personal na buhay nito?

Isa lamang akong bodyguard nito.



HINDI NA AKO pinasama ni boss sa unit ni Angeline kahit anong insist ko. Hindi naman daw ito magtatagal. Sa tingin ko'y hindi ko rin kayang salubungin ng tingin si Angeline sa mga natuklasan ko.

Saranghaeyo, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon