2. Wanted: Bodyguard

3.8K 107 3
                                    

[DANIEL]

"EGO, I can't tonight. I'm sorry, man. May date kami ni Angeline at mag-aaway lang kami kami kapag kinansel ko pa ito," paliwanag ko sa bestfriend ko sa phone habang niluluwagan ko ang neck tie ko. Niyayaya ako nitong mag-bar ngunit nakapangako na ako sa girlfriend ko na ilalabas ko ito nang gabing iyon. Medyo late na nga ako dahil sa emergency meeting ng kumpanya.

"I cannot believe you. Alam nating pareho na hihiwalayan mo rin naman 'yan," mariin ang pamimilit ni Ego. Sa pananalita nito'y alam kong nakainom na ito at dinig ko rin sa background ang maingay na music sa bar. "Napalambot na ba ng Angeline na 'yan ang pusong bato mo? Whatever happened to bros before-"

"I'm really sorry, bro. But I already made a promise to Angeline. Late na ang invitation mo. I will make it up to you next time." Dinukot ko ang car keys sa bulsa at nag-beep ang Camry ko sa madilim na car park. Mangilan-ngilan na lamang ang sasakyang nakaparada roon.

Angeline was my girlfriend for two months. Two months. Umulit iyon sa isip ko. Wala akong relasyon na tumagal man lang ng three weeks. Pinatagal rather. Paano nga bang pinaabot ko ng two months ang relasyon ko rito? She wasn't even Korean. Kahit ang papa ko ay hindi ito gusto at ang gusto nitong mapangasawa ko ay dapat Korean din. O kahit man lang Chinese. Kahit pa na mula pa ito sa buena familia. Nasa Spain ang mga magulang nito at doon din ito nag-aral.

Purong Koreano ako. Sa Ulsan ako ipinanganak. But I'd been in the Philippines for almost twelve years. Mas marami pa nga akong alam na malalalim na Tagalog kaysa kay Ego, ang nag-iisang Pilipino na bestfriend ko. Oo purong Koreano ako pero masasabi kong dugong Pinoy na ako sa tagal nang ipinanatili ko sa Pilipinas. If you cut me I'd bleed banana ketchup. Sa Pilipinas na ako nag-fourth year high school hanggang sa nag-kolehiyo. Maraming negosyo sa Pilipinas ang papa kung kaya nag-migrate ang pamilya namin dito sa bansa. Isa na rito ang pinakamalaki at tanyag na Public Relation Agency sa Pilipinas-ang Publicity Manila bukod sa iba pang trading business ni papa.

The company was founded by my father in 1999. At ako na ngayon ang tumatayong CEO ng kumpanya. My father became very ill and had to retire. Nasa Korea ito upang magpagaling kasama ng aking step-mother. Ang nais ko sana ay ako na lamang ang mag-alaga rito ngunit mas gusto ni papa na pamahalaan ko ang Publicity Manila.

"Nandyan ka pa ba, bro?" si Ego na halos sigawan ako sa phone.

"Yes. Napaisip lang ako bigla kung bakit nga ba umabot kami-" naputol ang sinasabi ko nang ilang metro na lang ang lapit ko sa Camry. Napalingon ako sa ingay nang parating na motorbike. Sa malayo ay natanaw ko iyon sakay ang isang lalakeng naka-itim na jacket. Naka-itim na helmet ito kahit may kadiliman sa parking.

Huminto sandali ang motorbike sa dulong bahagi ng parking nang marahil ay matanaw ako ng driver. Hindi ko maipaliwanag ngunit kinutuban ako ng masama. Napahigpit ang hawak ko sa cell phone ko lalo nang makita kong may inilabas na bagay ang driver sa gilid nito.

It was a gun!

My eyes went wide with horror. Naging mabilis ang pangyayari. Pinaandar muli nito ang motorbike at itinutok ang baril sa direksyon ko. I just stood there frozen in fear. It was like my whole life flashed before my eyes.

Nakarinig ako nang pagputok na umalingawngaw sa buong parking area at nakita kong may tila kumislap na liwanag sa dulo ng baril. Sinikap kong igalaw ang aking sarili. Naramdaman kong umangat ang paa ko sa lupa at marahas na napabalya ako sa bumper ng kotse sa aking unahan. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa gilid na bahagi ng ulo ko nang bumagsak ako sa pavement. Damn. It hurt like a motherfucker.

Sinikap kong kapain ang masakit na bahagi ng ulo ko. May nakapa akong basa at tila mainit. Nang ilapit ko ang aking kamay sa aking paningin ay doon ko nakita ang maraming dugo.

Saranghaeyo, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon