1. Same Shit, Different Day

11.6K 215 65
                                    

Naniniwala akong may darating... isang lalaking hindi man nakasakay sa puting kabayo, pero lalaking tunay na maglalakas loob na ipagtapat ang pag-ibig sa akin at makikita ako bilang isang prinsesa.


[ALEX]

"EXTRA RICEPA, Manang Clara," tawag ko sa may-ari ng tapsihan sa Espanya na paborito naming kainan ng mga kasamahan kong pulis.

"'Yan ang tunay na lalaki. Nag-e-extra rice,' kumento ng partner kong pulis na si Bartolome sa pagitan ng pagkain.

Binatukan ko ito na may kasamang "gago!".

Napangiwi ito sa sakit at napahimas sa batok. "Ikaw talaga, Alex, hindi ka na mabiro."

Sa totoo lang kahit pulis ako at marami rin ang nagsasabi na tomboyish ako kumilos at manamit, kailanman ay hindi ko nakita ang sarili ko na lalaki. Noong bata pa ako'y ginusto ko na talagang magpulis. Dahil na rin siguro sa impluwensya ng namayapa kong papang na dating general. It runs in the blood, 'ika nga. Natatandaan ko noong 7 years old pa lang ako ay madalas kong nakakasamang magpuyat noon si papang sa dalawang paborito nitong TV shows; COPS at Miami Vice.

Sinabi ko sa sarili ko noon na gusto ko ring maging katulad ni papang. I wanted thrill. I was a sucker for action. Ginusto ko nga ring magsundalo kaso tinutulan ni mamang. Kung paanong hindi rin gusto ni mamang ang pagpupulis ko. Nawalan na raw ito ng asawa at hindi nito gusto na mawalan pa pati ng anak. Ugh. E, hindi naman sa pagpu-pulis namatay ang papang ko kundi sa heart attack!

"Para sa pinakamagandang pulis na nakilala ko," nakangiting sabi ng helper ni Manang Clara na si Lito nang iabot nito ang extra rice na inorder ko. Matagal na itong nagpapalipad hangin sa akin. Guwapo sana ito kung kumpleto nga lang ang mga ngipin at hindi puro gums ang bumubungad tuwing ngumingiti. Finding Ngipin ang peg. "Gusto mo pa ba ng sabaw ng papaitan?"

"Hindi na, Lito. Salamat," sabi ko na lamang at saka binuhusan ng toyo't kalamansi--na pinigaan ng sili, ang minit na kanin sa harap ko.

"Sa totoo lang, pards..."

Napabaling ang atensyon ko kay Bartolome.

"Bakit hindi mo subukang mag-artista? O, 'di kaya'y mag-modelo? You have the looks, the height. Maputi ka pa at hindi bagay masunog ang kulay mo sa trabaho natin."

Inismiran ko lang ang sinabi nito. Isa pa 'tong si Bartolome. May asawa't tatlong anak na pero kahit tinutukso ako nitong lalaki ay alam kong may hidden desire ang gunggong na 'to sa akin.

"Tigil-tigilan mo nga ako't baka sa 'yo ko maipaputok 'tong baril ko," may warning sa boses ko habang nakaduro dito ang tinidor ko.

Nakita ko ang mala-Paquito Diaz na ngiting gumuhit sa mga labi nito. "Matagal ko na ring hindi napapaputok 'tong baril ko." Ipinatong nito ang kamay sa ibabaw ng hita ko.

Napaangat ang kilay ko. "Ako muna ang mauuna."

Hindi agad nakahuma si Bartolome. Mabilis pa sa alas-kuwatrong nakatutok sa tapat ng iniingatan nitong kayamanan ang baril ko. Magli-limang buwan ko na itong kasama sa trabaho pero hindi pa rin talaga ako masanay sa kamanyakan nito.

"P-pards, naman... baka makalabit mo 'yan. D'yan nakasalalay ang pag-asa ng bayan." Nanlalaki ang mga mata't butas ng ilong na napataas ito ng dalawang kamay. "Hindi ka naman na mabiro. Meron ka ba ngayon?"

Ibinalik ko sa holster ang aking kalibre .45 at dumukot sa bulsa ng pambayad sa hindi ko na tinapos na kinakain ko. "Nawawalang gana ako sa 'yo."

"Wow, ha! Nahiya naman sa 'yo 'yung dalawang extra rice na inorder mo!" uyam ni Bartolome bago nito kalkalin ng toothpick ang ngipin.

Saranghaeyo, My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon