Chapter 36 All For Love

Start from the beginning
                                    

Tumayo na rin ako at bahagyang nag-inat. Lumapit ako sa kinahihigaan ni mama para i-check kung gising na ba siya.

"Good morning po, ma." Bati ko na may malungkot na ngiti sa labi.

Inayos ko ang kumot na nakatakip sa kanya hanggang sa ibaba ng dibdib. Natigilan ako ng gumalaw ang kaliwang kamay niya. Agad akong napatingin sa kanyang mukha. Dahan-dahang gumalaw ang kanyang ulo bago unti-unting nagmulat ng mga mata.

"Ma!" Naiiyak sa tuwang bigkas ko saka siya niyakap. "Ma, buti naman at gising ka na!"

"Anong nangyari?" Tanong niya sa mahinang tinig. "Nasa'n ako?" Halatang nanghihina pa ito.

Naupo ako sa gilid ng kanyang kama. "Nandito ka po sa hospital. Inatake ka po sa puso kahapon ng umaga kaya itinakbo ka namin dito." Sagot ko. Masayang-masaya akong makita na gising na siya.

Naalala kong tawagin ang nurse sa pamamagitan ng intercom para sabihing gising na si mama. Agad namang pumasok ang isang nurse para i-check ang vital signs niya. Okay naman daw lahat. Hihintayin na lang daw namin ang attending Physician ni mama para sa kanyang check-up.

Saktong patapos na ang nurse sa pagche-check kay mama ng pumasok ulit sa loob si Angie. Kagaya ko ay tuwang-tuwa rin si Angie na makitang gising na si mama. Nagulat din si mama na makita siya dahil sa pag-aakala niya ay nasa Manila ito.

"Ninang, mahalaga ka po sa akin kaya huwag na kayong mag-alala diyan. 'Yong trabaho makakapaghintay 'yan." Paliwanag ni Angie.

"Salamat, hija." Nakangiting sabi ni mama.

Hinawakan ni Angie ang isang kamay ni mama at ikinulong ito sa kanyang mga palad. "Para ko na po kayong pangalawang mama, ninang." Malambing na wika ni Angie. "Siya nga po pala, kinukumusta ka po ni mama. Tinatanong niya kung okay na daw po ba kayo."

Nabigla si mama sa narinig. "T-talaga?" Hindi siya makapaniwala. Pero mahahalata naman ang kasiyahan sa kanyang mga mata.

Napakagat naman ako sa aking ibabang labi para pigilan ang sariling mapangiti ng malawak. Pakiramdam ko kasi parang unti-unti na kaming bumabalik sa dati.

Ikwinento ni Angie kay mama ang mga pinag-usapan nila ng kanyang mama kanina ng tumawag ito. Baka raw sa susunod ay pupunta dito si tita para dalawin si mama na ikinatuwa no'ng huli. Miss na miss na raw ni mama na makipagkwentuhan sa kanyang kumare. Tiyak na marami daw silang mapag-uusapan.

"Tsaka po ninang, may sasabihin po sana ako sa inyo." Nakangiting sabi ni Angie. Napasulyap siya sa akin kaya bahagya akong napakunot-noo. "Kung pwede po sanang ipaalam si Erich na magsama na kami."

Hindi nakasagot si mama. Napatingin siya sa akin. Napayuko ako dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.

"Alam ko po, hindi po ito ang tamang panahon at pagkakataon para ipaalam ho siya sa inyo. Pero sana po kung sakali man, mapag-isipan niyo po ito." Magalang niyang pagpapatuloy. "Mahal na mahal ko po kasi ang anak ninyo. Siya po ang gusto kong makasama habang-buhay."

Napabuntong-hininga si mama kapagkuwan. "Alam mo Angie, sa totoo lang natutuwa ako sayo." Napatingin ako kay mama. Napangiti naman si Angie sa narinig. "Dahil ipinapaalam mo sa akin lahat ng gusto mong gawin o plano para dito sa aking anak." Puri ni mama. "Ipinapakita mo lang sa akin kung gaano ka kaseryoso at kalinis ang intensyon mo para kay Erich. At natutuwa rin ako dahil ipinaparamdam mo sa akin na kung ano man ang sasabihin ko o opinyon ko ay mahalaga para sayo at iginagalang mo ako bilang kanyang ina."

Nagkatinginan kami ni Angie. Napangiti siya ng tipid sa akin. Nakatingin naman si mama sa akin ng magbaling ako sa kanya.

"Pero sa tingin ko hindi ako ang dapat na magpasya diyan kundi ang anak ko lang." Patuloy ni mama na sa akin pa rin nakatingin bago nagbaling kay Angie.

ABKD Mahal KitaWhere stories live. Discover now