Chapter 2

2.9K 68 1
                                    

••~••♥️♥️♥️♥️♥️••~••

Baga

••~••♥️♥️♥️♥️♥️••~••

"Girl nakita mo na ba yung bagong driver ni sir Gab?" Narinig kong tanong ng isang empleyada sa kapwa nito babae.

"Oo mars si mang Nestor! Grabeh no! Sobrang hot! Nakaka-wet" pilyang sagot naman ng kausap.

"Eeewwww! Kaloka 'to" anito at sabay na humalakhak ang dalawa.

"In fairness..... hindi ko trip ang older men pero sa tingin ko papayag ako kapag si papa Nes ang umano sa akin!" Tila kinikiliting sabi pa ulit nung isa bago muling tumawa.

Napailing na lamang ako sa aking narinig dahil hindi ko rin naman masisi ang mga ito.

Matapos ang munting insidente sa pagsuntok nito kay Ryan at sa ginawa nitong paglilinis ng kotse nung nakaraang araw, kahit ako man ay di maiwasang pagmasdan at obserbahan ang lalaki.

Hindi kasi maikakaila na medyo malakas pa rin ang dating nito kahit medyo maedad na.

Wala man dito ang katangian na hinahanap ko sa isang typical na lalaki pero hindi rin naman ako bulag upang hindi mapansin ang taglay nitong kakisigan at karisma!

••~••♥️♥️♥️♥️♥️••~••

"Mang Nestor may lakad ho tayo ng ala-sais ng umaga bukas" sabi ko dito bago sumakay ng sasakyan matapos ang mahabang araw ng pagtatrabaho.

"San ser?" Tanong naman nito sa akin.

"Sa Bataan ho, may gusto akong tingnan na lokasyon para sa bagong branch na gusto kong buksan" paliwanag ko dito matapos makaupo sa passenger seat ng sasakyan.

"Sige ser, magpapa-full tank na ako mamaya para ready na tayo bukas" sagot naman nito.

Ngumiti lamang ako dito bago ipinikit ang aking mga mata para umidlip.

Isang oras din ang lumipas ng ako ay magising. Unang sumalubong sa pagdilat ng aking mga mata ay ang hindi pag-usad ng sasakyan dahil sa matinding traffic. Napatingin ako sa digital clock sa dashboard ng sasakyan at nakitang alas-syete imedia na ng gabi!

Nakalanghap din ako ng mabango at maskuladong amoy na nagmumula sa aking harapan. Napansin ko ang kulay itim na jacket ni mang Nestor na nakakumot sa aking mga braso at dibdib.

Bahagya akong napatingin sa direksyon nito at nakitang nakatingin ito sa kalsada habang pabulong na umaawait kasabay ng mahinang tugtog sa radyo.

Kanta ng Parokya ni Edgar na 'Harana' ang kasalukuyang tumutugtog sa estasyon na pinili nito.

Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin ako'y nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo

"Ibubuhos ko ang buong puso ko..... sa isang munting harana..... para sa'yo" pagtatapos nito na saktong tumingin sa akin.

Hindi ko napigilang mapangiti sa ganda ng timbre ng boses ni mang Nestor. Sinalubong ko ang titig nito na nababalot ng kung anong emosyong hindi ko matukoy.

"Pasensya na ser..... nagising ko ho ba kayo?" Pukaw nito sa akin bago pinatay ang radyo.

"Hindi naman ho.... salamat ho dito" sabi ko sabay angat ng jacket upang ibalik sa passenger seat sa likuran.

Tattoo Book 1: Ex-conWhere stories live. Discover now