Chapter 1

3.6K 71 4
                                    

••~••♥️♥️♥️♥️♥️••~••

Init

••~••♥️♥️♥️♥️♥️••~••

"Urghhhh! Kapag minamalas ka nga naman!"

Gigil na sabi ko sarili habang nagpapalit ng gulong ng sasakyan sa gilid ng kalsada.

Sunod-sunod ang mga kamalasang inaabot ko ngayong umaga. Unang-una, hindi sumipot yung driver na ipinadala sa akin ng agency na kinotrata ko kaya naman napilitan akong magdrive kahit na puyat at masakit ang ulo.

Pangalawa, nagkaroon ng problema sa isa sa restaurant na aking pagmamay-ari kaya kinailangan kong pumunta doon ng personal para ayusin ito.

Tapos ngayon ay naplatan pa ako ng gulong!

"Nak ng tipaklong naman oh!"

Yamot na sigaw ng aking utak.....

••~••♥️♥️♥️♥️♥️••~••

Ako nga pala si Gabriel Masaysay, dating OFW na pinalad umasenso at ngayon ay may ari ng ilang papasikat na kainan dito sa Pilipinas.

Labing walong taong gulang pa lamang ako ng itakwil ng aking mga magulang ng malaman nilang hindi ako interesado sa babae.

Maaga akong namulat sa kahirapan at natuto sa buhay kaya naman minabuti kong magsumikap. Sa awa naman ng Diyos ay pinalad na makapagtrabaho sa ibang bansa at ng makaipon ay nagsimula ng negosyo.

"Mawalang galang na iho, kailangan mo ba ng tulong?" Pukaw sa akin ng isang matandang lalaki.

Bahagya akong nagulat ng mapalingon dito. Nakasuot ito ng t-shirt na kulay puti, kupas na maong at lumang rubber shoes.

Kayumanggi ang kulay ng balat nito at bagamat disente ang suot, ay kitang-kita pa rin ang mga tattoo sa magkabilang braso nito. Napansin ko rin ang itim na marka sa bandang leeg nito patungo sa kanyang dibdib na nag-iindika na meron din itong iba pang tattoo sa katawan.

Tantiya ko ay nasa late thirties na ito, malaki ang pangangatawan at medyo nakakatakot ang dating kahit pa nga pulido ang gupit nito.

"Don't judge the book by it's cover" paalala ko sa sarili matapos itong suriin.

"Wag mong bastusin ang pagmamagandang loob ng tao!" Dag-dag ko pa.

"Naku manong kailangan na kailangan po, kaya lang hindi po ba nakakahiya sa inyo?" Tanong ko naman.

"Naku iho okay lang yun..... napansin ko nga na mukhang di ka sanay magpalit ng gulong" anito na kinuha ang jack sa akin.

Bahagya akong pinamulahan ng mukha sa sinabi nito.

"Maraming salamat po" minabuti kong isagot dito.

Dahil sa tulong ng matanda ay madali akong nakabalik sa daan upang asikasuhin ang mga dapat kong ayusin sa negosyo.

Lubusan akong nagpasalamat sa estranghero at nag-alok na bayaran ito ngunit mariin ang naging pagtanggi ng matanda sa akin kaya naman nahiya akong pilitin pa ito.

••~••♥️♥️♥️♥️♥️••~••

"Good evening ser Gab, kamusta po?" Bati sa'kin ni mang Domeng, ang mabait na gwardya sa private subdivision na aking tinitirhan.

Tattoo Book 1: Ex-conWhere stories live. Discover now