Chapter 5

4.4K 100 10
                                    

••~••♥️♥️♥️♥️♥️••~••

Lagablab

••~••♥️♥️♥️♥️♥️•••~••

Inabot din ng tatlong linggo ang pagpapagawa at pagpapa-ayos ko ng restaurant kaya naman naging abala ako sa pangangasiwa ng mga renovations. Sinigurado ko na ang lahat ay naaayon sa napagkasunduan namin ni engineer Castillo.

BEEP! BEEP! BEEP!

Pukaw sa akin ng aking cellphone, isang araw, habang nag-kakalkula ng cash flow sa negosyo.

'Hoy good news! Busy ka ba? Pwedeng tumawag?'

Sabi sa akin ni Thea sa kanyang mensahe. Kunot-noo kong dinampot ang aking cellphone para tawagan ang babae.

Dito ko napag-alaman na nag-top sa mga kritiko ang aking restaurant bilang isa sa pinaka-masarap at pinaka-affordable na kainan sa Metro Manila.

At dahil sa isang sikat na tv station nagtatrabaho si Thea, humingi ng pabor ang kanyang amo para ako ay kumbinsihin na makapanayam sa isang exclusive interview at sa isang cooking demonstration sa kahit saang branch ng restau na aking mapipili.

Agad naman akong pumayag dahil makakatulong ito sa pag tataguyod ng imahe ng aking negosyo.

Matapos magkasundo sa lugar at oras ay masaya kong ibinalita kay mang Nestor ang magandang oportunidad na dumating sa akin.....

••~••♥️♥️♥️♥️♥️••~••

"Sorry Gab, na late kami. 'To kasing impaktang interviewer nag-iinarte pa kanina! Kakaloka! Kala mo prinsesita!" bakas ang matinding inis sa boses ni Thea habang lubos ang pag-hingi ng paumanhin sa akin.

"Huy! Ano ka ba?! Mamaya marinig ka nyan!" Pabirong saway ko dito.

"Eh ano? Wala ako akong pakels! Nakaka-imbyerna kasi! Ang laki agad ng ego eh substitute lang naman siya habang naka temporary leave yung original host ng talk show!" Nanggagaliiting paliwanag nito.

"Hinga ng malalim" natatawang sabi ko dito.

Minabuti kong piliin ang kaka-renovate pa lamang na restau para sa interview dahil bukod sa malapit ito sa gusaling pinagtatrabahuhan ni Thea ay bago at sariwa din ang ambiance ng lugar.

Mahigit tatlong oras na-late ang mga ito subalit hindi ko ito inalintana dahil sadya kong inilaan ang buong araw na ito para sa event kaya naman bukod sa crew ng talk show ay ako, si mang Nestor at ang head chef lamang ng restau ang tao sa loob ng kainan.

Naging abala at aligaga ang lahat ng crew sa pagse-set up ng lugar kaya naman maging si mang Nestor at ang chef ay napilitang tumulong sa mga ito para mapadali ang pagsasa-ayos ng restau.

Hindi nakaligtas sa aking pansin ang madalas na pag-utos ng direktor at ng babaeng interviewer kay mang Nestor na animoy personal na alalay ng mga ito ang lalaki.....

••~••♥️♥️♥️♥️♥️••~••

"Mang Nestor pwede ho kayong tumanggi o kaya naman ay magpatulong kapag masyadong mabigat at mahirap ang ipinapagawa nila" paalala ko dito matapos itong tulungan sa pag bubuhat ng ilang upuan.

"Okay lang ser, kayang kaya naman. Tsaka para san ang muscles ko kung hindi mapapakinabangan" pabirong sagot naman ng lalaki bagamat bakas ang pagod sa mukha nito.

Tattoo Book 1: Ex-conKde žijí příběhy. Začni objevovat