Chapter Thirty-eight

3.3K 139 9
                                    

Completed and with Special Chapters on Patreon and Facebook Group! To join message my Facebook profile Rej Martinez. For 150 PHP monthly membership. Thank you for your support!

Chapter Thirty-eight

Iced Gem

Isang bagay na sa akin ang sinabi kanina ni Aaron na tanggap na niyang parte na ng buhay ng anak namin si Noah dahil ninong pa rin siya ni Bella, at na magkaibigan kami ni Noah.

Nakangiti ako habang pabalik kami ni Aaron sa unit. He took care of Bella while I cooked us dinner. Nasa living room na sila ngayon at mukhang nanonood na lang ng cartoons sa TV. Pagkatapos kong maghain sa mesa sa kitchen ay tinawag ko na rin silang dalawa. And then the three of us ate together.

Pagkatapos mapatulog si Bella nang gabing iyon sa kwarto niya ay pumunta na kami ni Aaron sa kwarto ko naman. Nagkatinginan kami nang nasa loob na. Pareho kasi kaming nasa room ni Bella kanina at kaming dalawa ang nagpatulog sa anak namin. Binasahan pa namin siya ni Aaron ng bedtime story. Kaya mahimbing na ngayon ang tulog ng bata sa kwarto niya.

"Uh, gusto mo bang gumamit ng banyo? I think may damit ka pa naman dito." sabi ko kay Aaron. Nakakatulog kasi siya rito minsan kapag ayaw pa siyang pauwiin ni Bella kaya may naiwan din siya ritong damit na nilabhan ko na.

Tumango naman siya at pumasok na sa bathroom. I waited until he was done and prepared his clothes. Pagkatapos niya ay ako naman ang sumunod sa banyo para makaligo rin. Hindi ko na masyadong tinapunan ng tingin ang katawan niya na isang puting towel lang ang nakapalibot sa baywang niya nang lumabas sa banyo.

Mariin akong napapikit nang maisara ko na ang pinto ng bathroom ko. Natitigang na naman ako. Ginamit na lang siguro ni Aaron ang shower gel ko at shampoo. Naghubad na rin ako ng mga damit ko at pumailalim na sa shower. Gusto ko sanang mag-bathtub, but it might take time. At naghihintay sa akin si Aaron sa labas...

Wait. He will wait for me to finish bathing? Para ano? Well, para sabay na siguro kaming matulog. Yeah, right, Teen.

Damn it, Tristeen! Stop thinking of unnecessary things. Ngayon nga lang kami nagkalinawan ni Aaron... At kailangan pa naming magpatuloy para maayos na talaga kami. Hindi lang para kay Bella kundi para na rin sa amin ni Aaron. Ngayon ay sigurado na akong mahal pa rin namin ni Aaron ang isa't isa...

Pagkalabas ko ng bathroom ay nakabihis na rin ako ng pantulog ko. At tama nga ako na gising pa si Aaron. Agad lumipad sa akin ang tingin niya as soon as he heard the door to my bathroom opened. Napangiti ako. Did he expect me to walk out of the bathroom with just a small towel wrapped around my nakedness? Sorry, Aaron, pero nagdala ako ng damit ko kanina sa loob ng banyo.

"What are your watching?" puna ko sa nakabukas na TV.

"I don't know..." aniya sa naka-play na movie yata sa Netflix. He turned it off.

"Ayaw mo nang manood?"

"No. I was just waiting for you."

I smiled. At lumapit na ako sa kama. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pumatong na ako sa mga hita ni Aaron habang nakaupo siya sa kama. Between us I was the aggressive one. I remembered our first time. We were both inexperienced. And I was curious...

"We can't do it, Teen."

"Why not?"

"Magagalit si Tito Tristan—"

"Siyempre magagalit si Daddy kapag nalaman niya. Hindi naman natin sasabihin na...ginawa natin..."

Aaron looked really conflicted.

Pero ngumiti lang ako sa kaniya. And then I started kissing him. I initiated it. We already kissed before. Gumanti rin ng halik sa akin si Aaron. "Patay ako kay tito..." Aaron said when we parted for a while from the kiss to breathe.

Mistakes and Promisesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن