Chapter 12

68 3 1
                                    


"Anong ibig sabihin no'n, Midnight? Hindi niyo ba alam na trespassing ang ginawa niyo?"

Pagkatapos sa nangyari kanina, napahiya lamang sila dahil mali ang napagbintangan nila.

"Anong ginawa mo sa office ng lalaking iyon?" He asked seriously.

Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko!

"Isa siyang writer dati, at sa ngayon isa na siyang may-ari ng publishing house na iyon," sago ko na may halong inis.

"So tinanggap mo ang offer ng lalaking iyon na hindi mo naman kilala tapos ako tinanggihan mo?!" sigaw niya para magulat ako.

Natigilan naman siya at mukhang natauhan sa pagsigaw niya sa akin.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari. Basi sa sinabi niyo kanina ay hindi ko pa rin maintindihan. Hindi pa rin niyo dapat iyon ginawa. Trespassing at walang karespe-respeto iyon! Sana man lang kunatok kayo."

Hindi ko mapigilan sumama ang loob. Gano'n ba talaga sila? Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Huwag kang maingialam, Irrah. Trabaho namin 'to," walang emosyon niyang wika.

"Pero hindi pa r--"

"Wala kang alam!" Kanina ay nagulat lang ako sa sigaw niya, ngayon ay napaiktad na. Pati mga kaibigan niyang nasa labas ay nagmamadaling pumunta sa amin. "Umalis ka na."

Tinalikuran niya ako at iniwan sa loob ng meeting room nila. Papasok pa lamang ang mga kaibigan niya nang makita siyang papalabas kaya naman alintana itong nagmamadaling magtago.

Why I can't understand him? Napaka-mysterious niyang tao.

Gabi nang papauwi na ako sa boarding house galing paaralan ng kapatid ko. Binisita ko muna siya para mawala man lang ang inis ko kay Midnight.

Habang naglalakad ay ngayon ko lang napansin ang oras. 10 PM na pala ng gabi. Hindi ko pinansin ang oras at pinagpatuloy na lamang ang paglalakad.

Habang nasa gano'n ay napansin ko na parang may nakasunod sa akin. Kita ko ang anino niya sa likuran ko kaya naman hindi ako nagpahalata ngunit ang kaba ko ay hindi ko na mapigilan.

Baka mga ilang minuto ay bibigay na ako ngunit tinatagan ko ang aking sarili. Nagmamadali na rin akong maglakad dahil kaunti na lamang ay papalapit na siya sa akin.

Nanginginig ang mga kamay kong pasimpleng kinuha ang phone ko sa sa bulsa at nagtipa agad sa number ni Midnight dahil iyon ang  unang lumabas sa message ko, ngunit natigilan ako nang wala ng nakasunod sa akin.

Kinakabahan akong dahan-dahang tuminggin sa likuran ko at nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na wala na ito.

Ngunit sa pagharap ko ay mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nanghihina akong napaatras. Parang gusto nang umiyak sa takot at kaba. Parang bumalik ang mga nakaraan ko sa ganitong sitwasyon.

Naka-leather jacket siyang itim at gano'n din ang pambaba niya. Naka-face mask at nakasombrero. Balot na balot ang buong katawan ngunit kita ang mga mata niya kapag inangat niya paninggin niya. Ngunit sa ganitong sitwasyon ay nakababa lamang ito.

Nang iangat niya ang kanyang paninggin sa akin. Kahit hindi ko kita ang buo niyang mukha ay alam kong nakangisi siya sa pamamagitan sa kanyang mga mata.

"Long time no see, Randle Irrah Legazpi. Oh, I forgot. Ayaw mo pa lang ipaalam sa lahat na ikaw si Changalang21."

That voice! Familyar sa akin!

Hindi ko kilala kung sino ang pumatay sa kaibigan ko. Ngunit alam kong siya na ito. Siya ang pumatay sa kaibigan ko! Sa lahat ng mga pinatay niya!

Ngayon na nandito na siya, sa harapan ko. Bakit natatakot ako? Bakit pinanghihinaan ako? 'Di ba ito naman ang gusto ko, ang makilala at alamin kung sino ang salarin?

Umatras ako na may panghihina sa sarili noong umabanti siya papalapit sa akin.

"S-sino ka ba talaga?"

Ngumisi ito. "Guess?" Namulsa ito habang umaabanti papalapit sa akin. "Ang tagal kitang hinanap, nandito ka lang pala."

Nang makalapit siya ay napapikit ako at hinanda ang sarili ngunit paghaplos ng kamay niya sa buhok ko ang aking naramdaman.

Sa takot ko ay tinulak ko siya at akmang tatakbo na sana nang mahila niya ang buhok upang mapangiwi ako sa sakit.

Walang salitang lumabas sa bibig ko kundi. "Tulong! Tulungan niyo ako!"

Pinaharap niya ako at saka niya sinakal ang aking leeg. Ngiti ng mga mata niya ang aking nakita bago niya ako nabagsak sa lupa.

Ubo ako nang ubo habang nakakapit sa leeg ko. Ngayon ko lamang napansin na hindi lamang kami ang tao rito.

Nakita ko na lamang siyang natumba sa sahig at mukha ni Jonathan ang aking nakita. Pag-alala sa mukha niya ang bumungad sa akin.

"Ayos ka lang?" tanong niya na ikinatanggo ko.

"Oo, ayos lang," tugon ko habang naubo pa rin.

Gano'n na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita kong nakatayo na ang lalaki.

"Jonathan, sa likod mo!"

Nakailag naman siya at nagsimula na silang magsuntokan.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung tatawag ba ako ng police o aawatin sila. Siguro sa panghihina ko ay nanatiling nakatinggin na lamang ako sa kanila. Pati paa ko ayaw makisama.

Puro pasa at dugo na ang mukha ni Jonathan. Pilit din tinatanggal ni Jonathan ang face mask ng lalaki ngunit hindi niya magawa dahil parang sanay na ito makipaglaban dahil chill lamang ito. Si Jonathan kasi hindi siya masyadong makisig kaya matatalo siya kung hindi lamang siyang marunong makipaglaban.

"Takbo, Irrah! Takbo!"

Tuminggin siya sa akin sandali bago tinuon muli ang ginagawa.

Pumatak ang aking mga luha sa dinanas niya. Hirap na hirap na siya.

Come on, Irrah! Tumayo ka at tulungan mo si Jonathan!

Hindi ko pinakinggan si Jonathan kaya naman noong makalapit na ako ay bigla naman niya akong tinulak papalayo.

"Sabing tumakbo ka na, e!"

Umiling ako. "H-hindi. . ."

"Please. . . Mahihirapan lang ak--"

Napatili ako nang malakas na suntok ang ibinigay noong lalaki sa kanya upang mapahiga sa sahig si Jonathan.

"Jonathan!"

Akmang lalapitan ko ito nang bumaling sa akin ang lalaki kaya imbes na lapitan si Jonathan ay umatras na lamang ako dahil sa takot, mas lalo na sa mga mata niyang nanlilisik.

"Pinapahirapan mo ako, Irrah. Bakit hindi ka na lang sumama sa akin?"

"Hayop ka. Napakahayop mo!"

Akmang lalapitan na sana niya ako nang matumba siya dahil sa pagsipa sa kanya ni Jonathan.

Tinulak ako nito papalayo. "Umalis ka na!"

"Paano ka?"

"Ako na ang bahala sa sarili ko. Go!" Tinulak niya muli ako.

"Magkikita pa tayo hindi ba? Mag-uusap pa tayo" Natigilan siya at nag-iwas ng tingin."Jonathan. . ." bulong ko.

Umangat ang ulo niya at ngumiti siya akin. Sa sandaling iyon, nakita ko ang dati kung kaibigan na ganito rin ang ginawa niya sa akin kapag may nangbubully sa amin.

"Oo naman, babalik ako. See you tomorrow, Irrah. Aabangan ko ang pagiging published author mo." Ginulo niya ang buhok ko bago ako tumalikod.

Tumakbo ako nang tumakbo, ngunit hindi pa ako nakakalayo nang mapahinto ako dahil sa narinig kong putok ng baril.

Luminggon ako sa pinanggalingan ko at sa pagkakataong iyon ay nanlumo ako habang tinitignan ang lalaking tumatakbo na paalis.

"J-Jonathan. . . h-hindi. . . Jonathan!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MIDNIGHTWhere stories live. Discover now