Chapter 6

56 3 1
                                    


"Gagi, kinilabutan ako sa update kagabi ni Changalang21." Rinig kong pagsisimula na naman magkwentohan ng mga kaklase ko.

"Bakit? Anong meroon sa update niya kagabi? Hindi ko kasi nabasa, nakatulog na ako," usisa naman ng isa ko pang kaklase.

"May pinatay na naman kasi siya," sagot naman nung isa.

"Tss. Character lang 'yan tapos gano'n na kayo kung kilabutan. Kilabutan lang kayo kung ang sinusulat niya ay nagkakatotoo." Tumawa naman ito.

"Hindi niyo ba napapansin? Kapag may pinapatay siya, may namamatay din sa bayan natin?"

Doon na pumintig ang aking tainga. Parang dudugo na rin ang labi ko sa kakagat nito. Gano'n din ba ang nararamdaman nila? Hindi ko tuloy mapigilan mag-alala at matakot.

Sasagot pa sana ang isa kung kaklase nang pumasok na ang english teacher namin. Nagsiayusan na rin ang iba sa kanilang upuan. Tiniklop ko na rin ang math notebook ko. Iyon kasi ang nire-review ko sa ngayon dahil sa next subject na 'to ay math na. May quiz din.

"Good morning, Class. Since nasa ibang subject ang adviser niyo ay ako na lang muna ang magpapa-welcome sa new classmates niyo today."

Nagsiingayan naman ang iba kung mga kaklase noong sabihin iyon ng english Teacher namin.

New classmate? Akala ko ba hindi na tumatanggap ng bagong students kapag nasa 3rd quarter na ng klase?

"Omg! May bago!"

"Lalaki ba? Gwapo?"

Hindi naman magkandaugaga ang mga kaklase ko kakaingay. Sa totoo lang, nakakarindi na. Ngayon lang ba nila naranasan magkaroon ng bagong kaklase.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga iyon at nanatili na lamang nagkunwaring magbasa sa english notebook ko.

"Pumasok ka na at magpakilala,"  ani Ma'am Criza.

"Hi, I'm Jonathan Marquez."

Bigla ko naman nabitawan ang aking hawak-hawak na ballpen at nahulog iyon sa sahig. Bigla akong nanlamig sa kinauupuan ko at hindi makagalaw. 

Unti-unti ko naman inanggat ang aking paningin at ngisi niya agad ang bumungad sa akin.

Pakiramdam ko masusuka ako dahil sa mga ngisi niyang hindi ko maipinta. Nakakaya niya pang ngumisi pagkatapos ng lahat?!

"Sige na, umupo ka na Mr. Marquez. May mga bakante pa naman d'yan, kung saan ka kumportableng umupo," saad naman ng guro namin nang hindi ito gumalaw sa kinatatayuan niya.

"Iyon lang? Wala na? Hindi man lang sinabi ang edad," rinig ko pang ani ng nasa gilid ko.

"Ang landi mo talaga, Ara. Gupitin ko 'yang mahaba mong buhok, e." Pambabasag sa kanya ng kaibigan niya.

Mapait akong ngumiti nang maalala kong bakante pala ang nasa kaliwang katabi kong kinauupuan. Pumikit ako nang mariin ng umupo siya sa tabi ko.

Hindi ko na lamang pa pinansin ang mga nag-iingay kong kaklase at itong katabi ko. Kahit nanginginig na ang buong katawan ko ay hindi ko iyon pinahalata pa. Pakiramdam ko kasi kapag binabalik ko pa ang mga nakaraan ko ay sumasakit lang ang ulo ko.

Kukunin ko na sana ang ballpen na nahulog ko nang may kumuha roon dahilan para hindi ako lalo makagalaw sa kinauupuan ko.

"Here." Inilahad niya iyon sa akin ngunit hindi ko iyon kinuha bagkus ay kumuha na lamang ako ng bago sa bag ko.

Rinig ko ang pagbuntonghininga niya. Nakinig na lamang ako sa lecture ng guro namin.

Hindi rin naman siya nagsasalita kaya napanatag ako roon. Pero iyong kaba ko ay nanatili sa aking dibdib. Kahit hindi makapag-focus ay nilagay ko sa kukute ko na dapat matapos na itong klase na 'to para next subject na. Kaklase ko lang naman siya sa English subject kaya mas lalo pa akong napanatag.

"Goodbye, Class!"

Nagmamadali naman akong ilagay sa bag ko ang mga kagamitan ko at saka nagmamadali ring lumabas sa room.

Papunta na sana ako sa next subject nang may biglang humawak sa malapulsohan ko dahilan para iwaksi ko iyon dahil alam ko kung sino iyon.

"Bitawan mo ako!" Masama ang tingin ko sa kanya. Wala akong pakialam sa mga taong nakatingin sa amin.

Pakiramdam ko tumakbo ako ng mga ilang kelometro dahil sa hinihinggal ako. Pakiramdam ko rin parang bumalik iyong mga nakakasukang nangyari sa akin noon. Hindi ko masikmura talaga.

"Irrah. . . I'm sorry. . ." sambit niya at akmang lalapit na sana siya sa akin nang duruin ko siya.

"Huwag kang lalapit sa akin! P-please. . . layuan mo ako."

Nagmamadali naman akong tumakbo papaalis doon. Dumeretso na lang muna ako sa C.R. at naghilamos. Pinilit kong huwag umiyak at pinatatag na lang muna ang aking sarili bago lumabas at nagtungo na lamang sa next subject.

Nang matapos ang klase namin sa ay vacant na ang kasunod kaya naman nagtungo na lamang ako sa likod ng school namin, kung saan na walang masyadong tao ang pumupunta.

Umupo ako sa ilalim ng puno at sumandal doon. Pinikit ko ang aking mga mata at hindi inaasahan na makakatulog ako roon.

Paggising ko ay hapon na kaya napatingin ako sa orasan ko. Gano'n na lang ang pagmumura ko nang makita kong ala singko na ng hapon at sa pagkakataong ito ay hindi na ako nakaabot sa iba kong subject.

"Shit! Bakit ba napahaba ang tulong ko!" Ginulo ko naman ang buhok ko at akmang tatayo na sana nang mapansin kong parang may nakaupo rin sa tabi ko.

Hindi ko naman maipinta ang aking mukha nang makita ko na naman siya.

Bakit ba 'to sunod nang sunod 'to sa akin?!

Wala akong pasabing tumayo at hindi ito pinansin.

"Hanggang kailan mo ba ako hindi papansinin, Irrah?" Minulat niya ang kanyang mga mata at bumaling sa akin. May sakit doon sa kanyang mga mata akong nakikita.

"Bakit ka narito? Paano mo nalaman na narito ako?" Hindi ko siya sinagot bagkus ay tinanong ko rin siya.

Umayos siya ng upo kaya naman umatras ako. Umiling naman siya, animong alam niya talaga na takot na takot ako sa kanya kaya siya na rin ang nag-adjust. Umusong din siya papalayo sa akin.

"Hindi ko naman alam na narito ka."

"Hindi ako naniniwala." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tumayo na.

"Alam ko, dahil pagkatapos sa nangyari ay nawalan ka na ng tiwala sa akin."

Tipid akong ngumiti. "Buti alam mo."

"I'm sorry, Irrah. Hindi ko sinasadya ang nangyari noon," sincere niyang wika.

"Hindi na ako naniniwala sayo, Jonathan. Dahil noong binaboy mo ako, nawalan na ako ng tiwala sa ibang tao at pati na rin sa sarili ko."

MIDNIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon