Chapter 7

53 4 0
                                    


"Saan ba tayo pupunta?" pagtatanong ko.

Pinagkrus ko ang aking mga braso habang sa labas lamang ng sasakyan niya ako nakatingin.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Umaga pa lang kinatok niya na ako sa kwatro at nagyayang umalis. Hindi ko malaman kung anong trip niya sa buhay. Wala rin naman akong gagawin dahil sa wala na rin akong trabaho kaya naman sumama na lang ako sa kanya.

"Saan mo bang gustong kumain?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Libre mo?" Ngumisi ako.

"Yayayain ba kita kung hindi ako ang manlilibre." Umiling siya na may ngisi sa kanyang labi.

"Ikaw bahala kung saan." Bumalik ang paningin ko sa daan. Napagtanto ko kaagad kung saan kami pupunta. Sa tanawin ngayon ay alam kung maganda ang simoy ng hanggin. "Pwede mo bang ibaba ang bintana," utos ko kay Midnight upang sundin niya.

Mayamaya ay bigla siyang nagpatugtog. Iyong kantang paborito ko kapag nagbibyahe patunggong Tagaytay. Mukhang alam niya talaga ang hilig ko.

Hinilig ko naman ang aking ulo sa bintana. Iyong hindi naman masyadong labas ang ulo ko saka ako pumikit at dinama ang hanggin na dumadampi sa mukha ko.

Nang nasa banda na kami ng walang masyadong sasakyan ay inilabas ko na ang kamay ko at dinama rin ang hanggin.

Hindi ko mapigilan mapangiti dahil ngayon ko na lang muli ito naranasan.

FARM HILLS GARDEN CAFE AND RESTAURANT.

'Yan ang bumungad sa akin nang makarating kami sa paroroonan namin. Hindi ko pa 'to napupuntahan kaya medyo hindi familiar sa akin ang kainan na ito. Bukod sa wala rin naman akong alam magpasikot-sikot dito sa Tagaytay ay nakakagulat din dahil ang ganda rito.

"May pinaplano ka ba?" Pinaningkitan ko siya ng mata.

Tumikhim lamang siya saka niya ako hinila patungo sa loob. Sa pandalawahang taong lamesa lamang ang pinili namin at saka kami nag-order.

"Midnight, ano bang pinaplano mo?" Pinagkrus ko ang dalawa kong braso sa dibdib ko. Medyo naiinis na rin dahil hindi man lang niya sinagot ang mga tanong ko.

May kutob talaga ako na may pinaplano talaga ang lalaking ito. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman. Sa mga kinikilos pa lang niya ay alam na alam ko na.

"I just wanted to date you. . ."

I rolled my eyes. Sinabi na nga ba. "Iyon lang pala, ba't hindi mo sinabi agad?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Hindi naman siya makatingin nang maayos sa akin. Mukhang nahihiya ang gago.

Alam ko na mga ganyan niyang style ng mga lalaki. Hindi niya sasabihin na yayain ako makipag-date bagkus ay yayayain lang niya akong pumunta sa kung saan.

"Baka kasi tanggihan mo ako," kibit balikat niyang saad.

"Ako pa ba tatanggi? Masarap kapag libre, 'no." Kinindatan ko siya saka umayos ng upo noong dumating na ang order namin.

"Ang hilig kumain pero hindi naman tumataba." Umiling siya at nagsimula na rin kaming kumain.

Habang kumakain kami ay marami pa ang aming pinag-uusapan kaya napahaba ang tambay namin doon. About din sa pag-iimbeta niya sa akin sa pubhouse niya ang ibang pinag-uusapan namin pa. Naglibot-libot din kami rito pagkatapos. Ang gaganda rin kasi ng mga tanim nila rito.

KAPAPASOK pa lang namin sa bahay nang makarinig kami ng sigawan na parang may nag-aaway. Nagkatitigan naman kami ni Midnight at saka nagmamadaling pumasok sa loob.

Bumungad sa amin ang umiiyak na si Unnice habang inaalog nito ang balikat ni Zhuna na wala man lang emosyon ang mukha. Inaawat na rin si Unnice ng iba ngunit matigas nga ito at ayaw tumigil.

Pero ang pinagtataka ko, bakit hindi man lang awatin ni Cath si Unnice?

"Sabihin mo! Ikaw ang pumatay kay Klara, 'di ba?!" Tinulak naman nito si Zhuna dahilan para mapaatras ito.

Ngumisi naman ito at masama ang tinggin nito kay Unnice. "Bago mo ako pagsalitaan ng mga ganyan ay alamin mo muna kung sino ba talaga ang salarin. Hindi por que matahimikin ako ay 'yan na agad ang iniisip mo. Huwag kang magmalinis, Unnice. Baka isa ka rin sa salarin."

Umalis si Zhuna pagkatapos niya iyon sabihin. Natahimik naman ang lahat. Ngayon ko lang napansin na wala pala si Tita Susan kaya free silang makipagbardagulan.

Hinila naman ni Cath si Unnice patunggong taas. 'Yung iba naman ay bumalik na rin sa kanilang ginagawa.

Bakit pakiramdam ko may nangyari pa bukod doon sa naabutan namin?

"Anong nangyari?" rinig kong tanong ni Midnight sa kakilala niya na sa pagkakaalam ko ay Raz ang pangalan.

Umiling naman ito na mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. "Bigla na lang kasi sinugod ni Unnice si Zhuna na inaakalang ito mismo ang may gawa kay Klara."

"Iyon lang, wala na nangyari pa?" seryosong tanong pa ni Midnight.

"Wala na, basta sa pagkakaalam ko ay maayos pa naman sila rito nag-uusap bago ako pumasok sa kwatro. Bigla ko na lang narinig mga sigawan nila kaya napalabas ako."

"Salamat, Pre." Tinapek ni Midnight ang balikat nito bago kami iwan.

Buntonghininga namang bumaling sa akin si Midnight saka ngumiti ito ng pilit. "Magpahinga ka na."

Ngumiti ako ng tipid. "Ikaw rin, thank you. . ."

Tatalikuran ko na sana siya nang marinig ko ang boses ni Amera.

"K-kuya Midnight, hindi lang po iyon ang nangyari kung bakit nagkagano'n sila. . ." kinakabahan naman itong 'yumuko.

"Anong ibig mong sabihin, Amera?" ako mismo ang nagtanong dito.

Kinagat nito ang kanyang labi saka lumapit sa amin ng kaunti. Lumunok ito bago magsalita. "M-may binalita na naman po kasi ngayon na may namatay na naman po sa kabilang ilog tapos po bigla na lang sinugod ni Ate Unnice si Ate Zhuna kaya nagkagulo po rito," paliwanag nito.

Anong konek sa pagsugod ni Unnice kay Zhuna sa may binalitang may pinatay na naman?

"Thank you for telling to us, Amera. Magpahinga ka na rin." Ginulo ni Midnight ang  buhok nito at saka naman tumango si Amera at umalis.

"HINDI ko maintindihan, Midnight. May namatay na naman sa kabilang ilog. Tapos. . . ang inaakala ni Unnice ay si Zhuna ang pumatay kay Klara. Bakit gano'n. . . bakit babae lang ang pinapatay ng salarin na iyon?"

Tumingin ako sa kalanggitan ng puno ng mga bituin habang nasa kandongan ko na naman si Kenny. Masarap ang tulog niya.

Buti pa 'tong pusa, nakakatulog nang mahimbing.

"Hindi natin alam kung anong tumatakbo sa isip ng salarin. Wala rin tayong idea kung sino ba talaga ngunit gaya ng sabi ko kanina may kutob na ako," he said at saka nagseryoso ang kanyang mukha.

MIDNIGHTWhere stories live. Discover now