Chapter 9

28 1 0
                                    


"Nagpapanggap ka sa akin na isa kang may-ari ng isang publishing house ngunit sa kaibigan mo lamang iyon. At ngayon malalaman ko na isa kang detective?" hindi makapaniwalang aniko kay Midnight.

Nandito kami ngayon sa lugar ng mga nagiimbestiga. Hindi makatingin sa akin ang dalawa niyang kasamahan. Magkagroupo pala silang tatlo.

Kaya pala gusto na niyang umuwi kami dahil tinataguan niya pala ang mga kasamahan niya.

"Midnight, ano bang kailangan mo sa akin?"

Hindi ko naman siya kilala, wala rin akong alam sa kanya. Bukod sa pangalan niya, naging crush at nililigawan niya raw ako ay wala nang iba pa. Siya na rin kasi mismo ang nagpakilala sa akin kaya iyon lang ang alam ko.

"Hindi ko rin alam, Irrah. Mismong katawan ko ang naglakas loob na lumapit sayo. Maliban sa matagal na kitang gusto ay nawala na ang hiya kong lumapit sayo."

Pakiramdam ko ay sobrang pula na ngayon ng mukha ko dahil sa mga binitawan niyang salita na mukhang normal lang sa kanya at parang walang pakialam sa paligid!

Hindi niya ba nakikita na may mga kasamahan kami rito?! Nakakahiya!

Kagat ko ang pang-ibabang labi kong nag-iwas sa kanya, mas lalo na sa dalawa niyang kasamahan dahil kaunti na lamang ay matatawa na ito sa pagiging totoo ng kaibigan.

"Uuwi na ako," usal ko.

"Uuwi na kami." Paalam naman ni Midnight sa dalawa niyang kasamahan. Tumayo ito at tinitigan ang dalawa bago bumaling sa akin.

"Hoy, Detective Castro. May iimbistegahan pa tayong kaso!" sigaw sa kanya ng kasamahan niyang mas bata sa kanilang tatlo.

"Dito ka na lang, ako na lang ang uuwi," kibit balikat kong sambit.

"Hindi pwede."

Wala na akong magawa noong hilahin niya na ako palabas sa presento at walang pakialam sa mga tumatawag sa kanya.

Parang sanay na siya sa ganyang gawain at pati na rin ang kanyang mga kasamahan.

"Hindi na ako tutuloy sa publishing house na 'yan." Tinalikuran ko siya bago pumasok sa kwatro ko.

Humiga agad ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Midnight para lang malapitan ako. Gano'n niya na ba ako kagusto para gumawa ng paraan para malapitan ako? Ang creepy naman ata no'n.

Bumangon ako at nagtungo sa study table ko at binuksan ang laptop ko. Naramdaman ko naman na pumunta sa Kenny sa mga hita ko at doon humiga. Hinayaan ko iyon at nagtipa na lamang sa laptop ko na mai-a-update ko.

Patapos na ako sa sinusulat ko nang tumunog ang laptop ko, nakita kong may nag-email sa akin kaya naman ay  tinitigan ko muna iyon.

Gano'n na lang ang pagkunot ng noo ko nang isa iyong sikat na publishing house na nag-aalok sa akin na ma-publish ang book ko. Ito 'yong publishing house na hinahangaan ko, hindi lang sa maganda ang quality ng book nila ay pati na rin ang publishing house nila. Magagaling ang mga tao rito. Wala lang talaga akong balak na i-published ang mga gawa ko sa ibang publishing house, pero mukhang swerte ako sa ganitong araw, dahil ang paborito kong publishing house ang kusang lumapit na sa akin.

Hindi ko lang alam kung tatanggapin ko ang offer nila, dahil na rin hindi pa ako handa na isalang ang mga gawa ko kahit ang dami nang nagsasabing i-published na ang mga gawa ko to physical book.

Hindi ko alam kung panghihinayang o takot lang ang nararamdaman ko.

Pag-iisipan ko pa.

Kinabukasan ay naging maingay na naman ang hapag namin kaya hindi boring ang nangyari sa araw na iyon.

Lalagpasan ko na sana si Midnight dahil malalate na ako sa paaralan. Nakasandal siya sa pader kung saan papalabas na ako ng boarding house nang tawagin niya ako.

"Ihahatid na kita."

Umiling lamang ako at hindi siya pinansin. Nakakainis ang pagmumukha niya sa totoo lang, ang daming sikreto sa buhay para lang malapitan ka. Mas lalo na naka hoodie na naman siya at face mask.

Gano'n na lamang ang gulat at pagsigaw ko nang buhatin niya ako na parang sako. Pabagsak naman ako nito pinaupo sa loob ng sasakyan niya dahilan para mapasigaw ako ngunit may sakit sa mukha.

Ang sakit ng pwet ko!

Nagmamadali naman itong isara at nagtungo sa driver seat at pinaandar agad iyon.

"Apaka attitude mong hayop ka! Gano'n ba pagrespeto mo sa babae?!" sigaw ko rito habang iniinda ang sakit ng pwet ko.

"Sayo lang ako may respeto," seryoso niyang sabi.

"Hindi naman gano'n ang pagrespeto mo sa akin! Kahit pilitin mo ako sa fake publishing house mong 'yan, hinding-hindi na ako magpapauto sayo!"

Padabog akong sumandal at tumingin na lamang sa labas ng sasakyan na may sama ang loob.

"Okay. Hindi na kita pipilitin. Payagan mo lang akong ihatid at sundo kita sa pag-uwi mo."

"Sino ka ba para sundin ko? Isa ka lang naman napaka-creeping tao sa buhay ko. Jusko, kinikilabutan ako sayo." Nakangiwi akong tinititigan siya at tinuon muli ang paningin sa labas.

"Hinto mo!" sigaw ko nang nakatingin sa labas kung saan may nagkukupulang tao.

Siguro sa gulat niya ay bigla niya iyon hininto.

"Fuck! Pwede ba huwag kang sumigaw, muntik na tayong mabangga!" irita niyang sigaw sa akin.

Umirap ako. "Sumisigaw ka rin naman, tsk!"

"Why?"

"Pakibukas ng pinto," walang pakialam kong saad.

Nakakunot man ang kanyang noo ay ginawa pa rin niya iyon. Lumabas ako at tatawid na sana sa kabilang kalsada dahil sa mga kumpulan ng mga tao nang hawakan ni Midnight ang kamay ko at sabay kaming nagtungo roon.

Napatingin pa ako sa hawak niyang kamay sa akin. Kagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makaramdam ako ng kakaiba sa katawan.

Tinanggal ko kaagad iyon nang makatawid kami. Sumiksik ako roon para makapunta sa unahan.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko sa dalawang detective na sa pagkakaalam ko ay mga kaibigan ni Midnight.

"Oh, ikaw na naman?" tanong nung medyo bata. "Oh, nandito ka rin Detective Castro?" May halong gulat sa kanyang mukha na parang ngayon lang nakakita ng taong naka-uniform at kakaibang style na suot.

"Yeah," walang pakialam na tugon ni Midnight.

"Miss, hindi ka pwede rito. Late ka na rin sa pasok mo." Dumating iyong pinakamatanda sa kanila.

"Sir, anong nangyari sa kanya? Gano'n din ho ba sa mga namamatay sa kabilang ilog?"

Sikat ang kabilang ilog sa mga nabebektima, ang pinagtataka ko ay bakit meroon na rito malapit sa ilalim ng tulay?

"Para ka naman imbistegador, Miss. Oo, gano'n nga." May kunot sa kanyang noo. Mukhang nagtataka na ito sa kinikilos ko.

Kinuha ko sa kanya ang gloves na isusuot niya sana. Nagulat pa siya ngunit umiling na lamang.

"Pwede patingin." Hindi ko na hinintay ang tugon nito at binuksan na ang nakatakip sa katawan nito, unang tinitigan ko ay ang pulso niya.

Napapikit ako nang mariin dahil isang laslas na naman iyon.

"Alam mo ba ang ibig sabihin niyan, Miss?" tanong nung dalawa sa akin.

Tumango ako upang gulat silang magtitigang dalawa, nakakunot lang ang noo ni Midnight. Hinila ako ng dalawang detective sa medyo kalayuan sa mga tao.

"Kung gano'n, ano iyon? Hanggang ngayon wala pa rin kaming alam kung ano ang ibig sabihin na iyon."

Isa silang detective ngunit hindi nila alam iyon?

"Isa iyong barcode."

MIDNIGHTWhere stories live. Discover now