"Well ,di na kami mag eexpect na magcecelebrate ka ng birthday mo. Dahil alam ko naman na di ka na mahilig magcelebrate ,"she chuckled ,"Napilitan ka lang magcelebrate ng debut dahil sa Mommy mo e."

Sa pagkasabi nila ay halos matawa ako. Well ,kilalang kilala na ako ni Isabelle. Alam na alam n'ya kung ano ang kinakainisan ko ,favorite ko sa lahat ng bagay at yung mga di ko gusto. Kilalang kilala niya ako.

She's my bestfriend after all.

"Happy Birthday sa class president natin!"bahagya akong napalingon na marinig ko ang boses ni Kevin ,"Wag muna kayo maging pasaway sa class president natin. Behave lang tayo classmates!"

Di ko maiwasan mapairap kay Kevin. Kailangan ba talaga sabihin sa harap ng classmate namin na tumahimik sila dahil birthday ko?

Well ,simula grade 11 ay class president na ako ng section namin at sa araw araw ng ginawa ng d'yos ay puro stress ang naabot ko sa kanila dahil sa pagiging pasaway nilang lahat na to the point na tarayan ko na sila lahat ay wala silang pakialam sa akin dahil puro daldal ang inuuna nila.

"Sus Kevin ,pakitang tao ka lang ngayon e dahil birthday ni Gallianna ,"sabi ni Isabelle habang nakahawak s'ya sa kamay ko ,"Isa ka rin sa mga pasaway dito sa section natin. Lagi mo pinapasakit ang ulo ni Gallianna palagi."

Nakita kong bahagyang napakamot ng ulo si Kevin at nag peace sign pa s'ya sa akin. Napailing na lang ako at napagdesisyonan ko na umupo na sa upuan ko.

"May gift ako sayo kaso nga lang naiwan ko sa bahay kaya bukas ko na lang iabot sayo bago magsimula ang exam natin!"pabulong na sabi ni Isabelle kaya tumango na lang ako.

Saktong pumasok na yung first subject teacher namin kaya yung mga kaklase ko ay bumalik na sa kani-kanila nilang mga upuan.

Sa buong pagsasalita ng teacher sa harapan ko ay nirereview na lang kami sa lahat ng mga lesson na tinuturo nila. Panay hikab na nga lang ako dahil nakakaramdam ako ng antok sa klase. Mabuti na rin ay sumapit ang breaktime kaya kahit papaano nawala ang antok ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Balita ko birthday mo raw Gallianna?"halos mapabuga ako ng hangin na sumulpot sa harapan ko si Chevy kasama ang mga tropa n'ya.

Nakita ko ang pagsilay ng ngisi sa mga labi n'ya kaya halos umasim ang mukha ko dahil sa kanya.

Ano naman kaya ang trip n'ya at nandito na naman s'ya sa harapan ko?

"So what?"I raised my eyebrow.

"Sungit mo ah ,"he chuckled ,"Wala ka pa ring pagbabago hanggang ngayon. Ignorante ka pa rin."

Halos irapan ko s'ya dahil doon. Ay ewan ,bakit ko pa ba pinag aaksayahan ng panahon si Chevy sa mga walang kwentang bagay!

"Ikaw din Chevy...di ka pa rin nagbabago.."sagot ko ,"Papansin ka pa rin hanggang ngayon."

Ang ngisi sa mga labi n'ya ay bigla na lang nawala. Seryoso n'ya ako tinignan habang kumukunot pa ang noo n'ya.

"I don't have time to fight with you. So don't expect me to cut you off with you very useless words."diretsong sabi ko ,"Today is my birthday so I hope....you give me what I want to happen."

At yun ang katahimikan. Gusto ko ibigay na n'ya ang araw na 'to para lubayan n'ya muna ako pansamantala.

"Gallianna's right ,birthday niya ngayon pagbigyan mo na."sabat ni Isabelle kaya napabaling ang tingin ni Chevy sa kanya.

"Sure Isabelle...madali akong kausap..."sabi niya sabay baling sa akin.

Nagpaalam pa s'ya bago s'ya tumalikod sa akin. Napaisip ako kung bakit ang dali lang sumunod ni Chevy gayong halos di n'ya ako pinapalampas kapag nagkakasalubong kami sa daan.

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now