Although, walang camera sa CR ng opisina niya... hmmm...

Naramdaman kong bumuntong-hininga siya at hinalikan ko siya sa tuktok ng ulo bago siya pinakawalan. She looked up at me, smiling at me sadly.

"Uwi na tayo," sabi niya.

"Oo eh. Pero di bale, uulit tayo. Kahit saan mo gusto."

"Sa condo ko sa Baguio naman next time," sabi niya.

Oo nga pala, may bahay nga pala siya sa Baguio. Tsk, sabi nang kailangan ko na talaga madaliin 'yung sarili kong condo para naman di nakakahiya.

"Sige, next time."

Her arms wrapped around my neck and I bent down so I could kiss her. Sana kapag 80 na ako, ganito pa rin ang pakiramdam ko kapag halikan niya ako.

Naghiwalay kami at dinampot ko ulit ang mga bags namin bago kami tuluyang lumabas ng bahay.

NAG-LUNCH lang kami sa resort nina Tita Mabel pero before 2 P.M., nagbiyahe na rin kami. Binigyan kami ni Tita ng kahong-kahong buko pie para pasalubong daw sa mga pamilya namin. Aba, di ako magrereklamo. Masarap ang buko pie.

Medyo tahimik kami habang pauwi. Siguro kasi nga pareho kaming nalulungkot na uuwi na kami. Before six P.M., papasok na kami ng Forbes Park.

"Sa 'min ka na muna," sabi ni Meredith bago namin marating ang street nila. "After dinner ka na umuwi."

Di ako tumutol. Ayaw ko pang umuwi eh. Pero kinakabahan ako kasi paano kaya ako sasalubungin ng daddy niya pagkatapos kong itinanan nang isang buong weekend ang baby girl nito?

Sana gumanang pambribe ang buko pie.

Bumaba kami ng kotse ko matapos kong pumarada sa gilid ng kalsada malapit sa bahay nila. Kinuha ko 'yung bag ni Meredith (saka tatlong kahon ng buko pie) bago ko isinara 'yung pinto. Bukas na 'yung gate at inaabangan na kami n'ung guard nila.

"Good evening, ma'am, sir."

Ngumiti ako sa kanya at kumindat bago kami dumerecho sa front door ng bahay nila. Pagkapasok na pagkapasok ko, luminga-linga ako sa paligid, naghihintay na may bigla na lang akong makitang ninja star na lumilipad papunta sa noo ko.

"Upo ka muna," sabi ni Meredith. "Aakyat lang ako kila mommy. Sasabihin kong nandito ka."

Huwag na lang kaya?

Pero naupo ako bago siya naglakad palayo. May kinausap siyang kasambahay bago siya umakyat papunta sa kuwarto nila Tito Eman at Tita Marianne. Mayamaya may dala nang juice 'yung kasambahay nila para sa 'kin. Nag-thank you ako at uminom na rin kasi nanunuyo sa nerbyos ang lalamunan ko.

Ba't ba hindi ko 'to naisip noon? Hindi ko ba kakailanganin ng bulletproof vest?

Tumayo ako nang marinig na may bumababa ulit ng hagdan. Una kong nakita si Meredith ulit, 'tapos si Tita Marianne.

"Hijo, kumusta ang weekend ninyo?" tanong niya nang salubungin niya ako ng kiss sa pisngi.

"Okay naman po. Medyo nangitim po kami ni Meredith."

"Mukha nga," sabi niya habang pinagmamasdan kami. Katabi ko na ngayon si Mere. "And buko pie ba 'yan?"

"Opo," mabilis kong sabi habang inaabot ang mga kahon. Siguro, kung good shot ako kay Tita Marianne, hindi naman ako babarilin ni Tito Eman. "Pasalubong po ng Tita ko. Sana magustuhan daw po ninyo."

"Of course!" sabi ni Tita na inaabot ang mga kahon. "Thank you! Dito ka mag-di-dinner di ba?"

Kinuha na ni Meredith ang kamay ko at nilingon ko siya. Tinaasan niya ako ng kilay habang tumatango. Binalingan ko ulit si Tita Marianne. "Opo, Tita. I'd love to. Thank you po."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon