43

33 2 0
                                    

Kathleen's Pov.

"Kailan ang balik mo?" tanong ko kay Cedrick. After namin aminin yung about sa relasyon namin ni Cedrick. Nagdesisyonan maglakad-lakad, at mkapag-usap, nagpaalam pa si Cedrick sakin na papunta daw siya sa London mamayang 10pm. May importante lang daw siya kakausapin.

"2 days lang ako dun, I promise babalik agad ako." sagot nito.

"Sino bang kakausapin mo dun? Bakit kailangan mo pang pumunta?? Hindi ba pwedeng sa phone mo na lang kausapin?"

Hindi naman siya makasagot.

"Ling? Ano?" tanong ko.

"I'll tell you pagkadating ko." sagot nito.

"Bakit hindi pa ngayon?" medyo naiisip ko ng tarayan ulit si Cedrick. Kasi pakiramdam ko, nagtatago na naman siya ng sekreto sakin.

"Hindi ko pa kasi alam kung anong kalalabasan ng magiging pag-uusap namin."

"Tinatanong ko lang kung sino yung kakausapin mo. Ang hilig mo magsekreto nuh? Gusto mo magsekreto din ako sayo?"

"No. Don't keep secret from me."

"Wow, kapag ikaw pwede? Bahala ka jan, hindi tayo bati."

"It's Mr. Luicito and his..his wife."

"Yung nanay ko? Bakit? Bakit kailangan kasama siya?"

"It's about the property na gusto kong bilhin. I thought okay na yun dahil si Mr. Luicito na ang nagsabi na gusto nyang ibenta yung mansion nila sa QC but then, medyo against pala yung nanay mo about dun."

"Ah."

Napahinto naman kami sa paglalakad nang may tumawag sa kaniya.

"It's Mr. Luicito. Just a minute, ling." sabi ni Cedrick at sinagot ang phone niya.

"Why? Okay, I'll ask her. Okay." sabi ni Cedrick at binaba na ang phone niya at binalik sa bulsa ng short niya.

"Anong sabi?" tanong ko.

"Hindi na sasama sa meeting namin yung asawa niya. But he wants you to join us. You want to come?"

Tumango naman ako at ngumiti.

"Ang totoo niyan, kahit hindi mo pa ako tinatanong gusto kong sumama sayo sa london kahit hindi mo pa sinasabi na ime-meet mo si Nanay."

"Why?"

"Nalulungkot kasi kapag wala ka sa tabi ko. Ayakong LDR tayo."

Lumapit naman sa akin si Cedrick at niyakap ako.

"I feel the same. I wish lagi kitang kasama. I love you"

Gumaan naman yung loob ko sa sinabi niya kaya niyakap ko din siya ng mahigpit.

"Mahal na mahal din kita, Ling."

Pagkauwi namin sa bahay, sinabi agad namin kay Tatay yung balak naming pag-alis. Balak na din daw umuwi ni Tatay sa probinsya namin dahil madami daw naghihintay sa kaniya dun. Ikakasal na din daw yung anak ng kapitbahay namin, kinukuhang ninong si Tatay.

Para hindi na daw mapagod si Tatay sa byahe, pinahatid na lang ni Cedrick si Tatay hanggang sa amin. Lalo na dahil madaming bitbit si Tatay. Ayaw sana ni Tatay kaso wala na siyang nagawa dahil sumang-ayon din ako na ihatid na lang siya.

Nauna kaming umalis ni Cedrick kesa kay Tatay. 9pm pa lang kasi umalis na kami. Tumawag na lang kinabukasan si Tatay na paalis na nga daw siya.

"Namiss ko ang london, Ling." sabi ko pagkadating namin sa mansion. "Parang ang daming nagbago dito."

I'm Married A Stranger Where stories live. Discover now