"Katapusan mo na!" Sigaw nito at lalapit na sana ito para saksakin siya nang napahinto na lamang ito.

Tumilapon na lamang ito nang banggain siya ng isang kotse.

Bumukas naman ang pinto ng kotse.

"Pumasok kana, bilis! Ililigtas kita." sabi ni Jerome sa kanya.

Tarantang tumayo siya sa pagkakaupo at pumasok kaagad sa loob. Mabilis naman pina-andar nito ang kotse. Nakita na lamang ni Ros sa side mirror na pasakay na rin sa isang kotse si Tomas.

"He's following us!"

Mabilis naman tumingin sa side mirror si Jerome."Sh*t!" Sambit nito nang makitang sinusundan nga sila nito.

Mabilis na napayuko sila nang tadtadin sila ng baril ni Tomas.

Muntikan pang mawala sa balanse ang pagmamaneho ni Jerome.

"Huwag kang mag-alala, ililigtas kita." Napaka-buti ang puso na sabi nito sa kanya.

"Thank you." seryosong pahayag ni Ros.

Binilisan lalo nito ang pagmamaneho para hindi sila maabutan nito.

"Habang sinusundan niya tayo, bumaba kana. Magtago ka kaagad." Utos nito.

"How about you?" Tanong niya dito.

"Ililigaw ko siya. Ako magmamaneho ng sinasakyan natin." Puno ng tensyon na sabi nito.

"B-but---"

"Bilis! Lumabas kana!" Sigaw nito at sa daan lamang nakatutok.

Pagkaliko nila sa isang daan, binuksan niya ang pinto pero di niya inaasahan na itulak siya nito kaya gumulong-gulong siya sa gilid ng daan at sakto namang nauntog ang ulo niya sa isang malaking bato.

Bago pa siya nawalan ng malay, nakarinig pa siya ng malakas na pagsabog. Dahil doon, hindi na niya alam ang sumunood na nangyari.

Naidilat na lamang niya ang kanyang mata nang maalala ang alaalang iyon.

Muntikan pa siya mapaluhod nang mabilis na may umalalay sa kanya.

"Ros, okay ka lang?" si Beth.

Inalalayan naman siya nito papunta sa isang upuan. Nang nakita pa sila ng mga pulis, lumapit ito sa kanila at tinulungan si Beth para ito na umalalay sa kanya papunta sa kinauupuan kanina ni Elizabeth.

"Salamat, Sir." Pasalamat ni Beth sa dalawang pulis na tumulong sa kanya.

"Okay lang ba siya? Idala ba natin siya sa hospita---"

"Okay lang ako, Sir. Nahilo lang ako." Mabilis na saad nito.

"Ito, tubig." Mabilis naman tinurol ng isa sa nga pulis ang mineral water.

Kinuha iyon ni Beth at binuksan. Pagkabukas, binigay niya iyon sa kanya.

"Inom ka muna."

Ininom naman niya ang binigay nitong tubig. Pagkainom, pinunasan niya ang gilid ng kanyang bibig.

"Okay ka lang ba?" Alalang tanong ni Beth sabay pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo.

"Okay na 'ko. Tara na?" Yaya na niya dito.

"Sure kang okay kana?"

Nakangiting tumango siya."Oo."

"Okay, bahala ka."

Tumayo na sila sa pagkakaupo. Naglakad na nga sila para umalis. Tumigil na lamang siya sa paglalakad at may naalala.

**Flashbacks**

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now