. . Panimula . .

5 0 0
                                    

"I recommend this three children. Isa lang silang pabigat dito." Binitawang mga salita ni Sister Rose. Kausap niya ang tatlong matatandang lalaking nakasuot ng pormal na kasuotan. Tuxedo at sunglasses ang attire nila. Lahat sila walang ekspresyon ang mukha.

"Halos araw-araw natakas ang mga yan dito sa bahay ampunan. Nasasangkot sa kung ano-anong gulo. We would be pleased to give you all of them. They are the worst behaved" banggit uli ni Sister Rose.

Tumingin ako sa tatlong batang katabi ko. Mga batang kasabay kong lumaki. Kambal na lalaki at isang lalaking malambot ang puso.

Lahat kami ay may mga pasa sa katawan at namamaga ang mga kamay mula sa pagkakapalo ng patpat. Ulila kami kaya madali lang nila nagagawa ang pangmamaltrato kase walang magulang na sasagot samin.

Ngayon lahat kami nalagot. Ilang beses na nangyari 'to pero ngayon lang dumating sa punto na ililiban kami dito sa bahay ampunan.

'They're really giving us away? To this shady guys? Wala na bang natitirang katalinuhan at moralidad sa kokote niya para gawin ito ng basta basta??' Isip ko nalang.

Wala akong magawa kundi kimkimin ang sama ng loob. Ramdam ko ang takot at kaba ng tatlo. Maski ako takot ko rin. Takot ako kung anong gagawin nila samin. Ipakakatay... Ibebenta... Lahat ng masamang konklusyon naisip ko na.

Inaamin ko na tama ang sinabi niya, napapaaway kami sa kalye at tumatakas dito sa bahay ampunan.

We did all that so we can eat. Ang bahay ampunan ay pinatakbo ng mga kurakot na inaalila ang mga batang napupunta rito. Kami lang ang may lakas ng loob na lumaban at maghanap ng paraan para mabuhay kami at ang ibang bata sa bahay na'to.

"We'll take them" banggit ng isa sa mga lalaking naka-tuxedo. Nanlamig bigla ang hangin sa loob nitong opisina. Lalo kaming nangamba. Sabay sabay na lumingon samin ang tatlong mga lalaki.

Nabaling ang tingin ng lahat ng magbukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking naka black button up shirt and slocks with formal black shoes, hula ko nasa early 30's lang ito. May kasama itong dalwang babae. May suot silang smart watches at welcoming na ngiti. Kasing edad lang namin sila.

Lumapit ang isa sa kanila. Brunette. Naka combat boots ito, off shoulder black shirt, ripped jeans at combat boots. Ngumiti ito sakin at nagpakilala.

"Hi, I'm Eli. You guys will be with us from now on" Masaya niyang batid. Tinitigan ko lang ito ng matagalan.

Lumapit ang isa pang babae at hinawakan ang isang balikat ni Eli. Nagkatitigan kami pagkatapos niyang ilibot ang mata sa tatlong katabi ko. Naka formal black dress siya with matching black high heeled sandals. Halata sa dalwang 'to na mayaman sila.

Nginitian niya kaming apat na magkakatabi sabay sabing "Hi, Ako si Aisly. Pasensiya na kay Eli. Totoo ang sinabi niya, mula ngayon samin na kayo sasama."

"Hero" Banggit ni Eli. Sabay namang lumapit samin ang isa sa mga lalaking naka tuxedo. "Grab their things and bring us all to the car" banggit naman ni Aisly. Tumango si Hero at nagsimula kaming maglakad papalabas ng opisina dito sa bahay ampunan.

"Thea, Xam, Tony, Zier. Inaasahan namin ang kooperasyon niyong apat. Don't ask any questions, Don't talk unless talked to, and Listen to every word I say... Am I uderstood?" Sabi ng lalaking naka button-up shirt.

Straight Through The BarrelWhere stories live. Discover now