13 | The Girl Named Kiara

Start from the beginning
                                    

"Ayos lang," I gently answered.

Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko siyang bumulong. My forehead quickly furrowed. Nakayuko pa rin siya na tila nahihiya.

"May sinabi ka ba, Miss?"

Dahil sa tanong ko, nag-angat siya ng tingin sa akin. Another awkward smile formed upon her lips. "Wala naman. I was ashamed to bumped into someone as handsome as you," she said.

Nagulat ako sa sinabi niya. Kaagad na nagsitayuan ang balahibo ko sa braso. At napangiwi sa kaloob-looban ko. This is not my first time to receive a compliment from a girl, but it doesn't compliment from what I feel.

This time, ako naman ang napangiti ng pilit. Habang sina Lupus at Hecate naman ay parang mga baliw sa tabi ko. Oh, please. Hindi ako kikiligin diyan, mga misis. Baka kung lalaki pa ang nagsabi sa akin niyan, hihimlay kaagad ako.

"T-thanks," utal ko pang sagot.

Ang akala ko ay aalis na siya, pero napatingin ako sa kamay niya nang ilahad niya ito. "My name's Kiara. Taga diyan lang sa engineering department," she introduced herself.

Did I ask her name?

I simply averted my eyes for a second. And look at her again. I don't want to be rude, therefore, I accepted her hand. We both shake it twice before letting go. A silent sigh escape from my lips when I realized she's still standing there, staring at my eyes. Mukhang hindi siya aalis nang hindi nakukuha ang pangalan ko.

"Caelestis."

Hecate, Lupus and I are peacefully eating our lunch together. Medyo hindi gaano karaming mga estudyante ngayon na kumakain dito sa cafeteria. Dahil may pa catering daw ang mga coaches para sa mga athletes.

Ewan ko kung bakit nandito itong si Lupus sumasama sa amin kumain ng lunch. Dahil athlete rin naman ang isang 'to. Naglalaro kasi siya ng soccer. Si Hecate naman ay sasali ata siya sa spoken poetry competition.

Me, on the other hand, dislike sports ever since. Mahina talaga ako sa mga ganiyan. Well, I do write poems, but instead of sharing it to others, I'd rather keep it to myself. Tungkol sa personal kong buhay kasi 'yon lahat.

"Teka, may alam na ba kayo kung sino magiging representative ng department natin para sa Mr. and Ms. Acquaintance?" Napatanong ako bigla sa kanilang dalawa nang maalala kong magkakaroon kami ng ganiyang patimpalak.

"Ang napili sa babae is 'yong pageant queen na taga Section 1-D. At sa lalaki naman ay si Rory." Nagulat ako sa sinagot niya. "I know, right? Sure, Rory has the beauty, but girl, I don't know what I can say with his personality," kapansin-pansin naman sa boses niya na hindi niya gusto si Rory.

"Well, you're right," I agreed. "Pero kasi kahit na ganiyan siya, alam kong mabait siyang tao. We cannot judge the book by its cover," I added.

After they heard what I said, their stares became deep. Hindi ko na lamang sila pinansin pa't nagpatuloy sa pagkain. But my attention to the foods drifted away when Rory entered the cafeteria. Mabilis na nagsikunutan ang aking noo nang makilala kung sino ang kasama niya.

Rory was wearing his usual expression upon his face. Habang si Kiara naman ay nakahawak sa mga braso ni Rory. Sa hindi malamang dahilan, kumirot bigla ang puso ko. What the freak? I absentmindedly rolled my eyes when I saw how big her smile was.

Pagkapasok na pagkapasok nila ay lahat ng atensyon ay napunta sa kanila. The students were gossiping. It's been five days since the school year started, and that short amount of time, Ry raked countless students who admired him.

Sa pagkakaalam ko, may fans club na kaagad siya. This girl Kiara seem popular as well. Dahil talagang ikinagulat ng iba na makita silang magkasama. Umiwas ako ng tingin nang makita kong kumaway sa amin si Kiara. Habang si Ry naman ay tinapunan kami ng malamig niyang mga titig.

Hindi ko nagustuhan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko rin ito naiintindihan. Ang puso ko ay kanina pa nagrarambulan. Ramdam na ramdam ko ang kirot ng mga karayom na tila tinutusok ito. At pagkatapos ay tila piniga ito upang hindi ako makahinga.

Dali-dali kong niligpit ang lunch box ko't uminom ng tubig. Tumayo ako dahilan para makuha ko ang atensyon nina Lupus at Hecate. I just had the feeling that my tears will fall upon my eyes for unknown reason.

"Where are you going, Kai?" sigaw ni Hecate nang tinalikuran ko sila.

I didn't responded. Tuloy-tuloy lang ang aking paglalakad papalabas ng cafeteria. I gritted my teeth and balled my palm. Iniyuko ko ang aking ulo nang dumaan ako sa kanilang likuran.

"Kai."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Ry, tinatawag ako. Lumingon ako. Kaagad kong pinagsisihan ito nang makita kong hinalikan ni Kiara si Ry sa pisngi.

A kiss that made my heart ache.

Fangs of a Half-BloodWhere stories live. Discover now