NWEBE ✝

42 18 14
                                    

NWEBE

“Remember My Name?”

“Remember My Name?”

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

NAPUNO ng katahimikan ang buong sulok ng sala. Ang ilan sa kanila ay wala pa ring tigil sa pag-iyak. Hindi nila lubos maisip at matanggap ang sinapit ng kaibigan nilang si Jex. Hindi sila kailanman naging handa sa pangyayaring iyon. Hindi kailanman. Tumatangos pa rin hanggang sa ngayon si Mazy dahil kahit papaano ay naging malapit rin siya kay Jex. Nabigla rin siya ng makita ang wala ng buhay niyang kaibigan. Siya mismo ang unang nakasaksi sa bangkay ni Jex.

FLASHBACK EARLIER

“Guys balik muna ako sa bahay,” gagad ni Mazy sa mga kasama niya kaya napatingin ang mga ito sa kaniya.

“Bakit may problema ba Mazy?” tanong naman sa kaniya ni Sky.

“Bigla lang kasing sumakit ang tiyan ko.”

“Pasasamahan na kita kay Maria bumalik ng bahay,” usal ulit ni Sky dito.

“Huwag na, kaya ko naman. Tsaka kabisado ko na ang daan pabalik ng bahay.”

“Are you sure?” paninigurado pa ni Sky.

Mazy just nodded unto him, replying to what Sky had asked her.

Kaagad rin siyang bumalik ng bahay dahil kanina pa talaga niya nararamdaman ang pananakit ng kaniyang tiyan. Madali naman niya itong narrating dahil hindi pa gaanong malayo ang napuntahan nila sa gubat. Sumalubong sa kaniya ang madilim na atmospera ng bahay. Nakakatakot mang tingnan, nasanay na rin sila doon sa halos ilang lingo ng kanilang pananatili. Pumasok na siya at kaagad na tinungo ang banyo nilang mga babae. Ilang sandali, lumabas na siyang muli. Tumungo muna siya sa kusina dahil bigla siyang nakaramdam ng uhaw.  Matapos, babalik na sana siya sa mga kaibigan niya ng makarinig siya ng kakaibang tinig sa may likod bahay. Nag-iisa man, sinubukan niya itong tingnan upang malaman kung ano iyon. Masiyadong madilim ang daan putngo sa may likod bahay at hindi niya makapa ang switch ng ilaw kaya napapahawak na lamang siya sa pader.

Nakapukos lamang ang kaniyang mga mata sa daan nang bigla siyang matigil sa paglalakad ng may masagi ang kaniyang paa. Dahil sa gulat, napaigtad siya papalayo roon at malakas na napasigaw sa gulat. Sinubukan niya muling ilapit ang kaniyang paa at naramdaman niyang parang tao iyon. Dahil doon, nagmamadali niyang hinanap ang switch at pinailaw ang mga ilang ilaw. Sa pagkakataong dumapo ang kaniyang tingin sa kaniyang nasaging bagay kanina, sunod-sunod na bumuhos ang kaniyang mga luha. Napaupo na lang siya sa sahig dahil sa kawalan ng lakas. Natakpan niya ang kaniyang bibig nang makita ang sinapit ng kaibigan niyang si Jex na kanina pa nila hinahanap. Hindi niya inaasahang makikita niya si Jex. . .sa ganitong sitwasiyon. Wala na itong buhay. Patay na ang kaibigan niya. . .ang kaibigan nila. Patay na si Jex!

Love, Antonette (Completed√)[Soon To Be Publish]Where stories live. Discover now