UNO ✝

128 38 24
                                    

UNO

“Maligayang Pagdating”

“Maligayang Pagdating”

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

PRESENT TIME

“READY na ba kayong lahat? Aalis na tayo,” bulalas sa kanila ni Sky. Ang kanilang Class President. Balak nilang magbakasiyon ngayon. Kakatapos lang ng kanilang graduation nitong nakaraang araw at ngayon nila naisipang umalis. Matagal na nila itong napagplanuhang gawin, naudlot lang ng dahil sa maraming activities na ginawa nila. At ngayong tapos na ang graduation nila, free na silang lahat. Magagawa na nila ang mga gusto nilang gawin. Makakapag-bakasiyon na rin sila.

“Saglit lang, wala pa si Anna,” sagot sa kaniya ni Levi. Nakahanda na silang lahat, naisakay na nila ang bawat dala nilang mga gamit. Tanging si Anna na lamang ang kanilang hinihintay—isa sa mga kaklase nila. Ang tahimik at hindi palakibo nilang kasama. Madalang lamang ito kung makitungo sa lahat, madalas ay nasa isang sulok lamang ito at palaging bitbit ang isang libro na makailang ulit na niyang nabasa.

“Nasaan ba kasi siya? Pwede naman natin siyang iwan e,” sabat sa kanila ni Mazy. Halata ang pagkairita sa kaniyang mukha. Ayaw niya kasi ang naghihintay, lalo na ‘pag siya ang pinapahintay.

“Nag CR lang daw,” malimit namang tugon ni Sammy—ang kanilang class Vice-President.

“Ayan na pala si Anna o,” Lahat sila ay napalingon ng magsalita si Justin. Kita nila ang paparating na si Anna.

Nahimasmasan silang lahat, nawala ang inis sa kanilang mga mukha nang makita ang paparating na si Anna. Kagaya ng dati, lagi lamang nasa baba ang mga tingin nito. Hindi siya masiyadong nakikipag eye to eye contact sa mga kaklase niya. Marahil ay dahil na rin sa personalidad na meron siya, kaya sanay na rin ang lahat sa kaniya.

“Sa‘n ka ba kasi galing? Ba‘t ang tagal mo?!” mababakas ang inis sa boses ni Mazy. Halatang kanina pa sila naghihintay.

“Nag CR lang ako saglit. Pasensiya na kayo,” aniya sa mga kaklase niya. Mahina ang boses nito.

“Sige na. Tama na ‘yan. Pumasok na kayo at tayo‘y aalis na. Malayo pang biyahe natin,” bulalas sa kanila ng kanila ni Sky.  Wala na silang nagawa pa kung hindi ang pumasok na sa loob ng sasakyan. Isang van lang ang ginamit nila dahil nasa sampu lamang silang lahat. Hindi sila gaanong karami sa kanilang seksiyon kaya sapat lang ang van na sinasakyan nila ngayon.

Nang makapasok na silang lahat, inahanda na nila ang mga sarili nila sa kanilang byahe. Kaniya-kaniya silang pwesto.

“Okay na ba ang lahat? Wala na bang naiwan? Ang mga gamit ninyo?” naging tanong sa kanila ni Jex, ang kanilang magiging driver at siyang may-ari ng ginamit nilang sasakyan ngayon.

Love, Antonette (Completed√)[Soon To Be Publish]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang