sa gilid nakasandal si ken dahil na kay gab lang ang paningin niya,si gab naman ay nakasandal din habang hawak hawak pa ang noo at nakayuko.

sumakay na kami ni fela sa elevator,alam kong hindi nila alam na kami yon dahil pareho naman silang walang pakialam,tiningnan ko si fela,panay din ang pagdaldal niya kay fiel habang nakatungo ang ulo niya sa balikat ko kaya alam kong hindi padin niya nakikita ang mama at papa niya.

tsk!sabi ko wag kang yumuko,lalo kang mahihilo e.

hays,i'm nahihilo kahit what ang gawin ko.

tsk!kasalanan mo yan,sino bang nagsabi sayong uminom ka?

i'm may problem,sobrang dami.

kung hindi ka naglasing baka nakapag usap na tayo kagabi.

nakatitig lang ako sakanilang dalawa,hays magkasama ba sila kagabi?paano nangyari yon e kaming dalawa ni gab ang nag inom?kaso hindi ko na talaga maalala kung paano kami nakatulog dahil jusko,lasing na lasing talaga ako,tsk!

i'm so dizzy!

naramdaman ko ang pagkataranta ni fela nang isigaw yon ni gab,lumingon siya sa paligid,at nang makita niya si gab ay nanlaki ang mga mata niya.

mama?!

nag angat si gab ng paningin at kita ko ang sunod sunod na paglunok niya nang makita niyang nakatingin ako sakanya.

love?

mama?!

lumapit si gab samin ni fela dahil nakabuka ang mga braso ni fela na hinihintay siya,agad niyang kinarga si fela ay niyakap ito.

mama,where ka po galing?i missed you so much po.

i missed you more love,sorry wala ako sa tabi mo when you woke up ha?

its okay lang po mama,hug niyo lang po ako ah?

yes love.

panay ang halik ni fela sa pisnge ni gab habang nakayakap pa siya sa batok ng mama niya,itinungo niya ang ulo niya sa balikat ni gab pero nag angat ulit siya ng paningin nang makita niya si ken.

hello po!

kitang kita ko naman ang ekspresyon ni ken,parang halong saya at lungkot ang nakikita ko sakanya.

hi fela.

mmm,how are you po?

i'm good,how about you?

mmm,i'm good too po,kasi my mama is here na po.

napalunok ako ng ilang ulit dahil tinaas ni fela ang kamay niya sa harapan ni ken na agad naman hinawakan ni ken kaya magkatabi na sila,hinaplos pa ni fela ang pisnge ni ken tapos ay ngumiti siya ng malaki dito.

grabe,lukso ng dugo ang nararamdaman ni fela kay ken,kitang kita kong gustong gusto niya ang papa niya.

nang makarating kami sa ground floor ay nauna nang lumabas si gab at fela,nakatungo lang ang ulo ni fela sa balikat ni gab pero pinatong niya ang baba niya doon at tiningnan ako.

tata?

nilahad niya ang kamay niya sakin kaya hinawakan ko yon at hinalikan na ikinangiti niya ng malaki.

paglabas namin ay nandoon lahat ng pamilya ni ken at lahat sila ay palitan ang pagtitig kay ken at gab kaya nagtaka ako.

mommy?!daddy?!lola!lolo!

apo?halika na kumain na kayo ni mama at tata queenie.

naupo na ako,akala ko ay pupwesto si gab sa tabi ko pero sa tabi ni josh siya pumwesto,hays lumalayo sakin dahil alam niyang tatanungin ko siya,tsk!

Unang BesesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant