napatayo ako ng sabihin yon ni dad,nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi niya habang nakatitig sakin.

o bakit bigla kang tumayo?

n-nasa baba si gab?

yes.

w-why?

hinatid niya dito ang apo ko dahil ayaw magpaiwan sa condo nila,sabi ko ay sabay na kayo kaya naghihintay siya,kaso sasabihin ko nalang na hindi ka papa-----

no dad,maliligo na ako,pakisabi mabilis lang ako.

hahahaha,akala ko ba simula ngayon ay iiwasan mo na siya?

hays,may sinabi ba ako?

meron,kakasabi mo nga lang e.

tsk!just forget about that dad.

hahahaha,osige anak,bilisan mo lang at nakakahiya kay gab.

yes,mabilis lang ako dad.

nataranta ako at agad na naligo,limang minuto lang ata akong naligo para lang hindi na ako magtagal,tapos ay pumunta ako sa walk in closet at mabilis na nagbihis.

basang basa pa ang buhok ko pero hinayaan ko nalang at sinuklay ko nalang yon gamit ang mga daliri ko tapos ay mabilis akong lumabas ng kwarto ko,patakbo akong naglakad sa hagdan,napalunok naman ako dahil lahat pala sila ay nasa living room at nakatingin sakin,nagtama ang paningin namin ni gab pero mabilis din siyang umiwas kaya napabuntong hininga ako.

nang makababa ako ay tumayo lang ako sa tabi habang nakatitig lang ako sakanya.

mama?!

umawang ang bibig ko nang marinig ko yon,tumakbo ang isang batang babae palapit kay gab at agad na yumakap ng mahigpit sakanya,tiningnan ko ang mukha ni gab,nakangiti siya habang nakayakap din sa bata.

where galing ang love ni mama?

nagplay po kami ni yaya denise,kuro and geli sa garden nila mommy and daddy mama.

your likod is basa ata ng sweat love,hays.

no po mama.

panay ang haplos ng bata sa pisnge ni gab habang tinititigan pa ito,si gab naman ay kinakapa ang likod ng bata,tapos ay niyakap nadin ito.

ang ganda po ng mama ko,kiss po mama.

nagkiss sila sa lips mag ina,hindi ko alam pero nakakuyom ang mga kamao ko ngayon at yung dibdib ko parang tinatambol sa lakas ng kabog,f*ck!hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko habang tinititigan silang dalawa,parang may masaya sa dibdib ko na parang malungkot,tsk!ano ba 'to?nakakairita!

ken anak?hindi ka ba kakain muna?

n-no na mom.

okay,sa van na kayo sumakay ni gab pareho papasok.

tumayo si gab at kinarga ang bata habang panay lang ang halik at amoy niya sa pisnge nito,naglakad ako palapit sakanila,nakayakap ang bata ng mahigpit sa batok ni gab at panay pa ang haplos sa buhok niya ang maliliit na mga kamay nito kaya nakita ko na suot niya ang bracelet na sakin galing.

hindi ko maialis ang paningin ko sakanilang dalawa,ang ganda ganda nila tingnan.

aalis na si mama love,later nalang ulit ha?

i'm sad po mama.

hays,don't be sad love,mabilis lang uuwi si mama,friday ngayon that's why i'm halfday lang.

Unang BesesWhere stories live. Discover now