Kasalukuyan akong nakasalampak sa bato habang si Caleb ay nakatayo at nakatalikod sa akin. Katulad ko ay basang-basa rin siya ng tubig, dahilan kung bakit bumakat ang kasuotan niya sa kanyang matikas na pangangatawan.

He's there, on his broad back, with his hands on his hips. Hindi siya humaharap sa akin habang iritado siyang nagpapaulan ng mura kay Howl.

"Caleb. . ."

This is the first time he showed me his frustration. This is the first time that his anger is not just for someone else, but for me. Kanina pa lang sa ilalim ng tubig ay ramdam ko ang galit niya sa akin. And the way he made me feel the intensity of his fangs on my skin.

Nakapakuyom ang aking mga kamay na nakapatong sa mga hita ko. Huminga ako nang malalim at kumuha ako ng lakas ng loob muling tawagin ang pangalan niya.

I am aware that it's not good to make a happy man mad. Hindi magandang ginagalit ang mga nilalang na laging masaya at nakangiti, at isa na si Caleb sa patunay niyon.

"Caleb. . ."

When he turned his attention on me, one of his hands automatically brushed up his wet silver grayish hair, still with his other hand on his hips, his brows were creased, and his eyes were still glowing red.

I could even see his fangs. He's heavily breathing with those broad chests visible on his wet clothes and even the smallest drop of water gliding down from his right brow to his jaw until it reached his chin.

The droplets of water from Caleb's different part of his body are one of the most dangerous sights a female creature could ever witness.

Napalunok ako nang ilang beses habang nakatingala sa kanya.

I should be afraid and feel sorry at the same time, but I could feel the heat all over my body. Na hindi ako tatanggi kung nanaisin niyang markahan ako ng kanyang mga pangil sa kahit saang parte ng aking katawan.

"What?!"

I blinked. Iritadong-iritado siya sa akin na halos wala na akong salitang maaaring isagot sa kanya.

Sa halip na sagutin siya at salubungin ang kanyang mga mata, ako na mismo ang unang nag-iwas sa kanya. Hindi ko yata kaya pang tingalain si Caleb habang ganoon ang hitsura niya sa harapan ko.

He could punish me. I am now asking for his forgiveness. Ihahain ko na lahat –lahat kung hindi niya ako mapapatawad. Alam kong tinakot ko siya sa sitwasyong iyon, and I made him worry. Gusto ko siyang sagutin ngunit pinili ko na lang itikom ang bibig ko dahil ayokong ipahiya ang sarili ko.

He's mad and here I am, preparing myself to be his meal.

This vampire prince is so sinfully, dangerously and insanely handsome.

Siguro dahil lagi ko siyang nakikitang nakangiti, tumatwa o kaya'y ngumingisi, na hindi na ako pamilyar kapag nakita ko siyang ganito sa akin. Na nanaisin ko na lang tumingala sa kanya at magpakagat.

"Anna," mas malamig na tawag niya sa pangalan ko.

It's good that he's annoyed and not reading my mind.

"Anna," ulit niya na may higit na diin.

Mas nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ako makapagsalita at nanatili kaming walang kibo sa isa't isa nang halos isang minuto. Hinayaan lamang namin ang panay na hampas ng alon na parang naroon kami sa gitna ng karagatan.

Saglit kong iginalaw ang ulo ko nang maramdaman kong kumilos siya. He made his few small steps toward me, and then he immediately stopped.

"You could have died. . ." he said in almost whisper.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora