Chapter 22

1.9K 13 1
                                    

Chapter 22

Chasing Her.

Nagising na lang ako nang may sakit sa ulo, tinitigan ko ang paligid. "Trench house parin pala." Aniya ko, tumayo ako at saka tumingin sa labas ng bintana, preskong hangin ng tagaytay, dinampot ko ang cellphone ko upang titigan ang mga nag mensahe.

"Halos wala..." Nasasabi ko sa isip, ganito na ba talaga ka boring pag wala si Crizza? binuksan ko ang message ni mama saakin at saka iyon nireplyan.

To: Mommy

Hindi muna po ako makakauwi ngayon, I'm busy.

Ayan ang na text ko sakanya kahit hindi naman talaga ako busy at andito lang ako sa tagaytay, wala naman na akong balak pang mag stay dito. Aalis rin ako mamaya after lunch. Nag suot ako nang pang itaas at lumabas ng kuwarto, napansin ko rin na nawala na ang mga nabasag kong baso kagabi.

Kagabi...

Nanlaki ang mata ko sa naalala, is Crizza here that night. Bumaba ako habang tinatawag ang pangalan ng yaya namin rito sa trench house, the girl came out. Tinitigan ko siya at saka nilapitan. "Uhh yaya, is there someone came last night? When you know.. I was drinking." Aniya ko, tinitigan niya lang ako.

"W-Wala naman p-po sir.." Aniya nito kaya ngumiti nalang ako at saka nag iwas ng tingin, ang ganda naman ng panaginip ko parang makatotohanan pero masakit, naiiling akong umakyat muli sa kuwarto, inupo ko ang sarili at saka binuksan ang cellphone, siguro kailangan ko nang mag move on.

Move on? 3 days... three days pa lang ang nakakalipas nang hindi kami mag usap, ginagago ko ba ang sarili ko at ineexpect kong makakalimutan ko siya? Ineexpect ko na lahat nang movie marathon, cinema at ang mga time na magkasama kami ay makakalimutan ko agad. Hanep ka naman ata Range, inuuso mo na ka bobohan mo ngayon, really?

Mapait akong tumawa sa naisip, hindi ko nga naman mapipilit ang sarili kong kalimutan siya, agad agad? imposibleng-imposible. Humiga ako muli sa kama at saka tinitigan ang picture.

"I'm afraid that looking in our good old pictures of memories is my new routine, first pain routine." Aniya ko bago isarado 'yon.

Lately, my life is being boring without her around, hearing her voice is what I missing, pulling her to walk in the table so we could eat together, see her cooking, washing the dishes is the better version that I'm now addicted.

Hindi na ako lasing at masasabi kong hindi ako nasasaktan dahil nawala si Hannah, nasasaktan ako dahil nawala si Crizza, si Crizza na halos maging mundo ko nang siya ng maging shadow nang pagkukunwaring pagbabago ni Hannah. I was too blind to realize, masisi ba'ko? tao ako nasasaktan, nabibigla.

Maaring gago ako, pero gusto kong sabihin na sana hindi ako nagkamaling minamahal ko siya.

-----------------

Agad akong sumakay sa kotse ko nang paalis naako, tinitigan ko ang sarili ko na maayos nanaman ang itsura na parang walang nangyari kagabi, natatawa ako sa naisip. Pinaandar ko na ang makina at nangingiting pinaandar 'yon.

Alam niyo ba kung saan ako pupunta? Sa mall, bumili nang mga gamit ng baby namin ni Crizza para naman may ambag akong bilang tatay ng anak namin, sana lalaki pero kung babae okay naman din baby ko 'yon e' ako bumuo non.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag ring 'yon, dinampot nang kanang kamay ko at saka sinagot. "Hello?" Aniya ko.

"Hello Range, hindi ba kayo pupunta ni Hannah ngayon sa signing stage ng charity?" Tanong ni Sam, bestfriend ko.

"Hindi sam, hiwalay na kami. Anyways 'wag mo muna ipagkakalat." Sabi ko, hindi siya nag salita.

Matagal siya bago sumagot. "Hindi nga Rangello Paul Finx! Break na kayo!??" Nailayo ko talaga ang cellphone nang mag salita siya, kahit kailan itong babaeng 'to ang lakas nang boses,

"Yep, I think you should shut your mouth now."

"Eh, bakit parang okay lang sa'yo? Hindi kaba nasaktan? May bago ba siya?" Sunod-sunod na tanong niya saakin, ayokong sagutin dahil desisyon niya na iyon na sumama kay Will after all I'm down with their issues already, I'm done being nice.

"May iba kami parehas, but her the same person she has before." Sagot ko, narinig ko ang hinga niyang malalim.

"May iba ka!? Hindi nga!!? Range sa buong talang buhay mo hindi ka nagkaroon ng third time." Aniya nito, natawa ako sa nasabi niya kung alam mo lang na hindi third time si Crizza e' baka maluwa ka sa gulat.

"I'm done to Hannah, she deserves life that means everything to her, what's the point stay, William is the guy she asked for, I don't believe the marriage will change her." Aniya ko, natawa siya sa sinabi ko, siya lang naman ang nag hula na hindi raw magandang asawa si Hannah at base sa itsura at galaw may tinatagong baho.

"Saan ka ngayon, mag coffee date naman tayo, ikwento mo naman sakin kung sino bago mo." Aniya nito saakin, basta chismis si Samantha Akira Joy ang lapitan niyo halos hindi nauubusan nang ikukuwento ang babaeng 'yan, ni hindi mo nga mamamalayan na alam niya na detalye nang sinasabi niya.

"Yeah sure, four pm at makati, I'll go shopping muna." Pag seset ko nang oras at saka siya nag agree.

"Sige, sana naman maayos yan Range." Aniya nito kaya tumawa ako bago i-end ang call, I'm trying to look fine as I could pero ang totoo I'm just gaining my own confidence so that I could show myself to Crizza, kahit nasasaktan ko, kailangan kong maging maayos.

I should've create another batch of efforts to get her, parang nag back to zero ako. Bumili ako nang iba't-ibang laruan, duyan na para sa baby, and I assure that the things I bought are for both gender so all of them could use by our baby.

Nangingiti akong bitbit ang mga pinamili ko, in the sort of myself ay kumain narin ako, sana manlang ay magparamdam na si Crizza, am I being gay to her? okay lang atleast I put effort at hindi ako lumalandi habang wala siya, habang kumakain ay nakangiti akong tinititigan ang mga pinamili ko.

Excited na ako.

Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa naalala, paano kung totoo pala ang panaginip ko? That our baby died? Para akong nakalunok na bato sa naalala habang tinitignan ang mga pinamili ko. That means... masasayang lahat nang 'to?

Umiwas ako nang tingin at saka hindi na nag isip nang kung ano pamang negative vibes, we all know that hindi naman nagkakatotoo ang panaginip

Secret Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now