CHAPTER 37

59 3 0
                                    

[ A/N: Pasensya na po pero ifa-fast forward ko ang mga mangyayari a. :D Sorry.♥ ]

DECEMBER 24

        Christmas Eve na mamaya pero hindi ko damang pasko na. Para ngang Araw ng mga patay ang nafi-feel ko ngayon. May kulang... May kulang sa pagkatao ko... Ni Jester...

"Ma'am, andito na po tayo?" binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan.

       Nasa tapat ako ng bahay ni Lola para magpaalam. Pupunta siya ng States to celebrate the Christmas Eve with Lolo. And guess what? Hindi lang ako ang nandito. I'm with Rykel, Yaya Tess at tatlong Bodyguards. -_____- Akala mo ISA akong kriminal.

"Hija!" sinalubong ako ni lola at agad ko naman siyang yinakap. "Dadalaw ka kung kailan aalis na ako."

"Sorry lola. Gusto ko lang personal na magsabi ng 'Have a safe trip'" ngumiti ako.

"Ikaw talaga apo." napatingin naman siya sa likod ko. "Ang dami mo naman yatang bantay?"

"Kakaalis ko lang po kasi ng bilangguan." natawa naman si Lola.

"Ikaw talaga oh! Teka..." tiningnan ko naman yung tinitingnan niya. "Is that Rykel?" tumango ako. "I thought... your..."

"Pag-usapan na lang natin doon lola."

"Sige, Apo." palakad na kami ng mapansin ni lola ang pagsunod ng mga kasama ko. "We need to talk... PRIVATELY."

        Tumango naman sila at iniwan na namin. Pumunta kami sa garden ni Lola at doon nagkwentuhan.

"Bakit kasama mo ang lalaking niloko ka noon? Akala ko ba hindi na tuloy ang kasal niyo?"

"Yun din ang alam ko. But it turns out na DAPAT ko siyang pakasalan."

"But why?" litong tanong ni Lola.

"Dad."

"Your Dad? Alam niyang sinaktan ka ng lalaking yun and he still pushing you to that guy?!" ngumiti ako.

"I think this is my destiny, Lola. Sunud-sunuran."

"Anong rason ng Dad mo para gawin yun?"

"Hindi ko rin alam Lola. Di ko maintindihan." tiningnan ko si Lola. "Kilala mo po ba si Lloyd Jester Belle?"

        Napansin kong nanigas si Lola sa kinauupuan niya. Tila bang nangangapa siya ng isasagot sa tanong ko. Nagtataka na talaga ako. Ano bang hindi ko alam.

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon