CHAPTER 23

58 4 0
                                    

[ Angel's P.O.V. ]

        Hindi ko pa rin makalimutan ang kabaliwang nagawa ko kagabi. Paano kasi parang lasinggera ako ang dating ko. Kainis.

        Minulat ko na ang mata ko at bumungad ang natutulog na mukha ni Rykel sa side ko. Napangiti ako ng makita siya pero unti-unti ring kumunot ang noo ko ng biglang pumasok sa isip ko ang ginawa niya noon.

        Naupo ako sa kama at dahan-dahang binababa ang paa ko sa kama.

"Gising ka na pala." he said. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ni hindi ko siya matingnan. "Goodmorning Wifey."

        Napatingin naman ako sa kanya, nakangiti siya sa akin. Tinitigan ko naman siya at doon ko napansin na may namumuong luha sa mga mata niya. Nasasaktan ako. Minahal ko si Rykel. Siya yung naging sandalan ko noon, tsaka hindi ko tatanggapin ang engagement ring niya kung hindi ko siya gustong maging asawa. Pero yung ginawa niya sa akin... yun ang hindi ko matanggap.

"Lasing na lasing ka kagabi, madaling araw ka na rin umuwi. Ayos na ba pakiramdam mo? Gusto mo ba ng milo? Pagtitimpla kita." hinawakan niya pa ang kamay ko at pinagmamasdan ito. Napansin niya yatang nawawala yung singsing.

"Ano bang ginagawa mo dito?" sabay tanggal ng kamay niya sa kamay ko.

"Nandito ako para ituloy ang kasal natin." napatayo naman ako at tiningnan siya ng masama.

"Ang lakas ng loob mo a! Pagkatapos mo kong gaguhin, babalik-balik ka na parang walang nangyari?!"

"Angel... please." tumayo na rin siya at lumapit sa akin pero lumayo akong muli. "Gusto kong humingi ng tawad. Hindi ko ginusto ang nangyari. Hindi ko gustong saktan ka..."

"But, you did! Nasaktan mo na ako! Hindi mo na maalis yun Rykel!" lumabas na ako ng kwarto at padabog na lumabas ng unit.

        Sakto namang lumabas din si Jester na nasa tabi lang ng unit namin. Nagkatinginan kami pero agad din akong umiwas ng tingin at naglakad na.

"Angel!" nang marinig kong sinigaw ni Rykel ang pangalan ko, nagmadali na akong pumasok sa bukas na elevator.

        Hindi pa nga ako nakakapagbihis at nakakapaghilamos e. Kainis. Nagulat naman ako ng bumukas yung pinto ng elevator, nasa harapan nun ang hingal na hingal na si Jester. Napakunot naman ang noo ko ng makita siya. Ano naman kayang kailangan nito?

"Gust---o mo ba... ng service?" napataas naman ang isa kong kilay.

~~

"Wiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!! Bilisan mo pa!!!!!" sigaw ko habang itinataas pa ang dalawa kong kamay.

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon