CHAPTER 15

58 4 0
                                    

"Pwede ba nating ibalik ang nakaraan? Nakaraan nating pagkakaibigan? Hayaan mong makabawi kami sayo." tatanggapin ko ba? Papayag ba ako? Napaisip din ako... Kahit kailan naman hindi ako iniwan ni Sandra noon at parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya noon.

"Para kay Sandra. Pumapayag ako." ngumiti naman siya... at hindi ko maiwasang mapangiti... I missed that smile. Sobrang tagal din bago ko muling nakita yan.

*Click*

"Shit!" biglang napakunot ang noo ko, agad naman siyang lumayo sa akin habang tumatawa.

"You smiled! Tingnan mo oh!" sabay harap sa akin ng cellphone niya. And asdfghjkl!!!!! Nakangiti nga ako doon na parang tanga!

"Burahin mo yan!" lumapit ako sa kanya para agawin yun.

"No!" sabay takbo niya.

"Jester!!!!!" hinabol ko naman siya. Humanda talaga siya sa akin!

"Ang bagal mo namang tumakbo!" sigaw niya sa akin. Huminto naman ako sa pagtakbo kaya huminto rin siya.

"Humanda ka pag naabutan kita!" sigaw ko sa kanya.

"Sige nga!" nang-aasar talaga ang bwiset na 'to ah! Akmang tatakbo na dapat ako nang bigla na lang sumulpot sa paningin ko si Sandra. Yinakap niya si Jester, yumakap din si Jester.

"Oo nga pala, iba na ang sitwasyon ngayon." bulong ko sa sarili.

       Humiwalay siya sila sa pagkakayakap and... Jester kissed Sandra. Napaiwas naman ako ng tingin.

"Angel! Tara na?" tawag ni Sandra habang nakangiti. Tumango naman ako at lumapit sa kanila.

       Agad na yinakap ako ni Sandra nang sobrang higpit. Hindi ko na rin naiwasang tapik-tapikin ang likod niya.

"I missed you. Thank you kanina and... I'm sorry sa lahat ng kasalanan ko." humarap naman siya sa akin. "Bumalik na tayo ulit sa dati ha?" naiiyak niyang tanong. "Friends?" nilahad niya ang kamay niya, tinitigan ko naman ang kamay niya.

       Ngumiti ako, pero imbis na makipagshakehands sa kanya, hinila ko ang ilang hibla ng buhok niya. Natawa naman siya at muli akong niyakap. Niyakap ko na rin siya at kahit na may sama ako ng loob sa kanya, hindi pa rin maalis sa isipan ko na KAIBIGAN ko siya.

*click*

      Napatingin ako sa nagkukuha ng litrato na nakangiti habang nakatingin sa screen nang phone niya at nakatutok pa rin ang cellphone sa amin habang magkayakap kami ni Sandra. Ngayon ko lang napansin na nakangiti pala ako. Napatingin naman siya sa akin at nginitian ako.

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon