CHAPTER 24

62 3 1
                                    

[ Jester's P.O.V. ]

         Hinabol ko si Sandra hanggang sa makarating kami ng parking lot. Hinawakan ko ang braso niya at iniharap siya sa akin.

*PAK!*

         Sinalubong ako ni Sandra ng sampal. And I know... I deserve it.

"Nagkulang ba ako sayo, ha?! Ako ang kasama mo sa loob ng isang taon na wala siya! Ako yung nandiyan para sayo! Ako yun, Jester! Ako! Ako yung nagmamahal sayo ngayon..." nakikita kong tumutulo ang luha niya. Masakit para sa akin na makita siyang umiiyak sa harapan ko ngayon. "...pero bakit mo ko ginaganito? Bakit mo ko sinasaktan ng ganito?"

"Sandra..." hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "...I'm sorry." hinawakan niya ang kamay ko.

"Minahal mo ba talaga ako?" natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko alam pero bigla na lang nagblanko ang aking isipan. Hindi ko alam ang sagot na dapat kong sabihin... "Sapat ng sagot ang pananahimik mo." inalis niya yung kamay ko na nakahawak sa pisngi niya at tinalikuran ako....

[ Angel's P.O.V. ]

        Pagkabalik ko ng condo agad na sinalubong ako ni Rykel ng yakap.

"Nag-alala ako ng sobra sayo. I'm so sorry, Angel. Wag ka na ulit aalis. Kung kailangang ligawan kita ulit, gagawin ko. Just.... please... Give me another chance." wala namang mawawala if I give him another chance, right? And maybe chance na rin 'to para malayo ako kay Jester.

       Marahan akong tumango sa kanya at naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap.

"Thank you." he kissed me on my head.

AFTER 3 MONTHS...

        Nagising ako dahil sa bango ng pagkaing naamoy ko. Pagkadilat ko... there's a breakfast on my bed.

"Good morning, Wifey!" ngiting-ngiting bungad ni Rykel nang makitang gising na ako.

"Good morning." bigla naman siyang nag-pout kaya napakunot ang noo ko. "What?"

"You didn't call me 'HUBBY'!" natawa naman ako.

"Tulad ng sabi ko noon, I will not call you 'HUBBY' hangga't di pa ako nakakasiguradong nagbago ka na nga."

"Ouch..." humawak pa siya sa dibdib niya. "But it's okay. Papatunayan ko namang mahal talaga kita." 

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon