I

1 0 0
                                    

"Javie, Magta-try out ka ba sa basketball?" tanong ko sa kaibigan kong akala mong napunta na naman sa ibang mundo ang diwa.

Kumaway-kaway pa ako sa harapan n'ya, kasi naman nakatingin lang s'ya saakin, pero parang hindi. Alam nyo 'yon?

"JAVIEEEEE!" sigaw ko sakanya, sabay hampas sa braso nito.

"Ano ba Gab?" Aba s'ya pa galit, ang galing.

"Sabi ko, kung magtatry-out ka sa basketball, kase open po ang pa-try out ni coach. Sige na, try-out ka na para naman magkasama na tayo doon." pagpupumilit ko sakanya.

"Sige." sagot nya saakin, sabay iwas ng tingin.

"May problema ka ba, Jav?" kasi naman kanina pa ito parang tulala.

"Wala naman, bakit?" 

"Wala lang, tulala ka kasi, kaya tinatanong kita."

"Wala naman. Pero teka nga Gab, kasali ka sa basketball, tapos may teatro ka pa. Okay ka lang?" tanong nito saakin na para bang nahihibang na ako.

"Oo, bakit may problema ba doon?" takang tanong ko.

"Aba'y nagtanong pa, malamang, hinahabol mo maging deans lister, tapos andami mong ganap sa buhay, officer ka pa, tapos working student ka pa. Humihinga ka pa ba?" natawa naman ako sa sinabi nya.

"Malamang, sino pala kausap mo kung hindi? Time management lang yan Javier, tsaka kung makapagsalita ka ah, akala mo naman. Konti lang pinagkaiba natin uy, tsaka haler, arki student ka, mas mabigat yang ganap mo, although pare-parehas naman mahirap ang course, sadyang forda pukpukan lang ang iyo, lalo na't graduating na tayo. Ay ako lang pala. HAHAHAHA!" pang-aasar ko dito kasi naman, five years ang arki, kaya mas mauuna talaga ako. HAHAHAHA

Sinamaan nya naman ako ng tingin kaya nagmadali akong tumayo at tumakbo, dahil masasakal na naman ako nito ng hindi oras. Pero bago pa 'yon mangyari ay tumunog na ang cellphone ko at rumehistro ang pangalan ng boss ko. Kaya nag-signal nalamang ako sakanya ng wait, at itinuro ang phone.

"Hello boss?" kausap ko sa kabilang linya.

"Hello Gab, pwede ka na ba pumunta dito sa store? Absent kasi ang kapalitan mo e, kaya kung pwede e, pasok ka sana ng maaga."

"Okay lang sir, wala naman akong sched nagyon, mamaya pa namang hapon."

"Sige salamat Gab, bigyan nalang kita bonus."

"Ay okay yan boss. Salamat!" masayang sabi ko bago ko patayin ang tawag. Nagulat naman ako na nakadikit na ang tenga ni Javier sa cellphone ko.

"Napaka chismoso mo." natatawang sabi ko.

"Ano 'yon tol? may ka tawagan ka na? Aw no may chicks!" pang-aasar nito.

"Abnormal ka ba? Ikaw na nga nagsabi na marami akong ganap sa buhay tapos gusto mo pa akong magkaroon ng sisiw? abnormal."

"Anong sisiw? HAHAHAHAHAHA! napaka gago mo talaga! hindi ka talaga magkaka jowa habang buhay."

"Edi kung hindi, tayo nalang." pabirong sabi ko, kaso biglang sumeryoso ang mukha nito.

"Anong sabi mo?" weird nito. nagbibiruan lang e.

"Tanto, napaka seryoso. Biro lang, sipain kita e. Sige na alis na ako. Maghanap ka ng sisiw mo dyan sa tabi-tabi." natatawang sabi ko, may ibinulong pa sya pero hindi ko na narinig at inintidi pa dahil nagmamadali narin akong makapunta sa part-time ko. 

"HOY GAB! TAWAGAN MO AKO MAMAYA KAPAG TAPOS KA NA, MAGPAPASAMA AKO!" pahabol na sigaw nito saakin. 

Hindi ko na sya sinagot at tinaasan nalang ng middle finger ko, biglang pag-oo ko. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

All Rights Reserved, 2022

TINTAXXX_

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FINALLY, WE'RE INLOVEWhere stories live. Discover now