"Hindi na. I'm okay. Hindi pa naman talaga ako gutom." She lied. She's starving. He didn't have breakfast earlier for waking up late.  She's still busy arranging her new place. He was very tired yesterday. Napagod siya nang husto kahapon. Napasarap ang tulog niya sa gabi, french fries at burger lang kinain niya at tanghali nang nagising sa umaga. She's moved to her new condo unit that was provided by Sixto. She is still said to be the seer who has the privilege to receive from Lycan and Paganus' assistance.  She learned that her parents were the only ones who did not want to receive help from them and completely cut their connection with Paganus and Lycan when Beatrix disappeared. May electronic devices na kakailanganin niya sa trabaho ang kasama sa ibinigay ni Sixto. Ang sasakyan at driver ay tinanggihan na niya. Transportation allowance na lang ang hiningi niya para naman hindi na mabawasan ang sasahurin niya. 

"Babalik na lang muna ako sa office. Marami pa akong tatapusin. Excuse me." Tumayo siya at nagmadali nang naglakad palabas ng cafeteria. Diretso niyang tinungo ang ang elevator. Agad niyang pinindot ang buton sa panel, bumukas iyon pero hindi na nagawang pumasok nang marinig ang boses ni Clyde na sumunod pala sa kanya.

"Nagkita na kayo ng kaibigan mo? Kumusta? Maayos ba ang pagkikita niyo, ah, Beatrix?" Ikinuyom ni Beatrix ang kanyang palad. Alam niya ang laman ng mga salita nito. Ipinapamukha sa kanya ang naging balik sa ginawa niya sa relasyon nito at ni Missy. Dahil nga lang ba noon o may mas malalim pang dahilan. Ngayon ay mas kinakabahan siya. Naaalala kaya nito ang mga nangyari? Ang nagawa niya rito. Hindi kaya ang galit nito sa kanya ngayon ay hindi lang dahil sa pagkasira niya sa relasyon nito at ni Missy.

"O sira na rin? Isn't it funny, Beatrix? Nawala rin ang lalaking pinakamamahal mo." Bigla ang pag-init ng kanyang mga mata sa mga sinabi nito pero bago pa man tuluyang bumagsak ang luhang namuo ay muli niyang pinindot ang buton sa panel. Hindi na niya binigyan nang pagkakataon na ipahiya pa ang sarili at bigyan ng satisfaction si Clyde na makitang nasasaktan siya. Nang bumukas muli ang elevator ay agad siyang pumasok. Sa pagpihit niya ay galit na mga mata ni Clyde ang nasalubong ng kanyang paningin. Their gazes locked as the elevator door began to close. His rage was palpable to her. Mariing naipikit ni Beatrix ang mata nang tuluyang magsara ang pinto ng elevator. Ang hiningang pinipigil ay tuluyang pinakawalan.

Paanong nangyaring buhay si Clyde? May parte sa kanyang natutuwa na makitang buhay si Clyde. Posibleng nabago ang insidente dahil sa pagbalik niya sa nakaraan. At isa lang ang ibig sabihin, wala siyang napatay at ikinagagalak niya iyon.

Nagmadali niyang tinungo ang opisina. Ipinatong niya ang bag sa ibabaw ng desk at naupo sa kanyang cubicle. Agad niyang binuhay desktop, clinik ang Google icon at mabilis na itinipa sa search box ang buong pangalan ni Clyde—Clyde Montezalve. Hindi na niya naigalaw ang daliri niya nang bumungad agad ang balita tungkol sa pagkamatay ni Clyde isang taon na ang nakalipas dahil sa kidlat.

"It happened...but how?" usal niya sa sarili. Inabot niya ang mouse at dahan-dahan niyang in-scroll ang web page. Sinubukan niyang mag-search tungkol sa pagkabuhay ni Clyde pero wala. Ang narito lang ay tungkol sa aksidenteng nangyari na hindi naman talaga aksidente dahil siya mismo ang nakapatay kay Clyde. Kinukumpirma sa iba't ibang news outlet na nakita niya na namatay nga si Clyde.

Itinukod niya ang siko sa desk at sinapo ang mukha ng palad. Nararamdaman niya ang panginginig ng kanyang kalamnan sa pinaghalong gutom, takot at pagkalito. Hindi na niya alam ang nangyayari.

Pagsapit ng ala-una ay dumating na ang katrabaho niya mula sa lunch break. Maingay ang mga itong pumasok pero biglang nagsitahimik at natitiyak niyang dahil sa kanya iyon. Siguradong mag-iiba ang pagtingin ng mga ito sa kanya—manloloko at mukhang pera. Sumunod na pumasok ay ang mga dating employee na rito. Ang mas may matataas na posisyon sa kanila. Maiingay rin, nagtatawanan habang kanya-kanyang umupo sa kanya-kanyang cubicle. Ipinagpatuloy na lang niya ang trabaho at ganoon din ang kanyang co-workers. Nasa gitna sila ng tahimik at seryosong pagtatrabaho nang dumating ang finance manager para ianunsyo ang early coffee break.  1:30 palang. May tatlong delivery man ang kasunod na pumasok na may dalang ilang kahon ng pizza at iba pang pagkain.

A Vidente Where stories live. Discover now