Habang naghihintay ako ng sobre ay nilibot ko ng tingin yung mga display. Ito ang unang beses kong makapasok sa isang music school. Nabanggit ko nga na excited ako. Bakit? Because I love music—— hindi dahil magaling akong kumanta kundi dahil na-appreciate ko ang mga kanta. Lalo na ang mga old music. I'm a fan of Old music—- lalo na yung mga kanta tungkol sa pagmamahal sa bansa at sa bayan? Ang weird lang pero —— oo. Old soul ako. Hindi ako pang Ariana Grande, hindi ako pang-BTS —- hindi ako pang Taylor swift—- Pang Celeste Legaspi yata ako. Siguro, iba-iba lang talaga ang gusto ng mga tao. Ang weird pero iyon ako. Mga classical songs, kundiman—— grabe!!!

Masaya sigurong kumanta ng classical songs sa entablado ano? Kaso hindi maganda ang boses ko. Kaya nabura na sa listahan ng mga pangarap ko na maging sikat na mang-aawit— Hanggang sa nagka interest ako sa pagsusulat noong High School ako, hanggng sa nag kolehiyo. I used to write stories—- script—-songs before —- pero tinigil ko kasi wala namang naniniwala na kaya ko tsaka hello, sino ba naman ako at ang hilig ko kumpara sa napakadaming manunulat sa panahon ngayon.

Ang haba ng litanya ko. Pero ang totoo niyan——- malayo sa mga ganap na iyon ang totoong trabaho ko. I'm an Internal Field Auditor sa isang Private Company. Huwarang empleyado na sunod-sunuran sa mga boss. Ay mali—- I'm a former Internal Field Auditor na nga pala dahil nagpasa na ako ng resignation kagabi sa boss ko at until now, walang reply.







Sad.




Iyan ang problemang kagabi ko pa iniisip. Hindi ko naman pinagsisisihan ang pagtatagal ko ng limang taon bilang Auditor dahil iyon ang trabahong nagpapakain at bumubuhay sa akin at sa pamilya ko. Pero umabot na ako sa puntong —- nakakapagod na. Hindi na ako masaya. Kaya nang may mag-offer sa akin ng isang trabahong alam kong bubusog sa kaluluwa ko ——- I grabbed it. Sayang ang chance. Isa lang ang buhay.













"Miss? Miss??" nabalik ako sa wisyo ng magsalita yung receptionist sa harap ko. May inaabot na itong isang sobre sa akin. Nginitian ko ito tsaka ako nagpasalamat. Ipinasok ko sa loob ng sobre ang pera.




Nagmadali na akong naglakad upang bumalik sa Music room kung saan ko iniwan ang pamangkin ko. Baka kasi dumating na ang teacher niya. I'm about to enter sa Music room ng may makasabay akong papasok din doon—- tila nagmamadali ito.









"F*ck!"










"Sh*t!"












Parang nag slowmo yung sobre na hawak ko habang pabagsak sa sahig. Wala sa tao na nakabangga ang isip ko, nasa pera ko. Mabilis kong pinulot ang mga pera. Syempre, pera ang pinakamahalagang bagay sa mundo. Pera—-Pera—-Pera.





Agree?






Isa-isa kong pinulot ang mga pera tsaka ko ibinalik sa sobre.







"Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Tignan mo kung anong ginawa mo sa damit ko?"









Tumingala ako habang pinapasok ko sa bag ko yung sobre ng pera. Mabilis akong umiwas ng tingin ng kakaibang view ang nakita ng mga mata ko. The guy standing in front of me—- he's just wearing a gray jogger pants —— na tila kakatapos lang mag work out. At bakat na bakat pa ang kalembang niya.



Mabilis akong tumayo para makita ang mukha niya. Naka shades ito at may suot pang airpods sa parehong tenga. Ngayon ko lang nakita na natapunan pala ng hawak niyang kape ang gray na t-shirt niya. Kaya ba uminit ang ulo niya dahil mainit din ang kape? OMG







WANDA For YouWhere stories live. Discover now