Chapter 15

377 15 0
                                    

Hanamichi Sakuragi PoV

Nasa train kami ngayon kasama ko si Kumi na natutulog sa balikat ko.

Pinagmasdan ko sya habang natutulog.. Ang ganda nya talaga para siyang si anoo..

Nang maalala ko na naman si Haruko..
Di ko alam bakit gustong gusto ni Haruko si Rukawa. Sobrang yabang naman nun. Magaling si Rukawa mag laro ng basketball kaya siguro magustohan ni Haruko pero noon yun, Hindi na ngayon.

Tatalunin kita rukawa...

Malapit na kami sa Kanagawa kaya ginising ko si Kumi dahil tumutulo na ang laway nya sa balikat ko nyahahaha ang cute nya matulog hehehe

"Uhmmm Kumi?" Niyugyog ko sya para magising

"Ano yun Sakuragi?" Sabi nya sakin habang naka pikit ang mata. malapit na tayo sa shohoku kaya bumangon kana dyan at paki punas naman sa laway mo nababasa na ako eh hehe" Pang aasar ko sa kanya

Dali dali naman syang bumangon at pinunasan agad yung laway nya nyahahaha, masamaan nya ako ng tingin kaya naman ngumiti nalang ako sa kanya baka kasi sumigaw pa ito kapag papatulan ko sya dito, Mabilis kasi tong maasar si Kumi hehehehehe

Nakarating na kami sa shohoku kaya naisipan ko na dumiretso na sa shohoku para bisitahin ang gym at pumayag naman si Kumi para makapag enroll na sya sa shohoku high.

Habang papunta kami sa Shohoku High..

Pumasok kami sa school at narinig ko ang mga studyante na nag bubulongan.

"Diba si Sakuragi yan?" Sabi nung isang lalaki

"Oo nga ang astig nya tignan ngayon at mas lalo syang tumangkad at ang laki din ng katawan nya" Sabi ng mga babae

Nakita ko si kumi na masama ang tingin sa mga babaeng nag chismisan sakin.

"Naka balik na pala sya, nako ang Red Hair Devil sa Shohoku nandito na!" Sabi nung isang lalaki na takot na takot sa akin

Hindi ko naman sila tinakot ah bat sila matatakot sa mukha ko eh ang pogi ko kaya at tsaka di ako devil noh wala naman akong sungay. ( Naiinis na naglalakad dahil sa mga narinig ko)

Dumiretso na kami sa registar office para mag pass ng requirements para sa enrollment. Pagkatapos ma enroll ni Kumi ay niyaya nya ako kumain sa canteen dahil nagutom kami pareho sa biyahe kaya di na ako tumanggi pa.

Habang naglalakad kami papunta sa canteen di mawawala ang bulongan sa akin.

"Grabi ang sikat mo pala dito Sakuragi." Sabi ni Kumi

"Ha? Kaya lang naman ako naging sikat dito dahil sa pagka basagulero ko at tsaka itong buhok ko" Sabi ko kay kumi

"WAHAHAHAHA" tawa nya

"Haaays bahala ka nga jan nagugutom na ako" inis kong sabi sa kanya dahil pinagtawanan na naman ako

Sa Gymnasium.

Nandon lahat sa gym sina Akagi, Kogure, Mitsui, Miyagi, Ayako, Haruko, at Rukaw at ang kaibigan ni Sakuragi na nanonood ng practice dito sa gym.

THE RED HAIR DEVILWhere stories live. Discover now