Chapter 14

325 10 0
                                    

Haruko PoV

Pumunta kami sa bahay pag pasok ko sa bahay nagulat si Kuya. Maliban kay mama at papa. Umakyat muna ako sa kwarto ko para magbihis habang nasa kwarto ako nakikinig ako sa usapan nila, totoo nga seryoso talaga si rukawa sa sinasabi nya.
Namumula ang pisngi ko sa sobrang kilig at kahihiyan baka pagagalitan ako ni mama at papa at ni kuya Takenori.

Pag alis ni rukawa ay pumasok agad ako sa kwarto ko kasi papunta si Kuya sa akin. Pinuntahan nga ako ni kuya dito sa kwarto ko at sinabi nya sakin ang sinabi ni rukawa. Namula naman ako at kinilig at pagkatapos namin mag usap ni kuya ay bumaba na ako para puntahan si mama at papa.

Narrator POV

Isang buwan na din ang nakalipas at natapos na si Hanamichi Sakuragi sa kanyang pagsasanay sa loob ng dalawang buwan.

Si Haruko at Rukawa naman ay in a relationship na. Nagulat ang buong team maging si Mito, Okhusu, Noma,Takamiya at ang dalawang bestfriend ni Haruko.

Samantala sa gymnasium..

Abala sa pag eensayo ang mga players sa paparating na semi finals. Natalo nila ang Meuradai, Takezako at Tsukubu high.

Pero sa tuwing may laban ang shohoku ay nagtataka parin ang ibang team kung bakit wala si sakuragi sa shohoku.

Sa Hiroshima University..

Kasama palagi ni Hanamichi Sakuragi si Coach Daisuke kapag pumupunta ito sa Hiroshima para makipaglaro sa mga players.

Malaki ang pinagbago ni Sakuragi simula nung nag training siya dito sa Hiroshima. Ang kanyang antas sa paglalaro ay hindi pang highschool kundi pang college, natalo nya lahat ng player sa Hiroshima at kahit nahirapan si Sakuragi na matalo ang Ace Player at Ang Captain ng Hiroshima ay natalo na padin ito dahil magaling ang nagturo sa kanya.

Sa gymnasium ng Hiroshima University..

“Sakuragi, Magaling kana talaga!" Sabi ng Captain ng Hiroshima

“Oo nga mas shooter kana kesa sakin hahahaha” Sabi naman ng Shooting Guard ng Hiroshima

“Sakuragi, Galingan mo at sana matupad mo ang pangarap mo na maging isang pinaka magaling player sa Japan at maging numero 1 sa japan ang Team ng Shohoku.” Sabi ni Kumi

“Oo Kumi, Pangako gagalingan ko at aalis na ako mamaya pabalik sa Kanagawa at maraming sa lamat sa inyo" Sabi ni Sakuragi

Lumapit si Coach Daisuke kay Sakuragi para ipaalam na pwede na siyang bumalik sa Shohoku..

“Tara na mag impake na kayo para makaabot kapa sa susunod na laro ng Shohoku” Sabi ni Coach Daisuke

Kumi Edogawa PoV

Nag impake na kami ni Sakuragi papuntang shohoku kasi napagisipan ko na mas mabuti na dun ako mag aral para lagi kong kasama si Hanamichi Sakuragi.

Gusto ko syang supportahan at tsaka ano....napalapit na din kami sa isa't isa at may nararamdaman nadin ako kay sakuragi. kaya naisipan ko sumama sa kanya at dun nalang mag aral, 2nd year High School na ako pareho lang kami ni Sakuragi.

“Anak kumi mag iingat kayo dun at mag-aral kayo ng mabuti” Ngiting sabi ni papa sakin. “At tsaka may na rentahan na din akong bahay dun malapit sa school ng Shohoku.” Sabi ni Papa sakin

“Ahh coach, Ako na po bahala kay Kumi ihahatid ko sya palagi." Sabi ni sakuragi kay papa sabay tingin nya sakin

Namula ang pisngi ko nung tumingin sya sakin..Omgggg ang pogi talaga ng gunggong nato kapag seryoso ang mukha napaka lakas ng dating kaya nahulog ako sa kanye eh hehehe kilig ko sabi sa isipan ko.

“Sige mag ingat kayo dun Kumi at Sakuragi, Wag mo pabayaan ang anak ko ha kundi mananagot ka sakin” Pagbantang sabi ni papa kay sakuragi sabay tapik sa balik nito

Pumunta na kami sa Shohoku...

Ryota Miyagi POV

Abala kami sa pagpapraktis dahil makakalaban na namin bukas ang shoyo para makapasok kami sa Finals.

“Sa wakas pasok na tayo sa Final 8, Makakalaban na natin bukas ang Shoyo” Sabi ni Ayako

“Ahh Oo ayako akong bahala kay Fujima hehehehe” Sabi ko kay Ayako na kinilig

“Sus ako na bahala sa shoyo na yan papaulanan ko sila ng tres hahahaha" Pagmamayabang ni Mitsui

“Ang yabang talaga ng isang to pareho lang sila ni Rukawa at Hanamichi, pero sabagay may ipagmamayabang naman maliban kay Hanamichi na puro kagunggongan lang ang alam” Sabi ko sa isipan ko. Namiss ko din si Hanamichi at Rukawa na palaging nag aaway dito sa gym. (malungkot na sabi ko sa sarili)

Tiningnan ko ang paligid pero napansin ko na wala dito sa loob ng gym si Rukawa.
Simula nung naging sila ni Haruko palagi nalang late si Rukawa, Haaaaaynako. Buntong Hininga ko...

Magsisimula na ang practice pero di kami makakapag simula kapag kulang kami kaya nagalit na si Ayako sa akin dahil hindi padin dumating si Rukawa.

Iwan ko dyan kay rukawa simula nung naging sila ni haruko palagi nalang late" Bulong na sabi ko kay Ayako baka kasi marinig kami ni Haruko

“Haruko, Nakita mo ba si Rukawa?" Tanong ko sa kanya.

“Oo, sabay kaming kumain kana at ang sabi nya mag cr lang daw sya kaya nauna na ako dito" Paliwanag ni Haruko sakin at biglang dumatin na si Rukawa

“Hoooy! rukawa bat ngayon ka lang!?" Sigaw ko sa kanya

Pasensya na” Sabi nya sakin

Lumapit si Rukawa kay Haruko na parang walang paki alam sa amin.

Simulan na natin ang practice, Team Assemble!!!” Sigaw ko sa kanila

Nag practice na nga ang Shohoku Team, ang hindi nila alam ay ngayon ang dating ni Hanamichi Sakuragi.










THE RED HAIR DEVILWhere stories live. Discover now