Chapter 2

410 16 0
                                    

Sa gymnasium.

Maaga gumising ang team ng shohoku para sa pagpili ng bagong miyembro ng Team, Nasasabik na si Ryota Miyagi sa pag pili ng bagong miyembro kaya nagpapakilala sya sa harap nito.

“Ako nga pala si Ryot Miyagi ang Captain ng Team” Sabi ni Miyagi sabay ngiti sa bagong miyembro nila.

Sunod na nagpapakilala..

“Hello, Magandang umaga ako naman si Ayako ang Manager sa team, Third year na ako” pagpakilala ni Ayako

“Hello sa inyo, Ako si Haruko Akagi, 2nd year at kung nagtataka kayo sa Last name ko, Oo kapatid ko si Takenori Akagi” pagpapakilala ni Haruko sa kanila

“At ako naman ang Vice Captain ng Team, Ako si Hisashi Mitsui ang pinakamagaling na Shooter sa Kanagawa” pagmamayabang na sabi ni Mitsui

“Kayo naman magpapakilala sa amin simulan natin sa unahan” Sabi ni Miyagi

“Ako nga pala si Watanabe. 180cm, First year nagmula ako sa Toyotama Junior High at ang position ko ay Point Guard/Small Forward” Pagpapakilala ni Watanabe

“Ako naman po si Hero Ando, 220 cm, Isa akong first year at ang position ko naman ay Center, Nag mula ako sa Wakuo Junior High” Pagpapakilala ni Hero

“Ang tangkad ng isang to”Sabi ni Ryota Miyagi dahil mas matangkad pa ito kay Hanamichi at kay Akagi.

“Wow ang tangkad nya, sa wakas may papalit na kay kuya Takenori” Masayang sabi ni Haruko

“Hohoho” Tawa ni coach anzai

“At ako naman po si Seiya Ando 210cm, Isa akong first year at ang position ko ay Shooting Guard at kaya ko rin maging Center” pagpapakilala ni Seiya

“Kaano-ano ba kayo ni Hero?” Sabi ni Ayako

“Ahh, Oo nga pala pinsan ko sya” Sabay na sabi nilang dalawa

“Kaya pala pareho kayong matangkad at pangangatawan” Sabi ni Mitsui

Tapos na magpapakilala ang bagong miyembro at sinimulan na nila mag ensayo.

Mga ilang oras natapos ang kanilang ensayo pinatawag ni Coach Anzai si Captain Miyagi.

“Ryota Miyagi tawagin mo ang iyong mga ka teammates may ipapagawa ako sa inyo” Sabi ni Coach Anzai

“Okay po coach” Sabi ni Miyagi

Team Assemble!!

“Maglaro kayo ng 3v3, Freshman laban sa Sophomore at Senior sige simulan nyo na” Sabi ni Coach Anzai

Magkakampi ang bagong miyembro at kabila naman ay sina Ryota Miyagi, Mitsui, At Yasuda. Hindi pinalaro ni Coach Anzai si Rukawa baka kasi mahihirapan ang bagong miyembro.

“Simulan na ang laro” Sigaw ni Ayako

Si Satoru Kakuta ang nagsisilbing referee sa laban.

Ang naglalaban sa Jumpball ay sina Mitsui at Hero

Pumito ang referee hudyat na magsisimula ang laro. Tumalon ng mataas si Hero kaya nagulat silang lahat dahil mabilis itong tumalon at napaka taas din nito tumalon katulad ni Sakuragi.

Sa panig nina Haruko

“Wow Amazing, Ang galing nun para syang si Hanamichi Sakuragi kung tumalon” Sabi ni Ayako

“Oo nga pero para sakin mas mataas pa tumalon si Hanamichi nyan pero gunggong nga lang NYAHAHAHA” Sabi ni Noma

'WHAHAHAHAHA tawanan ng mga kaibigan ni Sakuragi' kahit na wala si sakuragi ay nanonod padin sila ng practice game ng Shohoku dahil nasanay na din sila sa panonood kahit na wala si Hanamichi Sakuragi.

THE RED HAIR DEVILWhere stories live. Discover now