Chapter 4

310 11 0
                                    

Hanamichi Sakuragi POV

Sa Rehabilitation..

Hayss.. ang boring naman gusto ko na bumalik sa kanagawa para makapaglaro ng basketball at para makita ko na din si Haruko myloves ko hehehehehe" Sabi ni Sakuragi sa kanyang isipan. Buti pa lumabas muna ako para maglaro ng basketball total okay na naman ako baka mamaya o kaya bukas makakalabas na ako dito.

Sa open court..

Pumunta ako sa court kung saan dun ko nakitang naglaro ang masungit na babae, pagdating ko dun walang katao-tao kaya kinuha ko ang bola sa sahig at nag shoot, Hindi ko akalain isang buwan na akong hindi nag lalaro pero di parin nawawala ang natutunan ko sa pag babasketball hehe Henyo talaga ako NYAHAHAHAHAHA!" Tawang sabi ko sa sarili ko

Nang may biglang nagsalita sa likod ko

"Gunggong na unggoy!"

Napalingon ako kung sino ang nagsalita sa likod ko, pagtingin nakitang ko yung masungit na babae na masamang nakatingin sa akin

"Aba ikaw na naman masungit na bata nyahahaha" Sabi ko sa kanya habang tumatawa

"Oo ako nga yun, at tsaka di ako masungit noh kaya umalis kana dyan maglalaro pa ako" Sabi ni Kumi

"Ehh? Ako yung nauna dito kaya dun ka sa kabila" Sabi ko sa kanya

"Gunggong kaba dito ako laging naglalaro kaya pwede ba umalis kana baka masapak pa kita dyan eh!" Sabi ni kumi na galit na galit sa akin

"Bat kaba nagagalit? Di naman sayo tong court at tsaka wala naman naka pangalan dito na 'Kumi'' NYAHAHAA" Nangiinis na sabi ko sa kanya dahilan para magalit sya sakin kaya tumakbo na agad ako nyahahahhaaha

"Loko loko humanda ka sakin unggoy na pula ang buhok" Naiinis na sabi ni Kumi

Kumi Edogawa POV

Habang nasa room ako bumisita sakin si Papa kaya ang saya ko dahil binisita nya ako ngayon minsan lang kasi bumisita sakin si Papa dahil siya ang coach ng pinakamagaling na college team sa Japan.

"Kumi, anak kamusta kana dito mamaya lalabas kana daw sabi ng doctor. okay naba yung injury mo sa paa? Tanong ni papa sakin

"Oo papa, makakapaglaro na ako at palagi naman akong nag eensayo dito may open court kasi dito papa kaya di ako na bobored dito" Ngiting sabi ko kay papa

"Talaga? Balita ko nandito daw yung lalaking pula ang buhok na ang pangalan nya ay Hanamichi Sakuragi na tumalo sa Sannoh noong Interhigh tournament " Sabi ni papa

"Ay oo papa nakita ko sya noong isang araw habang nag eensayo ako dun sa open court" Sabi ko kay papa

"Talaga? tara punta tayo sa sinasabi mong open court baka sakaling makita natin sya" Ngiting sabi ni papa

"Sige ba papa ipapakita ko sayo kung gaano na ako kagaling" Sabi ko kay papa. Napapaisip ako kung bakit interesado si papa na makita yung pulang buhok na unggoy na yun ahmmm gunggong naman yun eh hahaha.

Coach Daisuke POV

Sa Hiroshima University

"Coach san ka pupunta ngayon?"Sabi ng Team Captain ng Hiroshima

"Ah pupuntahan ko lang yung anak ko dun matagal na din di ako nakadalaw sa kanya kaya sige mauna na ako ikaw muna bahala dito" pamamaalam ko sa mga players ko

Habang nagmamaneho ako papuntang Rehabilitation napapaisip ako sa batang pulang buhok na yun dahil napamangha nya ako at tsaka malaki ang potential na mas hihigitan nya pa ako kapag tinuruan ko sya ilabas ang galing nya sa pag lalaro ng basketball.

Sa Rehabilitation..

Pag dating ko usap usapan sa iba na nandito daw talaga ang pulang buhok na iyon kaya patingin tingin ako sa palagid baka sakaling makita ko ang batang yon hanggang sa nakarating ako kung saan nandon ang room ng anak ko. Kinamusta ko ang anak ko at masaya akong okay na sya sabi ng doctor kaya kahit anong oras pwede na syang lumabas dito. Napagisipan kong e kwenta sa kanta kung totoo ba talagang nandito nga ba yung pulang buhok na yun, at hindi nga ako nagkamali dahil sabi ni kumi nakita nya dito yung pulang buhok na batang yon, dali dali kami pumunta kung san laging tumatambay open court ang anak ko at kung san nakita nya si Sakuragi. Pagdating ko dun nakita ko yung batang pula ang buhok na nag eensayo.Inutusan ko yung anak kong si Kumi na lapitan si Sakuragi.

Nakatago ako dito sa may puno habang tinitingnan ko sila, Napangiti nalang ako dahil sobrang mapang asar ang batang yun sa anak ko hahaha mabilis pa naman mapikon ang anak ko manang mana sa ina nya hehe. ganon na nga nag away ang dalawa at dali daling tumakbo si Sakuragi dahil naiinis si Kumi sa kanya.

Lumapit ako sa anak ko at sabay kuha ng bola sa sahig at e shinoot ko ito kaya pasok na pasok hindi sumasayad sa ring. Nag tanong si Kumi bakit ko daw gustong makita si Sakuragi.

"Kasi anak interesado ako sa batang yun gusto ko syang maging isang malakas na manlalaro dito sa japan" Sabi ko kay Kumi

"Ehh bakit gusto mo tulungan ang batang yun papa. Mayabang yun at tsaka gunggoy pa at sabi nya pa sakin Henyo daw sya hahahaha sa mukha palang di naman sya Henyo" Sabi ni kumi na tumatawa pa

"Oo anak pupuntahan ko sya mamaya pag alis natin dito. Gusto ko syang tulungan sana pumayag sya" Sabi ko kay Kumi

"Ikaw po bahala papa basta turuan mo din ako ng bagong teknik papa ah" Ngiting sabi ni Kumi

"Oo naman kaya tara na kunin na natin ang mga gamit mo dito para maka uwi na tayo" Sabi ko kay kumi

"Sige papa, di muna ako mag ensayo dito makakaalis na pala ako dito kaya dun nalang ako sa court natin mag ensayo"Sabi ni kumi sakin.

THE RED HAIR DEVILWhere stories live. Discover now