Chapter 8

334 14 1
                                    

Gumising ng maaga si Hanamichi para puntahan si Coach Daisuke. Hindi nya na ginising pa sina Mito at ang tatlong ungas.

Hanamichi Sakuragi PoV

Tinawagan ko si Coach Daisuke para kunin ang inalok nya sakin.

Ring,ring,ring

“Hello, Sino ito?” Sagot ni Coach Daisuke

“Ah,  Ako po si Hanamichi Sakuragi, Nandiyan po ba si Coach Daisuke?” Tanong ko sa telepono

“Ah Oo ako ito si Coach Daisuke, Kamusta na sakuragi. Kukunin mo naba ang alok ko sayo?” Sabi ni Tanda

“Ah, Oo tanda, turuan nyo po ako kung paano lumakas sa pag lalaro ng Basketball." Sabi ko kay Tanda

“Sige, Sakuragi Maghihintay ako dito sayo dito sa Hiroshima” Sabi ni Tanda

Pumunta na nga ako sa Hiroshima para magsanay at di ko alam kung ilang araw o buwan ako mananatili dito sa Hiroshima.

Sa bahay ni Mito...

Pag gising nila Mito,Oksuhu,Takamiya at Noma ay wala na si sakuragi.

Mukhang nakakapag desisyon na sya” Sabi ni Mito

“Paano to, Baka magtataka yung team at sina haruko kung bakit hindi pa sya bumalik” Sabi ni Noma

“Basta, Wag nalang natin sabihin para sa kaibigan natin. Nasaktan kasi yun kaya ganon. Buti na din yun para magising na si Hanamichi sa katotohanan at dahil sa nangyari may pangarap na ang atin kaibigan” Sabi ni oksuhu

“Hahays.. Namimiss ko na agad si Hanamichi kahit na gunggong sya naaawa din ako kay Hanamichi” Nalulungkot na sabi ni Takamiya

“Tara na pumasok nalang tayo at manonood tayo sa practice ng Shohoku para hindi sila magtataka sa atin” Sabi ni Mito

Pumunta na nga sila sa Shohoku High.

Sa school ng Shohoku High

“Hi, Goodmorning Haruko!” Bati ni Takamiya kay Haruko

“Oh kayo pala yan naka uwi naba si Hanamichi? Tanong ni Haruko

“Ah Oo haru-

Di na tuloy ang sinabi ni Takamiya dahil tinakpan agad nila Mito ang baba nya.

“Hoy taba wag kang maingay, Lagot tayo kay Hanamichi kapag sinabi natin ang dahilan kung bakit hindi pa sya bumalik” Bulong na sabi ni Mito

“Ahh ehh? Ano yun?” Tanong ni Haruko

“A-ahh ehh ano haruko hindi pa nga namin nakikita si Hanamichi eh” Sabi ni Oksuhu

“Ay Oo haruko diba ngayon ang uwi ni hanamichi?” Sabi ni Takamiya

“Oo nga di pa sya pumapasok eh baka hanapin sya ng professor namin” Sabi ni Mito

“Sige mamaya nalang, Baka didiretso sya sa gym mamaya” Masayang sabi ni Haruko

Sa Hiroshima University

Abala sa pag eensayo ang mga players ng Hiroshima ng dumating si Hanamichi Sakuragi. Napatingin sa kanya lahat ng players sa pinto ng gym.

“Dumating kana pala Hanamichi Sakuragi!” Sabi ni Coach Daisuke

Nag bulongan naman ang mga players sa gym

“Diba sya si Hanamichi Sakuragi?

“Oo nga siya nga”

“Diba siya ang dahilan kung bakit natalo ang Sannoh ang numerong uno sa Japan?

Oo siya nga"

Tanda!” Sigaw ni Sakuragi na ikinagulat ng lahat ng players sa gym

Mataas kasi ang respeto nila kay Coach Daisuke kay nagulat sila nang tawagin ni Sakuragi si Coach Daisuke na Matanda.

"Grabe sya captain ang lakas ng loob nya para tawagin si Coach na Tanda" Sabi ni Daiki na isang Point Guard ng Team ng Hiroshima

"Buti di nagalit si Coach Daisuke, Malupit kaya magalit yan." Sabi ni Haru ang Shooting Guard ng Team Hiroshima

"Siya palang ang nakakatawag ng ganon kay coach hahahaha" tawang sabi ni Jiro ang Power forward ng Team Hiroshima

"Baka di nya pa siguro kilala si Coach Daisuke kaya ganon ganon nalang nya tawagin na Matanda" Sabi ni Kenzo ang Ace Player ng Team Hiroshima at tulad nj Rukawa kaya nya gawin ang lahat ng position sa court

"Oo nga"Sang ayon ni Masaru ang Center at Team Captain ng Hiroshima

Pinapakilala ako ni Coach Tanda sa mga players nya at pagkatapos naupo ako sa bench nila para manood kung paano mag laro ang mga magagaling na players sa Hiroshima. Sobrang galing kaya pala walang makakatalo sa kanila dito sa Japan. Pagkatapos nila mag practice sinimulan agad ni coach ang madugong training para sakin.

Sa gymnasium...

Abala sila lahat sa pagpa practice dahil nga bukas na gaganapin ang laro nila laban sa Meuradai.

Ang mga kaibigan naman ni Sakuragi ay tahimik lang nanonood na parang walang alam tungkol sa pag alis ni sakuragi.

“Bakit wala padin si Hanamichi? Bakit di pa sya dumadating.” Sabi ni Miyagi

“Oo nga nakakapagtaka” Sabi ni Mitsui

Nalungkot naman sina ayako at haruko dahil hindi padin bumabalik si Hanamichi Sakuragi. Inisip nila kung bakit ang tagal dumating ni Sakuragi. Tinawag naman ni Coach Anzai si Miyagj para sa announcement.

“Miyagi, Tawagin mo yung mga ka teammates mo" Sabi ni Coach Anzai

“Okay coach!” Sabi ni Miya sabay sigaw ng..

Team Assimble!!!

“May mahalaga akong sasabihin sa inyo” Anunsyo ni Coach Anzai

“Ah ano yun coach?” Sabi ng buong team

“Mukhang matatagalan pa si Sakuragi sa pag rerecover sa likod niya kaya dapat husayan nyo bukas para manalo tayo sa unang round ng Elimination Games” Anunsyo ni Coach Anzai

Sige mukhang dito nalang ang pag aanunsyo ko umuwi na kayo at magpahinga na kayo maaga pa tayo bukas” Sabi ni coach anzai sa kanila

"Okay po Coach masusunod po" Sabay na sabi nilang lahat

















THE RED HAIR DEVILWhere stories live. Discover now