OLT3

341 14 0
                                    


Keira

Habang nagpo photoshoot, lage lang akong nakatulala kaya napapagalitan ako. Pinagpahinga muna ako kasi mukha daw akong stressed.

Nasa strawberry farm kami ngayon, sa lugar kung saan kami unang nagkakilala ni Charles. Dito rin kami umamin ng nararamdaman namin sa isa't isa.
Bumabalik na naman sakin lahat ng memories naming dalawa pero dumating din dun sa ginawa ko sa kanya kaya napapaiyak nalang ako. Napaka stupid ko kasi.

"Keira, umiiyak ka naman" sabe sakin ni Shane sabay abot ng panyo "I'm okay. Parusa siguro to" tumabi sakin si Shane at niyakap ako.

"I guess hindi talaga kayo ang para sa isa't isa at napatunayan na yun nung magkahiwalay kayo. He's happy now. Kaya sana sumaya ka narin" sabe nya sakin habang tinatapik ang likod ko.

"I just made a choice kasi pangarap ko yun. Sobrang saya ko nung natupad yun pero habang tumatagal nare realise ko nalang na kulang pa pala ako. I thought masaya na ako pero hindi pa pala kasi may iniwan akong sobrang importante sakin" halos di na ako makahinga dahil sa iyak ko.

Pinainom nya ako ng tubig "Keira, stop na? Hirap na hirap ka na eh. 6 years na ang nakalipas. Hindi man nya makalimutan yun, siguro naman napatawad ka na nya" sabe nya.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Alam kong di na mababalik ang dati pero sana nga tama si Shane.

Sana nga napatawad na ako ni Charles.

Charles

"This is perfect!" Sabe ni Abi. Nasa strawberry farm kami ngayon. Dito kasi gaganapin ang kasal namin. Mahilig kasi si Abigail sa straberry at hiling nya sakin na dito kami ikasal.

Naglibot muna kaming dalawa. Sa kabilang side ng farm, may nagpo photoshoot. Iba't ibang lahi yung mga models at puro sila babae.

Nilibot ko pa ang paningin ko kaya nakita ko si Shane na nagse selfie habang nakaupo.

"Shane!" I called her. Nakuha naman agad nya ang atensyon ko pero parang di naman sya masaya. Gulat na gulat kasi yung mukha nya.

Tumayo sya at kasunod nun ang babaeng tumayo din sa likod nya. Its Keira.

"She's back?" Sabe ni Abi na mukhang nagulat din. Tumakbo si Abi papunta sa kanila at ako naman naiwang tulala.

Di makagalaw ang mga binti ko. Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin kay Keira na binabati si Abi.

Umiling ako at huminga ng malalim bago lumapit sa kanila.
"I can't believe you're back! Mukhang nagandahan sila dito sa Baguio ah kaya dito ang lugar na kinuha" sabe ni Abi kay Keira.

Tumingin sya sakin pero agad naman syang umiiwas "Ako kasi ang nag recommend since dito ako lumaki" sabe nito.

Hinila naman ako ni Abi "Can you believe it?! Ikakasal na kami!" Masayaang saad nya sabay pakita nung ring sa kamay nya. Pilit na ngumiti si Keira.

"Congrats!" Sabe nya samin "Charles, pansinin mo naman si Keira" sabe sakin ni Abby "Hi" simpleng bati ko "Hi" bati rin nya.

Nanigas ulet ako. Ewan ko ba kung bakit nangyayari sakin to.

"By the way" sabe ni Abi sabay kuha ng 2 invitation sa bag nya at binigay kina Shane at Keira "Punta kayo ha?" I looked at Abi pero nag shrug lang sya.

Tinignan ko ang reaction ni Keira, alam ko kung naiiyak na sya or hindi. Naiiyak na sya ngayon dahil kinakagat nya ang labi nya "Sige alis na kami" sabe ko sabay hila kay Abi.

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya. Nag shrug sya ulet "I just want to invite them" pagpapa cute nya pero nainis lang ako.

"Alam mong ex ko si Keira. Bakit kailangan mo pa syang imbitahin?" Tanong ko ulet. Mukha naman syang nagalit "Bakit naman hindi?" I crossed my brows.

"Kilala kita, ginawa mo ba yun para ipamukha sa kanya na sayo ako napunta?" Medyo tinaasan ko sya ng boses "Oo! Para iparamdam sa kanya yung sakit na naramdaman mo! Remember na ako ang sumalo sayo nung iniwan ka nya kaya wag mo akong aawayin dahil sa ginawa ko" napawak ako sa ulo ko.

"Oo nasaktan nya ako pero matagal na yun, Abi! 6 years na ang nakalipas! Kinalimutan ko na yun kaya kahit malaki ang kasalanan nya sakin ni kahit minsan hindi sumagi sa isip ko na saktan din sya para makapaghiganti. Di ako ganung tao"

Abi started crying nung sinabe ko yun "Mahal mo parin ba sya ha?" Hindi ako makasagot.

Ano nga bang dapat kong isagot? Umalis si Abi at iniwan nya ako. I tried calling her pero di sya nasagot.

Charles naman!

One Last Time [✔️] OSWhere stories live. Discover now